Chapter 6

2.8K 60 0
                                    

"Chandi!" Si Frank. Papalapit saken. Water break namen. "'Wag ka munang aalis after training. Pinaalam na kita sa Mom mo."

"Bakit?"

"Let's go out and eat dinner." Sabay bulong, "Kasama si Zaki."

"Nako. Kayo na lang. May mga assignments pa ako."

"Eto naman. Ngayon lang. Sigi na. Di ba sinabe ko sayo, tutulungan kita kay Zaki."

"Hay... Sigi na nga. Pero, saglit lang ah."

"Sure." Nginitian niya ako't bumalik na sa side nila.

Palingon lingon ako kay nila Zaki't Frank. Tawa lang sila ng tawa.

"Ms. Aguirre!" Tinawag ako ni coach.

"Yes, coach?"

"Parati ka ng nawawala. Ano ba? Sumali ka lang ba dito para mang-istalk ng mga players?"

Namula ako. "Nako. Hindi po."

"Then ayusin mo ginagawa mo. Hindi malinis linis 'yung routine eh."

Napahiya na naman ako. Babawasan ko na nga pasulyap sulyap dun.

Tapos na ang training. Diretso shower na ako't gate. Hinihintay ako ni Frank. Pagpasok ko ng kotse. Andun nga si Zaki. Dinala kame ni Frank sa condo niya. Nagpaluto daw siya sa yaya niya ng dinner namen. Malaki-laki 'yung condo ni Frank. Iniwan niya muna kame ni Zaki dito sa may sala.

Kanina pa ako kalikot ng kalikot sa phone. Kung ano ano pinagpipindot ko. Kunyari nagtetext. Nagbasa ng mga old text messages. Tumingin ng mga pictures. Naka-earphones lang si Zaki. Pasulyap sulyap ako sakanya. Buti hindi pa ako nahuhuli. Ano kayang mga genre ng music na pinapakinggan niya? Nakapikit siya habang nakikinig ng music. Ang sarap niyang titigan. Anghel na anghel ang mukha...

Bigla siyang dumilat. Hindi ko agad naalis 'yung tingin ko. "Anong kailangan mo?"

"Ha? Ah... Eh..." Bigla akong yumuko. "Wala..." Bulong ko.

"Ano nga pala ule pangalan mo?"

Tumingin ako ule sakanya. Sa wakas! Tinanong niya din pangalan ko. "Maria Chandria Madeshka Isabela Ramos Aguirre." Kinunotan niya ako ng noo. "Chandi or Cha for short."

Bigla siyang ngumiti. Ang mga pamatay niyang ngiti! Nginitian niya ako! Oh My! Napangiti na din ako.

"Ako nga pala si-"

"Zaizaki Chaise Agosto!" Inunahan ko na siya.

Tumawa siya. Oh My! Napatawa ko siya! Aaaaahhhh! Mas lalo lang lumaki mga ngiti ko.

"So, ano nga pala course mo?" Tanong niya uli saken. Interesado siya saken!

"Bachelor of Science in Information Technology. Second year. Section INF112."

"Hm... Fine Arts nga pala kinukuha ko."

"Yeah. I know."

Ngumiti uli siya. Sabay umiling at yumuko na.

Totoo ba 'to? Kinakausap mo na ako ngayon? Pakisampal nga ako. Baka nananaginip lang ako.

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon