Chapter 17

2.1K 47 0
                                    

"Bro namaaaan! Ikakasira 'to ng business naten."

"Welsh. Please."

"Bat kase artista pa minanyak mo!?"

"Hindi ko minanyak si Chandi!"

"Zaki, nasa showbiz news ka! Newspaper! Radio! Internet! Television!"

"Sinabe ko naman sayo, inutos saken ni Cha na halikan siya. Pero hindi ko alam kung baket siya gumawa ng eskandalo."

"Eh bat hindi mo 'yan i-explain sa press!? Sabihin mo na friname-up ka lang nung Ria Ramos na 'yun!"

"Hindi. Hayaan mo na, Welsh."

"Ano ka ba, bro!"

"Hayaan mo na, Welsh. Okay?"

"Pero b-"

"Just leave it to me! Please, Welsh! Please!"

"Okay! Okay! Jeez!"

Ugh. Ang kulit kulit! Kainis! Lumabas na si Welsh sa kwarto ko. Buti naman. Kanina pa niya ko sinisermunan pagkalabas na pagkalabas ko ng presinto. Siya ang nagpyansa saken. Hanggang dito sa bahay walang tigil pagsesermon niya.

Tinakpan ko ng unan mga mata ko. Bakit, Cha!? Bakit mo ginawa 'yun? Hindi kita susukuan. Alam kong ginawa mo 'yun para galitin ako. Para lumayo ako sayo.

**********

"Chandiiii! Kausapin mo ko! Anong nangyari kanina!?"

Bumukas 'yung gate nila at may lumabas na dalawang lalaki. Sila 'yung dalawang lalaki din nung Saturday na umawat saken. Tas 'yung isa dun 'yung palaging nasa labas ng dressing room ni Cha.

"Si Chandi? Please. Let me talk to her. Gusto ko lang siyang makausap." Hinawakan na naman nila ako sa braso't binuhat. "Hoy! Anong gagawin niyo!? Bitawan niyo ko. Wala akong gagawing masama."

"Tama na eskandalo mo, boy." Sabe nung lalakeng mas maskulado habang hawak pa din ako sa braso.

Papalayo na kame ng biglang lumabas si Chandi sa gate. "Ikaw na naman!? Hindi ka pa talaga nadala ah."

"Cha." Nagpumiglas ako sa hawak nung dalawa. "Teka lang!"

"Sige. Paalisin niyo na 'yan dito!" Utos ni Chandi sa dalawang lalaki.

"Teka, Cha. Pakinggan mo muna kase ako."

"Wala ka ng dapat sabihin pa at ayokong makinig sayo!"

"Ganyan ka na ba talaga katigas, Cha!? Ganyan ba dinulot ng amnesia sayo!? Cha andito ako para tulungan ka!"

"Hinde! Andito ka para saktan ako! Kaya wag na wag kang papasok sa buhay ko!"

"Ano bang nangyari sayo!? Ano bang ginawa ko sayo?"

Hindi niya ako sinagot at tumitig lang saken.

"Hindi ako titigil, Chandi. Kahit na nahihirapan na ako. Kahit na hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kahit na pinagtutulakan mo ko palayo. Kahit ilang beses mo pa ako ipahiya. Kahit na nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo saken. Kahit na napapagod na ako... pero hindi ako magsasawa, Cha. Hindi kita susukuan. Kase Cha mahal na mahal kita! Magmula noon hanggang ngayon walang nagbago sa pagmamahal ko sayo. Naniniwala akong babalik 'yung alaala mo. Kahit ayun lang pagbigyan mo na ako. Kahit hindi mo suklian 'yung pagmamahal ko, Cha. Hayaan mo lang ako. Kahit ayun lang. Mabalik ko lang alaala mo. At pag nabalik ko na alaala mo, at sabihin mong hindi mo ako kailangan at ayaw mo saken, doon lang ako titigil."

Tinulak ko 'yung dalawang lalaking may hawak saken tsaka naglakad palayo.

**********

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon