This is dedicated to my Ate Cathy! Haha. Love you! Miss na miss niya na ang GaLor!
RESTORED MOVIE
(Real-life AU)Characters: Lorna Tolentino, Gabby Concepcion
What if: Nagbabagang Luha was restored by ABS. What will be GaLor's reaction watching their kissing scenes together.
--
Matagal nang nagrerequest ang Lornatics and GaLor bebes na magkaroon ng movie ulit ang GaLor. Well, after five years, nagkaroon naman at kasama pa nila ang KathNiel. Pero nang malaman ng fans na walang 'kislap sa dilim' ang GaLor sa movie, ayun, super disappointed ang lahat. In short, HOPIA. Yung ang tagal tagal nilang hinintay ang come back movie ng dalawa, tapos ganun pa. Pero bawing bawi naman ng ABS sa guestings kaya keribels na rin.
Kaya ngayon, nagrerequest na naman ang fans na isa pa sanang project for them. Pambawi man lang daw sa hopia sa Crazy Beautiful You na friends lang ang GaLor. Eh kahit nga ang GaLor mismo, bet na bet magkasama ulit. Si leading man? Ayun, more commemt, more fun ang ginawa sa picture ni leading lady. Doon sila nag-usap sa comment box sa isang picture ni Lorna. Ang fans nila? Ayun, namatay na sa kilig.
Pagkaraan ng ilang months, pinagbigyan naman. Hindi nga lang new movie. Ire-restore kasi ng ABS ang lumang movie ng GaLor na Nagbabagang Luha noong 1988. Ayos na rin daw yun kay sa naman wala 'di ba?
xx
Showing Day
7pm pa ang start ng movie pero ang mga tao, 5pm pa lang dumagsa na. GaLor yan eh. Anuva! Ang saya saya ng mga tao d'on dahil makikita n naman nila finally magkasama ang GaLor. Oo naman! Magkakasama sila. Dahil pareho silang manonood.
Mga 6:30 PM, dumating na si Gabby. At maya-maya lang, dumating na din si Lorna kasama ang anak nitong si Renz.
At dahil para-paraan ang GaLor bebes, kinausap nila si Renz kung pwedeng sa kanila na lang tumabi. Good thing, pumayag ito.
"Guys, ayan may moment na ang GaLor!"
"Yassss! Galing!"
"Picture-an niyo ang reactions nila!"
"I-ready na ang mga camera!"
xx
7:15 PM
Lumakad na sa red carpet ang mga artistang naging parte ng pelikula. Hindi nakapunta si Ms. Alice Dixon dahil sa may shooting ito ngayong araw. Nang si Lorna na ang lalakad, sinabi ni Renz sa kanya na si Gabby na lang mage-escort sa kanya sa red carpet since ito naman ang leading man niya.
Nakatayo lamang si Lorna doon nang lapitan siya ni Gabby.
"LT?" tawag nito, "Let's go." then he offered his hand.
She looked at his hand for seconds.
"Para di tayo kabahan?" he said with a smile.
Tinanggap niya ito.
Si Renz naman, umupo na kasama ng mga fans ng Mama niya. Ang mga bagets naman, kilig na kilig!
"Ms. Lorna Tolentino and Mr. Gabby Concepcion..."
Magkahawak kamay silang lumakad sa red carpet. Isang nakakabinging tili at nakakasilaw na ilaw na nanggagaling sa flash ng mga camera ang bumalot sa buong paligid.
Umupo na sila sa harap. Magkatabi. Magkahawak kamay pa rin. Ang fans? Click here, click there. For sure, babaha na naman ang mga picture na yan sa twitter, instagram, facebook, blogs at kung ano ano pa.
Nagstart na ang movie.
Minsan, nahuhuli ni Lorna na nakatingin sa kanya si Gabby kaya umiiwas agad ito ng tingin at ibabalik sa screen. She can't do nothing but to smile.
"Before I forgot," he said, "You look great tonight."
She felt like all of her blood goes up to her face. Good thing, madilim ang paligid. He won't see her reactions.
"Salamat." she simply said.
Napansin naman niya na they were still holding each other's hand kaya she immediately let go his hand.
"I'm sorry."
"It's okay."
Scene na sa office ni Alex. Maita entered the room. Then they just found their selves hugging and later on... kissing each other.
Gabby secretly glanced at Lorna who was now covering her face dahil sobrang pula na niya at hiyang hiya na siya because she was watching her kissing scene with the same man sitting beside her that moment.
Gabby grabbed her hand, "Look, okay lang yan. That was just a movie. Pwera na lang kung naaalala mo pa ang nangyari when we were shooting the car scene!" he laughed. So hard.
"Gabs, can you please stop reminding me of those?!" she said with her eyes closed.
"Come on, watch this scene. Ayan na oh. Who would have think that we took that scene for seven times!"
"Shut up, Concepcion! Kasalanan mo kaya 'yan. Masyado kang aggressive. Dapat ikaw ang nahiya sa akin niyan 'no!"
"You enjoyed it though."
"Ang gwapo mo dyan."
"Lagi naman di ba?"
"Conceited."
"I'm just honest."
They kept silent for a moment before he talked again.
"You too."
"Anong ako rin?"
"Ang ganda mo dyan."
"Alam--"
"--Pero mas maganda ka ngayon."
And there. She shut her mouth and told herself not to talk to him anymore.
*end*
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!