Hanggang Kailan (Real-Life AU)
Characters: Gabby Concepcion, Lorna Tolentino
(Play Hanggang Kailan by Michael Pangilinan while reading this para mas feel!)
Akala ko sa'yo natagpuan
Pag-ibig na walang hangganan"I love you Lorna! Walang makakapaghiwalay sa atin na kahit sino, kahit ano. Promise" nakangiting sambit ni Gabby kay Lorna habang hawak ito sa magkabilang pisngi.
Pagkatapos ng ilang buwan na panunuyo niya kay Lorna. Umamin rin itong may nararamdaman siya para kay Gabby.
"Talaga lang? Alam mo, nakakainis ka rin 'no?"
Kumunot ang noo ni Gabby dahil sa pagtataka. "Bakit naman?"
"Eh kasi, kahit alam kong ang dami mo nang niloko at pinaglaruan na babae, hinayaan ko pa rin ang sarili kong bigyan ka ng pagkakataon."
Napailing na lang si Gabby at inilapat ang labi niya sa labi ng nobya.
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?" malambing na tanong ni Lorna.
Pero tahimik lang na pumanhik sa kanilang kwarto si Gabby. May iba rito, hindi lang niya matukoy kung ano.
Umakyat na rin siya sa kwarto nila. Naabutan niya si Gabby na nakaupo sa kama, nakangiti habang hawak ang cellphone nito.
Umupo si Lorna sa tabi niya at agad nitong pinatay ang hawak na cellphone.
"May iba ka na ba?" kalmado pero malungkot na tanong ni Lorna.
"Ano ba namang tanong 'yan, Lorna?" iritang sabi ni Gabby at tumayo na ito para magbihis.
Lorna. Ngayon niya lang ulit narinig na tinawag siya nito sa pangalan niya. Kadalasan kasi ay babe o love and tawag nito sa kanya.
Nasasaktan siya. Parang sinasaksak ang puso niya.
Sinundan niya ito sa dresser.
"Gabby, kung may iba ka na, sabihan mo naman ako para hindi naman ako magmukhang tanga." Hindi na niya napigilan. Unti-unting bumagsak ang mga luha mula sa mata niya. "Kung hindi mo na ako..." Huminga siya ng malalim. Parang hindi niya lubos maisip na mangyayari ito sa relasyon nila. "K-kung hindi mo na ako m-mahal, k-kung gusto mo nang tapusin 'to, papakawalan kita. Kahit masakit, kung sasaya ka sa paglaya mo, gagawin ko.."
Tinignan siya ni Gabby saka ito umiling. "Pinagsasasabi mo? Stop the drama, Lorna. Hindi na tayo bata para diyan," iritableng sabi nito at sinuot na ang kinuhang t-shirt mula sa cabinet.
Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag-isaNanginginig ang kamay ni Lorna nang hawakan niya ang door knob. Ilang beses niyang tinanong ang sarili niya kung kakayanin niya ba ang pwede niya makita. Ngayon pa lang naiiyak na siya.
Mariin siyang pumikit at pinihit na ang doorknob. Hindi niya alam kung kaninong bahay 'to. Basta sinundan niya lang si Gabby kaninang umalis ito.
Inikot niya ang mata niya sa loob. Nakita niya ang hagdan kaya umakyat siya rito. Isang pinto ang bumungad sa kanya. Tulad kanina, ilang minuto rin siyang tumayo sa harap nito bago tuluyang pumasok.
Pagbukas niya ng pinto, kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano siya pagtaksilan ng taong mahal niya. Napako siya kinatatayuan niya at wala nang ibang nagawa kung hindi umiyak.
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!