Chapter 23

1.8K 41 1
                                    

“Up next, Anime sa Umaga naaaa! Good morning, Philippines! Enjoy your daaaaay!” Aaaaand… we’re off.

Dumiretso ako agad sa dressing room ko. Iwas press. Hanggang ngayon kase hindi ko pa din nahaharap ‘yung issue sa kasal namen ni Pao at ‘yung sa stock room. Come on, people. Don’t you have any life? Andame dameng ibang artista diyan na sangkot sa droga. ‘Yun na lang! “Naise. Dahil mo na lahat nung damit ah. Tapos paki-diretso na din sa laundry shop. Tsaka nga pa-“ What is this woman doing here? Paglingon na paglingon ko, bumungad saken ‘yung mukha ni Tanya. “Yes? May I help you?”

She looked at me from head to toe. “Look. At. You. Well dressed. Sponsored na sponsored ng decent clothes.”

Aba. Pumunta lang ata ‘to para mang-asar. “Look. At. You. Well dressed. Kaso, wala atang nakapag-sponsor sayo ng decent attitude.”

“Huh. Tignan mo nga naman. Wala lang si Zaki dito, tumalib na din ‘yang dila mo.”

“Alam mo, hindi kase ako eskandalosang babae para gumawa ng ganung eksena sa harap ng madaming tao.”

“Layuan mo si Zaki. Pamilyado na ‘yung tao.”

“Para sabihin ko sayo, ‘yang asawa mo ang lapit ng lapit saken. Ano nga ba naman ang magagawa ko, eh mahal na mahal ako nung tao.”

“Is it your make-up or just your face? Ang kapal!”

“Alam mo kung nagpunta ka dito para paulit-uliting sabihin saken na malandi ako at mang-aagaw ng asawa, umalis ka na dahil wala kang karapatang diktahan kung anong klaseng tao ako.” Kinuha ko na ‘yung bag ko at naglakad papunta sa pinto. Nilingon ko uli siya. “Oh. And next time na abalahin mo ko, make sure it’s worth my time.”

“For the last time, Chandi. Layuan mo ang asawa ko.”

Hindi ba talaga ako titigilan ng babaeng ‘toh? “Well listen to this, bitch. Hindi ko na kasalanan kung ako ang pinipili ng asawa mo. Hindi ko na kasalanan kung ako ang mahal na mahal ng asawa mo. Hindi ko na kasalanan kung pinagkasundo lang naman kayo ng mga magulang niyo kaya kayo kasal ngayon. At mas lalong hindi ko kasalanan kung hindi ka magawang mahalin ng asawa mo!”

Dali dali siyang lumakad papunta saken and *pak!* This woman slapped me again. But I didn’t dare to fight back.

“Bitch, you can slap me whenever you like. You can say to me whatever you want. But, I am telling you, hindi ko ikakasira ‘yun. And that won’t even change a thing! And when I say a thing, miski pagmamahal ni Zaki saken hindi mababago ng sampal at paninira mo.”

“I am pregnant.”

Oh come on! “Huh! Really? Pregnant? Are you really out of your mind? Look at yourself, Tanya. I pity you. Kahit konti, Tanya. Kahit konti lang. Maawa ka sa sarili mo. Are you really that desperate? Ako ang mahal ni Zaki. Poor you.”

She grabbed my left arm. “Poor you. Walang magagawa ‘yang pagmamahal ni Zaki para pakasalan ka. Kase kahit anong gawin mo, that won’t change the fact that Zaki’s married to me.”

“Some people just don’t what’s the meaning of ‘delikadesa’ is at kung saan at kelan ba dapat ‘yun ginagamit. Anak mayaman ka di ba? Kasal na kung kasal. Matanong ko lang, nakakatulog ka ba ng mahimbing at kuntento na katabi ‘yung tinatawag mong ‘asawa mo’?” Tinulak ko siya’t napabitiw siya sa braso ko. “Sana ito na ang huli nateng pagkikita, Tanya.” I walked out of the room.

That bitch is deliberately being insulting! Kajiriiits! I drove back to my house. Buti at wala akong sinagasaan at binunggong kotse kanina dahil sa inis ko sa babaeng ‘yun.

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon