Chapter 20

2.3K 52 0
                                    

“Come on, best. Sige na pumayag ka na.”

“Cheche. I’m busy. May new project kameng inaasikaso ni Welsh.”

“Sandali lang naman ‘yun. Leave it to, Welsh. Just three days and two nights.”

“Cheche.”

“Pleeeaaase!”

“Just one thing.”

“What is it?”

“I’ll go home as soon as the photoshoot is done.”

“Sure thing! Thank you!”, aaaand she hangs up.

Cheska asked a favor. She wanted me to be a part of their photography team again. Kasama kase ‘yung clothing line niya sa napiling Top Clothing Line in Ph ng isang magasin. At may photoshoot sila bukas. Oh di ba ang galing galing ng bestfriend ko. Sasabihin niya saken kung kelan bukas na. And guess where. Batangas. Sa Taal Church and beach sa San Juan, Batangas.

Medyo occupated ang utak ko from work this past few days. Sinimulan na kase namen ni Welsh ‘yung pottery ipasok sa business. Okay naman at nag-eenjoy ako sa pottery.

Two days na kameng hindi nagkikita ni Chandi ulit. I miss her. I’ve been texting her. But I get no reply. Maybe I should visit her this evening. Para makita ko naman siya bago ako umalis bukas. I grab my cellphone and headed out to my office.

“Uy. Mamaya na ‘yung alis niyo?” Biglang tumambad mukha ni Welsh saken paglabas ko ng opisina ko.

“Bukas pa ng umaga.”

“Alagaan mo si Cheche ah.”

“Sinabe ng ako lang ang tumatawag ng Cheche kay Cheska. Tsaka, wala kang dapat ipag-alala, bro. I’ve been taking care of Cheche for almost twenty years.”

“Mga salitaan naman, bro. Nakakapangselos ata.”

“Saken ka pa mag-seselos. Welsh, kapatid ko na ‘yang si Cheche. Hindi man sa dugo. Pero magkapatid kame sa kaluluwa nun. Teka. Umalis ka na nga diyan sa daan. Pupuntahan ko pa si Cha.”

 Niyakap na ako ni Welsh.

Pagdating ko sa bahay nila Chandi, naabutan ko si Nikko na paalis na. Hm. Malamang andito na nga si Cha.

“Hi, Tita.” Pagpasok ko ng living room nila nakaupo si Tita Fely at nagbabasa.

“Ijo. Napadalaw ka.”

“Gusto ko lang po sana makita si Cha. Andito na po ba siya?”

“Wrong timing ka naman. Nagpapahinga na siya. May out of town photoshoot kase siya bukas.”

“Really? Saan naman po?”

“I heard sa Batangas. Ilang araw din siyang mawawala.”

“Great! Is that for Lady Bargeron clothing line?”

“Oo. Baket mo alam?”

“I’m part of the phoyography team. I’ll be coming also.”

“Ayun naman pala. May magbabantay pala sa anak ko. Haha.”

Well, that’s a great news. Hindi naman sinabe ni Cheche na kinuha niyang model si Chandi. Pag-uwi ko ng bahay, tinawagan ko agad si Cheche.

“Cheche, I already know what is your plan.”

“What? What plan?”

“Not actually your WHOLE plan. Pero alam kong kinuha mong model si Chandi. You could have said it to me. Alam mo namang hindi ako tatanggi agad basta’t si Cha. Haha. So why didn’t you tell me at the first place?”

One of Your Fans (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon