Chapter 14

2.5K 53 0
                                    

"Sir, let me take your luggages."

"Thank you."

Sinundo ako ng driver ni Mommy. Sa bahay niya muna ako tutuloy habang wala pa kameng nahahanap na hotel ni Welsh.

3 years. After 3 years nakabalik din ako ng Pinas. Kamusta na kaya si Chandi? 6 years kung susumahin mong coma pa din siya hanggang ngayon. Pero, nabunutan ako ng karayom. Masama na kung masama. Pero natuwa ako nung mamatay si Dad. Kaso, sana ako na lang yung kinuha kung ganitong kamiserableng buhay naman ang titiisin ko araw-araw.

Tamang desisyon naman ang ginawa ko. Magparaya. Tinanggap ko yung alok ni Dad. Kapalit ang pagpapanatiling buhay si Chandi. Nagpunta sa New York. Nagpatakbo ng negosyo at trabaho na hindi ko naman gusto. At nagpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Impyerno kung mararamdaman mo.

Pero tiniis ko yun. Buhayin niya lang si Cha. Baon na baon na sa utang Mommy ni Chandi nun. Hindi sapat ang tulong ko. At isang tao lang ang alam kong kayang kaya ibigay ang hihingiin kong tulong.

3 taon kong binantayan si Chandi makita lang siyang gumising. At hindi ko hahayaang mawala lahat ng dahil lang wala ng pangbayad sa ospital. Simula nung nagpakasal ako, wala na akong narinig na balita tungkol kay Chandi.

Sinubukan kong icontact Mommy ni Cha, pero wala. Pati si Nikko. Walang feedbacks. Humingi ako ng tulong kay Cheska kahit nakadestino na siya sa France ngayon. Pero hindi niya din daw macontact miski si Nikko at Mommy ni Cha. Umaasa ako. Hanggang ngayon. Buhay pa si Chandi. At hahanapin ko siya.

"Zaki!" Sinalubong ako ng yakap ni Mommy pag pasok pa lang ng bahay. "Pasensya na anak kung hindi ako nakasama sa pagsundo sayo. Nagluto kase ako ng dinner."

"Ma, I miss you. And your fail cooking too."

"Hahaha! Nothing has changed to you, Son."

"Ma, si Welsh nga pala. My business partner and also a close friend."

"It's pleasant to meet you, ijo. Come on. Let's eat."

"Ma, wala ka bang balita?"

"Anak, alam mo namang bihira na lang akong umuwi sa Pinas. Anong balita ba ang gusto mong malaman?"

"Ma... si Cha. Asan na po siya ngayon?"

"Oh... Baket? Wala ba kayong communication?"

"Buhay pa po ba siya?" Natigilan sa pagkain si Mommy.

"Son. I'm sorry. Pero wala na akong balita sakanya ngayon. I tought you kept in touch with her."

"I came back for her."

"How about Tanya?"

"Our relationship's not working, Ma."

"Son..."

"I don't love her. At alam naman niya yun."

"Isn't it wrong?"

"Wrong? The one that's wrong is our relationship, Ma. Walang patutunguhan yun. Kaya mabuti pang tuldukan na namen. Lalo na't wala na naman si Dad. We don't have to pretend anymore."

" Just do what's right. I'm just here, son. In case you need me."

"Thank you, Ma."

"Okay. Enough for the drama before my tears stream down. Welsh is being out of place. Haha. So Welsh, am I a good cook?"

Napatingin ako kay Welsh. Napangiti lang siya. "Maaaa. Alam mo naman ang sagot diyan."

"Haha. Okay naman po, Tita." Napilitan po tong si Welsh. Haha.

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon