I texted Frank. Gusto ko siyang kwentuhan about sa nangyari. Sabe ko isama bestfriend niya. Tsaka gusto ko ding magpahangin sa labas. Si Mommy kase. Tumagos sa puso't buto ko 'yung sinabe niya. Sinundo ako ni Frank sa apartment. Kaso siya lang pala mag-isa. Naexcite kase akong makita bestfriend niya. May hinahabol daw na school works kaya hindi daw makakasama. Nagpunta kame ng mall. Nood ng sine. Tapos kumain. Habang ginagawa namen 'yun, kinukwento ko sakanya si Zaki. Pero syempre, hindi ko sinabe 'yung totoong pangalan muna. Ang sabe ko lang baby ko. Natatawa nga siya saken eh. Kinuwento ko kung pano ko siya i-stalk. Kung ilan taon ko ng ginagawa 'yun. 'Yung mga daydreams ko tungkol sakanya.
"Grabe ka pala, Chandi. Haha. Hanga ako sayo."
"Ay nako, Frank. Lahat gagawin ko para sa baby ko."
"Well, I'd like to meet him."
"Nako. 'Wag na. Mamaya pag nakita ka nun, biglang mainlove 'yun sayo!"
"Haha. I'll help you get him."
"Talaga? Eh pano mo naman gagawin 'yun?"
"Hm... Gagawan naten 'yan ng paraan."
Hinatid na ako ni Frank pauwi. Past 8 na ako nakadating sa bahay. Wala si Mommy pagpasok ko. Baka nasa kwarto na niya.
Nag-check ako kung may update kay Zaki. Kaso wala siyang bagong post. Baka busy.
**********
Papunta na ako ule ng gym. Late na ko. Pag-akyat ko nag-sstretching na sila. Nalipat kame ng pwesto sa gym. Dulo dulo na tuloy 'yung side namen sa side ng mga volleyball players. Binato ko na 'yung bag ko sa bleacher at tumakbo sa may side namen. Sumabay na ako sa stretching. Tumingin ako sa side ng volleyball players. Andun si baby. At andun din 'yung babaeng trainer! Peste! Hindi ko na naman masyado makita 'yung mukha nung babae. Ang layo kase namen eh! Kainis.
Doing the routines. Nakakasabay na ako. Ang sarap lang sa feeling na confident na akong gumalaw ngayon. Look at me, Zaki baby!
Nagbreak na kame. Pumunta ako sa pinagbatuhan ko ng bag ko. Sinilip ko si baby. Shoot! Tinatanggal niya 'yung shirt niya! Spell hot!? Ang puti puti niyaaa. Ang flawless ng balat. Nang biglang lumapit 'yung babaeng trainer. Bwiset! Inabutan niya ng towel at shirt si baby. Bruhilda 'tong babaeng 'to. Ano, yaya ba inapplyan mo dito!?
Bumalik na ako't sumabay na ule sa routines. Pagtapos, dumiretso ako sa shower room. Para pagdating ko sa bahay matutulog na ako. Pagpasok ko ng shower room, nilapag ko 'yung gamit ko sa may bench. Wala katao-tao. Biglang may narinig akong kaluskos ng paa.
Lumingon ako sa kanan.
Wala.
Sa kaliwa...
Wala.

BINABASA MO ANG
One of Your Fans (Completed)
Teen FictionA die hard fan/stalker turned to a friend turned to a... girlfriend!? Wait! Wait! Wait! Pano nangyari 'yun!? Anyare after!? Paturo naman. Baka mag-work din sa crush ko. This story is about a typical college girl, Maria Chandria Madeshka Isabela Ramo...