This is dedicated to Team Kemerut! We love you, guys! Hahaha.
--
FATHER DUTIES (ADOL AU)
Characters: Gabriel, Vicky, Baby Lorey
What if: Gabriel was left alone with Lorey.
--
Simula nang manganak si Vicky, di na siya nagtrabaho. Si Gabriel naman, super busy sa trabaho. Naiiwan lagi si Vicky sa bahay para alagaan si Lorey na anak nila. 4 months pa lang si Lorey kaya mahirap pang iwanan.
Nagpaalam si Vicky kay Gabriel noong gabing yon na aalis siya ng bansa to visit her parents next week. And she asked him to take a leave para siya mismo ang mag-alaga sa anak nila. Pumayag naman si Gabriel dahil alam niyang kailangan naman ng break ng asawa niya.
After a week.. (Nasa Chicago na si Vicky)
Naiwan si Gabriel at si Baby Lorey sa bahay. Okay naman ang mag-ama. Buti na lang nag-iwan si Vicky ng mga dapat niyang gawin kay Lorey.
May isang malaking problema lang si Gabriel.
Hindi siya marunong magpaligo ng baby.
Wala yung yaya nila dahil nag-day off ito.
He tried to call Alex para itanong sana kung paano.
Gabriel: Alex, uhmm..
Alex: What? Nakakaloka. Nasa botique ako, Gab.
Gabriel: May problema kasi ako eh.
Alex: About what?
Gabriel: Lorey
Alex: WHAT? Anong nangyari sa inaanak ko? Papatayin kita Gabriel kapag may nagyaring masama kay Lorey.
Gabriel: (sighed) Ang OA mo, Alex. It's just that..
Alex: Ano nga?
Gabriel: Hindi ko alam kung paano magpaligo ng baby. Can you help me with this?
Alex: Duh? Gabriel, wala pa akong anak. I don't know how. Just call Vicky.
Gabriel: But it's her day off..
Alex: Kaloka kayong mag-asawa ha. Tawagan mo na siya at baka one week di maligo yang si Lorey dahil sayo. Kawawa naman. (Laughs)
Gabriel: Fine.
Napatingin si Gabriel sa natutulog na si Lorey. Napakamot na lang siya sa ulo niya.
Gabriel: I think, I should've asked my mom before kung paano niya ko pinapaliguan nung baby ako.
Kinuha niya ang phone sa tabi ng tv at dinial ang phone number ng parents ni Vicky sa Chicago.
Vicky: Hello? (Nagising lang sa pagkakatulog)
Gabriel: Babe...
Vicky: GABRIEL! KAKATULOG KO LANG!
Gabriel: Okay, I'm sorry. May problema lang kasi.
Vicky: Anong problema? Di ba sinulat ko lahat ng dapat mong gawin.
Gabriel: Y-yes. Pero.. Di mo tinuro mag-ano...
Vicky: What?
Gabriel: I don't know how to-- Di ko lang kung paano-- ano kasi--
Vicky: GABRIEL!
Gabriel: Hindikokasialammagpaligongbaby.
Vicky: Slower please.
Gabriel: Babe kasi...
Vicky: You can do it, Babe. Tell me, what's the problem.
Gabriel: Hindi ko kasi alam kung paano papaliguan si Lorey. Sorry, babe. Wala si Gemma eh. Nag day off siya. Sorry talaga, babe.
Vicky: HAHAHAHA! Sabi na eh! Buti na lang ready ako! Check my iPad. I recorded a video nung pinaliguan ko si Lorey nung isang araw.
Gabriel: (Napangiti) I LOVE YOU BABE! THE BEST KA TALAGA!
Vicky: Hmm. Buti na lang. Matutulog na ulit ako. Bye. I love you.
Hinanap ni Gabriel ang iPad ni Vicky. At nakita niya ito malapit sa mga gamit ni Lorey. May sticky note pa na naka dikit.
Babe kong pogi,
I know you'll need this. Ingatan mo si Lorey. I love you.
-Vicky
Napailing si Gabriel nang makita ang note. Handa talaga si Vicky sa pwedeng mangyari.
Pagkatapos niya mapanood ang tutorial ni Vicky, (haha) kinuha n niya si Baby Lorey mula sa crib nito.
"Buti na lang, ready si mommy." sabi ni Gabriel sa anak habang pinapaliguan ito.
*End*
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!