hindi ako interesado

65 2 0
                                    

1

Naalala ko pa nung unang beses kitang nakita. Nakaupo ka sa damuhan sa Freedom Park, mag-isa. Medyo weird nga dahil lahat ng ibang nakaupo do'n may kasama at nagkukwentuhan. Nilapitan kita at tinanong ko kung okay ka lang. Sabi mo, hindi ka interesado. Natawa ako dahil wala naman akong intensyon na makipaglandian sa'yo pero na-judge mo na ako agad. Hindi na ako nagsalita at binigay ko na lang sayo yung suot kong jacket. Gabi na kasi, hindi naman pwedeng iwanan na lang kita. Tinignan mo ako nang may pagtataka, feeling ko nga gusto mo na akong suntukin. Hindi ko alam, para kasing kailangan ko gawin 'yon para sa'yo. Parang kapag hindi ko ginawa  hindi ako makakatulog mang gabing' yon. Nagpaalam na ako sa'yo at umuwi na ako sa dorm. Huminto ako sa tapat ni Mariang Banga nang makita kong may ID doon at nakita kong ikaw 'yon. Ibabalik ko sana pero wala ka na sa inuupuan mo kanina. Napangiti na lang ako dahil hindi pala iyon ang magiging huli nating pagkikita.

Victoria Lorna Tolentino
BS Economics
198x-*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GaLor AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon