This is dedicated to all GaLor bebes. Enjoy reading! Don't forget to vote and to leave a comment. :)
DRUNK IN LOVE (Real-life AU)
Characters: Lorna Tolentino, Gabby Concepcion
What If: Lorna accidentally ask Gabby to pick her up because she's drunk
--
Nandito siya sa isang bar ngayon. It's one of her friends' birthday kaya hindi siya pwedeng hindi uminom. Alam niyang malalasing siya kaya nagpasundo na siya bago pa siya tuluyang mawala sa wisyo.
Hinanap niya ang name ni Renz sa contacts niya para magpasundo rito. Pero ibang pangalan ang napindot niya. Hindi niya naman napansin dahil medyo lasing na siya.
She accidentally sent it to Gabby
To: Gabby Concepcion
Sunduin mo na koakk im drunk
Tuloy lang siya sa pag-inom ng alcoholic drinks hanggang sa hindi niya na alam ang ginagawa niya. Hindi niya na rin alam kung nakailang shots na ba siya ng alak.
Nagulat na lang siya nang biglang may bumuhat sa kanya.
xx
Nasa taping si Gabby ng teleserye na ginagawa niya. Bored na bored na nga siya dahil tapos na kuhanan ang mga eksena niya. Pero heto pa rin siya.
Nabigla siya nang may ma-receive siyang message mula sa taong hindi niya inaasahan na maaalala siya i-text. Parang nag-skip ng beat ang puso niya.
From: Lorna
Sunduin mo na koakk im drunk
Kinabahan siya. Alam niyang wrong send ito pero hindi niya ito hahayaang mag-isa. Siya ang susundo rito para sure siyang ligtas itong makauwi sa bahay niya.
Nagpaalam muna siya sa mga kasama niya doon tapos umalis na agad para puntahan si Lorna.
He called her pero hindi nito sinasagot ang phone niya. Kinabahan siya lalo.
Baka kung ano na ang ginawa nito. Naalala niya pa kasi noong nalasing ito noong victory party ng pelikula nilang Crazy Beautiful You, nangyakap bigla ng nakasalubong nilang lalaki at sinabihan ng "I love you". Hindi niya na ulit hahayaang mangyari ulit 'yon. Ang malasing si Lorna? Hindi. Ang mangyakap at magsabi ito ng 'I love you' sa ibang lalaki.
He tried to call her again. Buti sinagot na niya.
"Hello? Sino ka?" she asked tapos tumawa pa. Maingay sa background. Malakas ang music.
Napahampas na lang si Gabby sa manibela. Lasing na nga si Lorna. Hindi niya naman alam kung saan niya ito pupuntahan.
"Where are you? I'll pick you up."
Tumawa si Lorna sa kabilang linya. "Gabby? Bakit ikaw susundo sa akin? Natext ko na si Renz eh. Next time na lang ikaw, okay?"
"Lorna, will you just tell me where you are? I am worried!"
"Worried ka? Bakit?"
"Nasaan ka ba?"
"Bar."
"Why are you there? Who's with you?"
"It's one of my friends' birthday... Dito ako, somewhere in North."
"I'll find you."
Ibababa niya na sana nang magsalita ulit ito.
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!