Sa Kabilang Ilog

213 11 3
                                    

Hello GaLor bebes! Pasensya na ngayon lang kami nakapag-update. Sobrang busy kasi kami. Pati sa ADOL wala munang update. Kapag may free time po kami, promise na promise, we will update! So iyon, huwag kalimutan magvote ang magcomment. :)

SA KABILANG ILOG (Ficlet)

Characters: Lorna Tolentino, Gabby Concepion

--

Tuwing bakasyon, pumupunta kami sa farm ng Tito ko kasama ang mga pinsan ko. Madalas kaming maglaro rito. Ang farm nila ay malapit sa ilog. Mahilig kami magliwaliw malapit rito dahil nagkabit si Tito ng duyan doon at masarap rin ang simoy ng hangin.

Bata pa ako noong unang beses ko siyang nakita. Siguro, labindalawang taong gulang pa lamang ako. Pero sigurado ako kahit bata pa ako noon, mahal ko na siya.

--

"Papa, ihatid mo na po ako kila Tito." pakiusap ko kay papa.

Unang araw ngayon ng bakasyon namin. Kakagraduate ko lang ng elementary. Sa susunod na taon, 1st year high school na ako.

"Lorna, anak, pwede bang bukas na lang? Marami pang gagawin ang papa ngayong araw eh."

Mas sumimangot ako dahil sa sinabi ni Papa. Excited pa naman ako pumunta doon dahil tiyak na naroon na ang mga pinsan ko.

"Huwag ka na malungkot anak," umupo si papa sa tabi ko. "Promise, bukas talaga. Totoo." sabi ni Papa saka niyakap ako.

--

Tumupad naman sa usapan si Papa. Hinatid niya agad ako kila Tito kinabukasan. Masaya akong sinalubong ng aking mga pinsan. Pagdating namin doon, agad kaming naglaro ng kung ano ano. Habulan, langit-lupa, luksong tinik, at marami pang iba.

Ikatlong araw ko na rito sa farm. Natutulog ng tanghali ang aking mga pinsan. Ako naman, hindi makatukog dahil hindi ako sanay. Tumungo na lamang ako sa duyan malapit sa ilog.

Tahimik akong umupo sa duyan at inugoy ito. Ang sarap talaga ng hangin dito.

"Bata! Hoy!" sigaw ng boses.

Luminga-linga ako pero wala akong nakita. May multo pa ata rito kila Tito.

"Bata! Nandito ako sa kabilang ilog!" sigaw ng boses.

Bumaba naman ako ng duyan at tinanaw ang kabilang ilog. Naroong nga ang bata. Matangkad siya, maputi, at malinis tignan. Sa madaling salita, gwapo siya. Ngayon ko lang siya nakita. Siguro bagong bili lang nila ang lupa doon.

"Bata! Anong pangalan mo?" sigaw niya habang nakangiti sa akin.

"Ako?" sigaw ko pabalik.

Tumawa naman siya, "Malamang! Ikaw lang naman ang tao dyan!" sigaw niya.

Sumimangot naman ako dahil sa pambabara niya sa akin. Hayss.

"Bata! Huwag ka sumimangot! Mawawala ang ganda mo niyan! Ako si Gabriel pero Gabby na lang, ikaw anong pangalan mo?"

Namula ako sa sinabi niya. Hindi naman unang beses akong nasabihan ng maganda pero iba ang impact ng salita niya sa akin. Tiningnan ko siya. Nakangiti pa rin siya. Ang gwapo talaga niya.

GaLor AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon