Chapter 16

2.2K 46 0
                                    

"Chandi!" Dali dali akong tumakbo paakyat sa stage. Hinawakan ko siya sa balikat. Tinitigan sa mata. At tsaka niyakap ng mahigpit. "CHA!"

"Aaaaaaaah!" Kumalag siya't tinulak ako. "*slaps* Perv!" Nagmamadali siyang lumakad patalikod. "Security! Securityyyy!"

"No! Cha! Si Zaki toh! Remember?" Lumakad ako papalapit sakanya.

"Get away from me! I don't even know you!"

"Chandi. Zaizaki Agosto, remember?"

"Securityyyyyy!"

"Maria Chandria Madeshka Isabela Ramos Aguirre, right? Cha, ako toh!"

"What the hell are you talking about!?"

Hinawakan ko ule siya sa balikat. "Cha. Si Zaki toh. Bakit ba hindi mo ako maalala?"

"Get off of me!" Tinulak niya ako. May humawak na dalawang lalaki sa braso ko.

Tumakbo na papuntang backstage si Chandi. Hinila ako ng dalawang security pababa ng stage. Lahat ng tao nakatingin saken. Lumapit si Cheska. "I'll take care of this." Sabe niya sa dalawang security saka nila ako binitawan.

"Cheska, have you seen her!? Si Chandi."

"I know. I already know. Nakita ko na siya kanina. I was about to say to you, kaso nagkaroon ng emergency backstage."

"What happened? Nakita ka na ba niya? Nakikilala ka ba niya?"

"No."

"Ha?"

"Hindi niya ako kilala, Zaki. I was in shock when I saw her. I tried to approach her. Pero hindi niya ako kilala.”

"Pano nangyari yun?"

"I don't know. Maybe, hindi talaga siya si Chandi. Malaki lang resemblance nila."

"Imposible."

"Zaki. Kung siya nga si Chandi, bakit hindi niya tayo kilala?"

"Something's wrong, Cheska."

"Then what could be the reason?"

"I don't know. Excuse me. I need to go to the restroom."

Pumunta na ako ng restroom. Anong nangyayari? Bakit hndi ako nakikilala ni Chandi? Kailangan kong makausap Mommy niya.

May lalaking pumasok din. Naka-tux.

"Nikko?” Nilingon niya ako't nanlaki ang mata. "Nikko. Anong ginagawa mo dito? You're also here for the fashion show?"

Dali dali siyang lumabas ng restroom. Hinabol ko siya hanggang maabutan ko siya sa hallway. Hinarang ko't hinawakan sa balikat. "Tell me. Si Chandi yung nasa stage kanina?" Sabe ko ng mahinahon. Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya saken. "Nikko. Please. Tell me."

"Nakita mo naman diba? Hindi ka niya kilala."

"Pero siya nga ba si Chandi?"

"Siya si Ria Ramos."

"Siya NA BA si Ria Ramos?"

"Oo! Si Chandi't Ria ay iisa. Happy!? Pero nakita mo naman kung pano ka niya itaboy di ba? Hindi ka niya kilala! Kaya wag ka ng makalapit lapit pa sakanya!"

"Ano bang sinasabe mo? Bat ba pinapalayo mo ako sakanya? Ha? Sino ka ba?"

"Wow! Sino ako!? Pang tanga naman yang tanong mo! Ako lang naman yung bestfriend niya na umalalay sakanya sa mga panahong kailangang kailangan niya ng taong aalalay sakanya!"

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon