Chapter 3

3.2K 68 1
                                    

"Chaaaaaaaaaaa!" Dirediretso sa pagtakbo si Nikko papunta saken.

Walang preno. Bigla niya akong niyakap at parehas kameng natumba sa sahig.

"Pak naman! Para naman akong OFW na ilang taon mong hindi nakita." Tumayo ako’t pinagpag ‘yung palda ko.

"Sorry naman. Namiss ko lang bestfriend ko." Paglalambing ni Nikko.

"Bakit ba kase absent ka kahapon? Nagkasakit ka ba? May graded recitation kahapon kay Toledo. At as usual, bagsak nanaman ako. My argument is invalid daw!"

"Nako, pak. Mahabang kwento."

"Ikwento mo na. Dali. Habang hinihintay naten dumaan 'yung Zaki baby mo."

"Sige na nga. Nasagasaan kase ako kahapon bago pumasok."

"An-!?" Inunahan ko na si Nikko. Tinakpan ko na bibig niya dahil alam ko na magiging reaksyon niya.

"Teka lang! Patapusin mo muna kwento ko. Rereact agad eh... Ganito kase, nasagasaan nga ako. Pero, chix ang nakasagasa saken. So tinulungan niya ako. Dinala niya ako sa clinic. Gasgas lang naman sa binti eh. Tapos, trineat niya ako sa restaurant nila. Then, dinala niya ako sa clothing line niya't binigyan ng jacket. Pagkatapos, hinatid na niya ako sa bahay." Hindi pa din umiimik si Nikko. "Uy! Pwede ka na magsalita."

"Aba, mayamaaaan!"

"Oo. Maganda na, mabait pa.”

Biglang dumaan na si Zaki. "Pak! Si Zaki!" Pinaghahampas ko na si Nikko sa sobrang kilig at tuwa. Hindi ko kasi siya nakita kahapon eh. Nakangiti siya ngayon. Abot tenga. Mukhang masayang masaya siya. Sino kaya nagpapasaya sakanya?

Pumunta na kame ng room ni Nikko at nakinig na sa boring na lessons ni Sir Pasion. Nakakaantok. Nagdoodle na lang ako sa likod ng filler ko... Nag-FLAMES na din ako. Nagsulat at gumawa ng codes sa C++... Antagal ng oras...

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Yun! Sa wakas! Nag-bell din. Bumaba na kame. Tambay muna ako sa may kubo sa may field. Nauna ng umuwi si Nikko. Nasusuka daw siya. Buntis daw siya. Ilusyunada talaga 'tong bestfriend ko. As if namang may matres siya. Hahaha.

Pumasok ako dito sa pang-apat na kubo't umupo. Nang may marinig akong tumatakbo palapit.

Shoot! Totoo ba 'to? Si Zaki. Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh! Papalapit saken si Zaki! Oh my god! What to do? What to do? Pano ba? ‘Hi, Zaki baby. Bakit? Anong kailangan mo?’ Hinde. ‘Hi, Zaki. May kailangan ka saken? Okay lang. 'Wag kang mahiya.’ Nako. Hinde. ‘Hi, Zaki. Ako si Cha. Ang soulmate mo.’ Ha? Hinde! ‘Hi, Zaki. I love you so much!’ Ano ba? Oh my. Eto na siya.

"Miss..." Hingal na hingal ang baby ko.

Hala, anong sasabihin ko? "Yes, Zaki?" Bigla siyang lumapit. Papalapit ng papalapit. Siguro mga 12 inches na lang layo ng mukha niya sa mukha ko. Pawis na pawis siya. Pero ang bango bango niya paren. Miski tagaktak ang pawis sa mukha. Ang linis linis pa din ng mukha niya tignan. Oh my god, Zaki. Are you going to kiss me? Hindi ako aayaw! Miski rapein mo pa ako dito. Makiki-cooperate ako. Promise. Hindi ako sisigaw!

Nilapit niya 'yung kamay niya sa may pwetan ko. Oh my. Zaki's going to touch my butt! Pano ba 'to? Ipipikit ko na mga mata ko. Slowly, Chandi. "Miss... 'yung notebook ko. Naupuan mo."

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon