The Hauted Maze (AU)

173 10 1
                                    

This is so late. Hahaha. Pero sana basahin niyo pa rin. :))

--

THE HAUNTED MAZE (ADOL AU)

Characters: Vicky, Gabriel

What if: they enter a haunted maze.

--

"Babe, kung matapang at lalaki ka talaga, let's enter the haunted maze! Game?"

Tumingin si Gabriel kay Vicky. Ayaw niya sana pumasok doon pero baka ma-disappoint si Vicky kaya pumayag siya.

Pero nang nasa start na sila ng maze, pinagsisihan niya an agad na pumayag siya dahil may humatak agad ng paa niya. Nasipa niya nga ata sa mukha yung nananakot eh.

Tawang tawa naman si Vicky sa reaksyon ni Gabriel.

"Babe! Grabe! Bakit mo sinipa? Hahahaha. Kawawa naman 'yon. Ginagawa niya lang trabaho niya, nasipa pa."

"Nagulat ako eh. I want to get the hell out of here! Saan ba ang daan? Kainis."

Biglang may humawak sa balikat ni Vicky kaya napayakap siya kay Gabriel.

"Sht, babe. Labas na tayo, please. Baka makasampal pa ako ng nananakot dito!" may takot at asar sa boses ni Vicky.

"Hahahaha. Buti wala sa harap mo yung humawak sa balikat mo, kundi, kawawa yun."

"Shut u-- Waaaaah!"

May humawak naman kasi sa paa niya kaya nagpapadyak siya. Si Gabriel tuloy, tawang tawa.

"Tara na nga. Hahaha. Takot na takot ka, babe."

"Bwisit ka, babe."

"Bwisit ba yung ganito kagwapo?"

"Ha ha ha! Ayan, tatlong tawa for you. Okay ka na?"

Naglakad na sila ulit at hinanap ang daan palabas ng maze na 'yon.

Konti na lang at makakalabas na sila,

"Babe, galing ko! Nakita ko daan, di ba?" pagmamalaki ni Gabriel.

Inirapan lang siya ni Vicky.

Nasa may exit na sila nang bigla na naman may lumabas na duguang kamay.

"%&++#+$-$7@ !! Huhuhu! Bwiset!" Halos maiyak na sigaw ni Vicky saka pinaghahampas yung kamay at hinatak pa kaya lumabas yung half ng katawan ng tao doon.

"Kung mananakot ka, sasabihin mo kasi! Kainis! Tapos, lalabas na lang kami, may pahabol ka pa dyan!"

Tinawanan lang siya nung lalaki at bumalik na sa pwesto niya.

Nang makalabas na sila, pawis na pawis sila pareho. Nakita ni Gabriel sina Alex at Alfred. Tatawagin niya na sana ang dalawa pero sumenyas ito na huwag sila tawagin dahil tatakutin nila si Vicky.

"Hinding-hin--Waaah! Sinong umihip sa tenga ko?!" Lumingon siya sa likod niya pero walang tao. Nakapagtago kasi agad sina Alex sa gilid ng wall.

Pigil na pigil ang tawa ni Gabriel sa mga reaksyon ni Vicky.

Meron na namang umihip sa tenga niya. This time, si Alfred naman. "B-babe!" Yumakap na siya kay Gabriel, "Sasapakin ko talag--"

Lumabas na sila Alex at Alfred sa pinagtataguan nila na halos mamatay na sa kakatawa. Kaya di na rin napigilan ni Gabriel.

"HAHAHAHAHAHAHA! THE BEST YUN! SAYANG DI KO NAPA-VIDEO!" naiiyak na sa kakatawa si Alex.

"HAHAHAHAHA... GRABE VICKY! APIR NGA TAYO DYAN, MAHAL! GALING NATIN!" dagdag pa ni Alfred at nag-apir pa ang dalawa.

"Kainis! Lagot ka sa akin Alex! Lagot kayo sa aking magjowa kayo!"

"Teka, Vicky, iyang lalaki sa tabi mo, hindi lagot sa'yo? Alam niya kaya. Unfair 'yon."

Tumingin si Vicky sa kanya at pinanliitan siya ng mata.
Namutla naman si Gabriel doon. Si Alex talaga, kahit kailan!

"Wala kang kiss!"

"B-babe! Unfair 'yon!" reklamo ni Gabriel.

"Unfair mo mukha mo!"

*end*

GaLor AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon