Chapter 9

2.3K 57 0
                                    

"Nikko, bat ganito?"

"Pak..."

"Crush na nga lang, nasasaktan pa ako."

"Crush? Crush nga lang ba? Pak, nag level-up kayo. Hindi pwedeng hindi din lelevel-up ang nararamdaman mo sakanya."

"Level up?"

"Nasasaktan ka kamo. Pag-ibig na 'yan, teh."

" ... "

"Masaya ka kasama siya. Masaya ba siya kasama ka? Face the reality. Mas masaya siya sa iba."

"Bakit ba kase siya ganun saken? Palagi niya na lang akong pinapakilig."

"Sa tingin mo ba pinapaasa ka niya? Eh kung ikaw lang naman 'tong assuming."

"Pak naman..."

"Sabe nga, minsan kung saan ka masaya, doon ka rin nasasaktan. Pag-ibig, teh! Hirap 'yan. Lalo na kung iba naman 'yung gusto ng taong mahal mo. Pero mas masakit pag akala mo ikaw ang gusto."

"Pak, wag ka naman ganyan. Nasasaktan ako lalo."

"Ano ka ba niya? Ano ka ba niya para magselos ka?"

"Pak, hindi karapatan ang pagseselos."

"Pero balibaliktarin man naten ang lahat, Chandi. Kaibigan ka lang niya. Alam ko masakit at mahirap kung mawawala na lang si Zaki sayo, pero hindi ka pa ba nahihirapan kakahabol sakanya?"

"Nikk, di ba pag nagmahal ka, wala ka namang hihintaying kapalit?"

"Edi inamin mo ding mahal mo na nga siya. Eh bat ka nag-aassume?"

"Kase dito ako masaya. Masaya ako pag kasama ko siya. Masaya ako pag napapangiti ko siya. Masaya ako pag ngumingiti siya saken. Masaya ako sakanya."

"Masaya ka? Pero anong pinunta punta mo dito't may paiyak-iyak epek ka pa? Hindi habang buhay kaya mong mag-pretend na hindi ka nasasaktan."


Hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko. Naiiyak na naman ako.

"Pak, minsan ka na lang magmahal, 'wag mo namang paabutin sa point na ikaw lang 'yung nagmamahal. Cha, baka nakalimutan mo, there was SHE before YOU."

**********

Andito lang ako sa sala buong araw. Nanunuod. Kakatapos lang paulanan ng sermon ng bestfriend ko. Ang sakit. Ang sakit sakit pag galing sa bestfriend mo. Pero paano pa kaya pag kay Zaki talaga nanggaling 'yun? Bakit ba kase hindi ko na lang ma-realize na... wala lang ako sakanya. I wish I could be beautiful enough para mapansin niya. Bakit ganito? Bakit ba ako umaasa? The truth is, I have a hopeless crush on someone I have no chance with. Or should I say, I have a hopeless love on someone I have no chance with and who doesn't give a shit about me.

"Cha."Si Frank. Dumating pala.

"Napadaan ka."

"'Yung invitation mo sa Varsity Ball ng school niyo, pinapaabot ni Zaki."

Oo nga pala. Lahat ng athlete, pep, at band and drummers imbitado.

"Ay. Salamat." Nginitian ko siya.

"Cha, may problema ba?" Umupo siya sa tabi ko.

"Huh? Wala naman. Baket?"

"Alam kong meron. Sabihin mo saken."

"Wala 'to, Frank. Pagod lang 'to. Sabay sabay kase 'yung school works tsaka patayan na practice."

"I know hindi iyan ang problema mo. Alam ko kung ano ang pinagkaiba ng lungkot sa pagod."

"..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung sasabihin ko ba. Tinitigan niya ako sa mata. "Sana Frank, kasing ganda mo na lang ako. Kasing kinis. Kasing talino. Kasing yaman. Sana ako na lang ikaw."

"Cha... what are you talking about? You're beautiful. Inside and out."

"'Yung ganda mo, walang kapantay, Frank."

"What happened, Cha? Don't let anyone make you think there's something wrong with you. You are beautiful the way you are."

"Frank, you are flawless. Perfect."

"Always remember this, the absence of flaw in beauty is itself a flaw. You are beautiful.”Niyakap ako ni Frank.

**********

"Samahan mo muna ako samen." Hinihila ako ni Zaki papasok sa bahay nila

"Eeeeh. Ayoko."Kakatapos lang ng training. Pauwi na sana ako.

"Tara na. Wala namang pasok bukas eh."

"Ayoko."

"Tinext ko na si Tita. Pumayag na. Sabe ko ipapahatid na lang kita sa driver. Halika na. Sandali lang naman." Hinila niya kamay ko hanggang makapasok na nga kames a bahay nila.

"Ano namang gagawin naten dito?" Andito na kame sa kwarto niya.

"Hihiga ako sa kama. Tapos sisigaw akong rape." Pinairal na naman niya pagiging sarcastic niya.

"Tse!"

"Haha!"

"Ano nga kase?"

"Papatulugin mo ako."

"Ano?"

"Patulugin mo ako." Hinila niya ako palapit sa kama't pinaupo.

"Anong tingin mo saken, yaya!?"

"Ay. Hindi ba? Haha."

Binatukan ko nga.

"Sige na. Dali. Pagod ako eh."

"Baket, sa tingin mo ba hindi ako pagod!?"

"Mas mapagod ako."

"Mas pagod ako!"

 "Sigi na, dali na. Patulugin mo na ako."

Hindi ko siya inimik.

"Uy... Are you okay?"

Tinanguan ko lang siya.

"Ah. Alam ko na, kantahan mo na lang ako!"

Poker face.

"Uuyyy!"

"Anong kanta?" Inimik ko na siya.

"Kahit ano. Aheee."

"Gusto mo talagang kantahan kita?"

"Oo. Para din umulan, para presko tulog ko."

"Oh sige."

"Yun!" Humiga na siya.

"Pumikit ka na."

"Baket? Mamaya na."

"Hindi ko sisimulan ang pagkanta pag di ka pumikit."

"Sigi na nga." Pumikit na siya.

Mga ilang segundo bago ko simulan...

"Close your eyes,” kinuha ko ang kamay niya, “Give me your hand, darling,” tinapat ko sa dibdib ko, “Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you feel the same? Am I only dreaming? Is this burning an eternal flame?,” Hindi ko mapigilan. Pero... naluluha ako, “I believe it's meant to be, darling. I watch you when you are sleeping. You belong with me. Do you feel the same? Am I only dreaming? Or is this burning an eternal flame?,” Lumalabo na pangin ko. Gustong gusto ng bumagsak ng mga naipon kong luha sa mata,“Say my name sun shines through the rain. A whole life so lonely. And then you come and ease the pain. I don't want to lose this feeling."

Bumagsak na sila. 'Yung luha ko. Tumulo sa kamay ni Zaki. Hindi ko napigilan. Mahimbing na ang tulog niya.

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon