Di pa rin nagigising si Zaki. Ilang oras na siyang walang malay. Mag-iisang araw na. Gumising ka na, please? Sabihin mo uleng mahal mo ako. Pinapatawad na kita. Mahal na mahal kita. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa Mommy ni Zaki. Kundi dahil saken, hindi 'to mangyayare.
Nakatitig lang ako sakanya. Andito lang ako sa tabi niya. Para pag nagising na siya, ako agad ang makikita niya. Gusto kong sabihin paggising niya na pinapatawad ko na siya. Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya.
Gumalaw 'yung mata niya. Zaki? Idilat mo na ang mga mata mo. Hinihintay kita, Zaki. Hinihintay ka namen. Gumalaw 'yung ulo niya’t unti unting dumilat ang mata niya. Tumayo ako’t umupo sa kama niya.
"Cha..." Pangalan ko ang una niyang binaggit.
"Zaki. Andito ako." Naiiyak na naman ako. He's now wide awake. Looking direct to my eyes. "Alam kong hindi nakakain ang sorry. At hindi na mababago ang nangyare. Pero, gusto ko pa ding sabihing I'm sorry, Zaki."
"I love you, Cha."
"Zaki..."
"Mahal mo pa din ba ako, Cha?"
"Mahal mo ako?"
"Oo."
"Mahal mo ako... kahit na hindi ako maganda?"
"I've seen many beautiful faces before. I've been with girls who have beautiful faces. They are all beautiful. But there's only one beauty that catches my heart. And that is yours, Chandi."
"Mahal mo ako... kahit na hindi naman ako sexy?"
"Cha, lovestory ang gagawin naten. Hindi porn."
Napangiti ako. Eto talaga, nagawa pang magbiro. "Mahal mo ako kahit na... hindi naman ako mayaman?"
"Sasabayan kitang tupadin ang pangarap mo, Cha. Sasabayan kitang yumaman. Mahirap man o mayaman. Wala sa estado ng buhay na-dedefine ang tunay na pagmamahal."
"Mahal mo ako... kahit na wala naman akong ibubuga at isang ordinaryong babae lang ako?"
"You're extraordinary, Cha. Hindi ka man magaling sa ibang bagay. Hindi mo man kaya ang ibang bagay. Pero pinahanga mo ako ng sobra sa isang bagay, at yun ay ang bihagin ang puso ko't paibigin ako ng walang dahilan."
Anlaki na siguro ng ngiti ko. Niyakap ko siya. Hinalikan niya ako sa noo. Ang saya saya ko. Lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat lahat ng 'yun, naglaho bigla. 'Yung puso kong basag basag, kala mo mga magnet na biglang nagdikitan. Buo na ule. Buo na ang puso ko.
**********
I'm so happy I could just die right now. Oops. Joke lang pala. Gusto ko pang ikasal at bumuo ng pamilya with Zaki ♥ After the incident, masasabe kong kame ata ang most talked couple sa school. Tuwing makikita nila kameng magkasama, hindi pwedeng hindi mawawalan ng tutubi sa tabi. Nasasanay na ako.
I spent my Christmas with Zaki. This is our first Christmas together. Sa bahay namen siya nag-spend ng Noche Buena. At syempre, kasama ang Mommy niya. Nag-cover ako ng kanta, Smile by Uncle Kracker. Nagpatulong ako kay Nikko. Siya 'yung pinag-gitara ko. Tapos binigyan naman niya ako ng painting. Kameng dalawa. Under a tree. Watching the stars.
Nag-new year naman kame sakanila. Dame foods! At kame ni Maddy ang nagluto. Haha. Saling ketket naman 'tong si Zaki. And by the way, nanalo kame nung cheerdance. Sabe nga nila nadaan daw 'yun nung performance ni Zaki. Haha.
Sabay na nameng ginagawa ang lahat ng bagay ngayon. Except syempre sa maligo ah! Haha. Sabay kameng papasok, kakain, pupunta sa training, gagawa ng assignment, tatawa’t iiyak sa pinapanuod nameng telenobela o movie, at magkukulitan. Aamuyin niya 'yung kilikili ko sabay magrereklamong ang asim daw. Iinisin ako tapos susuyuin din agad. Dudugain sa lahat ng larong lalaruin namen. Kukurutin ang pisngi ko. Yayakapin ako bigla bigla. Papatawanin ako. Papangitiin ako. Babanatan ako ng kung ano-anong cheesy lines. Mag-pipicture pag walang magawa. Magkkwento ng nakakatakot, pero siya naman ang matatakot. Sasabihing may dumi ako sa ilong tapos paghinawakan ko ilong ko sasabihing, ‘Ikaw Budoy!’ Minsan iniinis namen 'yung mga babaeng nanunod sakanya sa gym, bigla na lang siyang pupunta sa side nameng mga pep tapos yayakapin ako. Haha!
Sabay kame. Sabay kameng gumagawa ng masasayang memories. Nagkakatampuhan man kame minsan. Pero hindi siya pumapayag na matatapos ang isang araw na magkagalit kame. Talagang tatawag 'yan at gigisingin ako para lang makipagbati. At ganun din naman ako sakanya. Hangga't maari hindi ako gumagawa ng alam kong ikagagalit niya. Dahil kung talagang mahal mo ang isang tao, gagawa ka pa lang ng mali o kalokohan, nakokonsensya ka na.
Ang bilis ng panahon. Ngayon, matatapos na ang March. Mag-thithird year na kame. At ngayong bakasyon daw na 'to, ipapakilala na niya ako sa Daddy niya. Uuwi daw kase dito sa Pinas.
"Baby, bukas ah. Gising ng maaga."
"Opooo."
"Susunduin kita ah."
"Opooo."
"'Wag kang kakabahan ah."
"Opo, baby."
"I love you, baby."
"I love you big, baby."
"Tulog na tayo."
"Tulog na tayo."
...
Hmm... Anong oras na? May pupuntahan pa pala kame ni Zaki. Bumangon na ako. Naligo't nag-ayos. Kahapon ko pa ni-ready 'tong isusuot ko. Pormal daw ang Daddy ni Zaki. So dress 'tong isusuot ko.
Sinundo na ako ni Zaki. Hawak hawak niya lang ang kamay ko habang nasa kotse kame. Pinasama ni Tita 'yung driver. Kinakabahan ako. Baka hindi ako magustuhan ng Daddy niya. Ilang santo na ata tinawag ko.
Andito na kame. Sossy restaurant. Hawak hawak pa din ni Zaki ang malamig kong kamay. Binulungan niya ako, "Andito lang ako." Pumasok kame sa isang private room ng restaurant. Andito ang Daddy niya. Pero hindi ko alam kung sino. May dalawang matandang lalake dito. At isang dalaga.
"Dad." Lumapit si Zaki sa isang naka-Amerikanang lalake. Maskulado ang katawan. Siguro nasa 40's pa lang.

BINABASA MO ANG
One of Your Fans (Completed)
Teen FictionA die hard fan/stalker turned to a friend turned to a... girlfriend!? Wait! Wait! Wait! Pano nangyari 'yun!? Anyare after!? Paturo naman. Baka mag-work din sa crush ko. This story is about a typical college girl, Maria Chandria Madeshka Isabela Ramo...