Chapter 11

2.3K 58 0
                                    

Lalayo ako. Lilimot. Maaaring hindi ko kaya. Pero kakayanin ko. Limang araw pa lang ang nakakalipas. Pero... namimiss ko na agad siya. Pagkatapos ng klase, diretso bahay. Hindi na ako umaattend ng training. Hindi ko pa kayang makita siya ule. Dahil pag nakita ko siya ule, I know I will fall in love all over again. This is reality. And what I lived at the past was just a stupid fairytale.

"Cha. Uy. Nakikinig ka ba saken?"

"Ha? Oo."

"Halika na nga, kumain na tayo." Yaya saken ni Nikko.

Ilang araw ko na ding hindi kinakausap si Frank. Nagpupunta siya sa bahay pero hindi ko siya nilalabas. Pinapasabe ko na lang kay Maddy na gumagawa ako ng school works at ayaw pa-istorbo. It's badly affecting me. Hindi ako makapag-focus sa mga lessons namen.

Shoot. Si Zaki. Papalapit. Tumalikod ako't hinila si Nikko.

"Cha!" Tumatakbo siya papunta samen. "Wait lang."

Hindi ko siya nililingon.

"I want to talk to you."

Hinawakan ako't pinahinto ni Nikko. "Pak, harapin mo na. Tapusin mo na."

Pumikit ako. Binitawan ako ni Nikko saka niya ako iniwan.

"Cha..." Ang maganda niyang boses. Narinig ko na ule. Ayokong dumilat. "Cha, you've misunderstood everything."

Dumilat ako. Ngumiti siya saken. Kapag tinitignan niya ako, kapag nginingitian niya ako, para bang… humihinto ang oras. At lahat ng sakit na naramdaman ko, nawawala. "You're right. I've misunderstood everything. I assumed. Pero 'wag kang mag-alala, Zaki... patuloy kong sinisink in 'yun sa sarili ko."

"Hindi, Cha... That's not what I meant."

"Stop it, Zaki. Stop making my heart beat for you. Stop making me a fool. I'm trying to forget everything. I'm trying to forget my feelings for you. I'm trying to forget the memories. I'm trying to forget you! So please, let me. Kase... hirap na hirap na ako."Bumagsak nanaman ang mga luha ko. Tumalikod ako't naglakad na.

"You're wrong, Cha. Please. Let me explain."

Pinagpatuloy ko ang paglakad ko. Ayoko na. Ayoko ng makinig pa.

"Wag mo akong layuan! Wag mo akong kalimutan! Kase ayoko! Lahat ng pinaramdam ko sayo, Cha, totoo 'yun!"

Napahinto ako. Another lie? Dati pinaparamdam mo lang saken, ngayon with words na?

"Sinaktan kita. Naging pipi ako. Naging torpe. Pinalampas ko lahat ng pagkakataon. Sinayang ko lahat ng pagkakataon. Mga pagkakataong sana sinabe ko na sayo na... mahal kita. Mahal kita, Cha. Kaya 'wag mong tawagin ang sarili mong tanga. Masaya akong kasama ka. Masaya akong nakikita kita. Please, wag kang lalayo. I'm sorry, Cha."

"Sorry? Is that all you can do? Say a sorry? Aanhin ko sorry mo? Nakakain ba 'yan? Mababago ba niyan lahat? Maalis ba niyan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Your sorry can't fix my bleeding heart. Madami namang iba diyan, 'yung iba na lang. Kayang kaya mo 'yun. 'Wag ako ang lokohin mo, Zaki."

"Cha. Maniwala ka naman. Totoo mga sinasabe ko. Papatunayan ko sayo, Cha. Mahal kita."

"Do what you want. Say what you want. Anyway, belated congratulations. For your success in making me fall in your trap."

Lumakad na ule ako. Buong tapang kong sinabe 'yung mga 'yun. Kahit na sabe ng puso ko maniwala ako. Sabe ng puso ko tumakbo ako't yakapin siya. Ang tanga tanga kong puso. Nagpahulog na naman.

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon