Arranged Marriage (Real-Life AU)
Characters: Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Sandy Andolong"Mrs. Concepcion?"
Napalingon ako sa doctor.
Kinukwento kasi ni Sandy sa akin ang nangyari kanina. Bigla na lang raw akong bumagsak. Buti na lang daw hindi tumama yung ulo ko.
Tinawagan ni Sandy si Gabby kaya lang hindi daw sinasagot. May meeting siguro siya.
"Ah ako nga po. Ano pong resulta, doc?" tanong ko.
Sana naman hindi malala ang sakit ko dahil walang mag-aasikaso kay Gabby sa bahay kung magkakasakit ako.
"Nasaan ang asawa mo, Mrs. Concepcion? Mas maganda sana kung nandito rin siya," sabi ng doctor.
"Ah--eh nasa trabaho po eh. Sige po, sa akin niyo na lang po sabihin."
Parang na-gets naman ni doc na walang chance na dumating ang asawa ko ngayon.
Nginitian niya ako.
"Congratulations, Mrs. Concepcion, you are 3 weeks pregnant!"
"Wow! Ninang ako ah!" sabi ni Sandy na ang laki ng ngiti.
Buntis ako? Hindi ko ine-expect 'to. Ngayong anniversary pa namin ko pa talaga nalaman. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil pagkatapos ng maraming taon, magiging magulang na kami ni Gabby. At takot sa magiging reaksyon niya. Hindi ko naman kasi sigurado kung matutuwa siya na magkakaroon na kami ng anak. Kapag may nangyayari kasi sa amin, kadalasan lasing lang siya.
"First baby mo?"
Tumango naman ako.
"Normal lang sa stage ng pregnancy mo ngayon na nahihilo ka at kung minsan, masusuka ka pa. Lagi kang mag-iingat at huwag magpapa-stress para sure na maging healthy ang baby. Congratulations ulit, Mrs. Concepcion," nakangiting sabi ng doctor.
"Thank you po, doc."
Paglabas ng doctor, tinignan ako ni Sandy.
"Oh ba't parang di ka masaya?"
"Baka kasi hindi naman matuwa si Gabby eh. Natatakot ako sa reaksyon niya."
"Ay wait! Oo nga pala. Hindi mo nakwento 'yon ah. 3 weeks ka nang buntis so ibig sabihin, may nangyari sa inyo 3 weeks ago!"
Tinakpan ko naman agad ang bibig niya. Ang lakas pa naman ng boses ng babaeng 'to! Nakakahiya sa mga katabi namin rito. Nasa emergency room kasi kami at kurtina lang ang nagseseparate sa mga pasyente.
"Sandy naman eh! Huwag mo na isigaw," inis kong bulong. "Lasing kasi siya no'n. Birthday ni Albert. Tapos bigla na lang," pagkukwento ko.
"Biglang ano?"
"Alam mo na 'yon!"
"Hindi ko alam!"
"Ayun na nga!"
"Anong ayun?"
"May nangyari na nga sa amin!" mahina pero madiin kong sabi.
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!