Arranged Marriage (Real-Life AU)
Characters: Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Sandy AndolongToday is our fifth wedding anniversary. Hindi ko alam kung naalala niya ba. Ako kasi, naka-mark pa sa calendar ko para hindi ko makalimutan. Isa kasi ito sa mga araw na sobrang pinapahalagahan ko.
Dahil sa aming dalawa, ako lang ang nagmamahal.
Maaga akong gumising ngayon para ihanda yung breakfast niya. Hindi na ako nage-expect ng surprise o kahit na ano ngayong araw. Alam ko naman kasi na hanggang ngayon, hindi niya pa rin natuturuan ang puso niyang mahalin ako at tanggap ko 'yon. Masaya na ako na sa bawat araw ay nakikita ko ang mukha niya at okay na rin sa akin ang apelyido niyang karugtong na ng pangalan ko.
"Ah, Gabby, handa na ang almusal. T-tara na," pag-aaya ko sa kanya habang kinakabit niya ang necktie niya.
Nahihirapan siyang ikabit ito kaya napagpasyahan kong tulungan siya pero tinabig niya ang kamay ko.
"Kaya ko na," walang emosyon niyang sabi.
Napayuko na lang ako at nauna nang bumaba sa dining. Hindi ko namalayang may namumuo na palang luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan upang di na tuluyang tumulo. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako masanay-sanay na ayaw niyang pinapakialaman siya.
Magkaibigan ang mga pamilya namin kaya pinagkasundo kaming ikasal.
Fifteen years old ako noong unang beses ko siyang nakita. Gwapo na talaga siya no'n at malakas na ang dating. Kakarating lang nila no'n mula sa US. Sinubukan ko siyang kaibiganin pero siguro natural na talaga siyang suplado kaya di niya ako pinapansin.
Sa isang school lang rin kami nag-aral mula high school hanggang college. Kaya lagi ko rin siyang nakikita at sa bawat pagkakataong nakikita ko siya, hindi ko napipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit wala ni isa sa mga ito ang pinansin niya bukod kay Sharon.
Graduation namin no'n at nagdinner kaming buong pamilya kasama ang pamilya nila. At iyon ang araw na pinagkasundo kami. Sobrang saya ko noong araw na 'yon. Naisip ko na kapag mag-asawa na kami, hindi na imposibleng mahulog ang loob niya sa'kin. Pero agad na umayaw si Gabby sa ideyang 'yon at sinabi niyang hindi siya magpapakasal sa babaeng hindi niya naman lubos na kilala at hindi niya naman mahal. Sobrang nasakatan ako nang sabihin niya 'yon. Ayaw niya kasi ako kilalanin kaya hindi niya ako kilala.
Lumipas ang isang buwan, pumunta ulit sila sa bahay namin. Halatang napilitan lang siya dahil nakakunot na naman ang noo niya. Pinag-usapan nila ang kasal namin at sa pagkakataong 'yon, hindi na siya nagsalita pa. Tinanong ako tungkol sa gusto ko sa gaganapin na kasal pero di na lang rin ako nag-suggest at sinabing sila na lang ang bahala.
Nagulat ako dahil kinabukasan no'n, naabutan ko si Gabby na nasa bahay. Siya lang mag-isa. Sinabi sa akin ni Mama na magde-date raw kami. Pinili ko yung pinakamaganda kong damit. Nag-ayos rin ako kahit hindi ko 'yon madalas ginagawa. Gusto ko kasing maging maganda sa paningin niya.
Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba na ako at tinignan niya ako. Walang emosyon sa mukha niya. Siguro normal lang sa kanya ang ayos ko dahil maraming mas maganda sa akin ang naghahabol sa kanya. Nagpaalam na siya kila Mama. At umalis na kami. Tinanong niya ako kung saan ko gusto pumunta. At sinabi kong siya na lang ang bahala. Mukhang nainis siya sa sagot dahil kumunot na naman ang noo niya. Pero kahit nakakunot ang noo niya, ang gwapo gwapo niya pa rin. Dinala niya ako sa isang restaurant at nagbreakfast kami doon. Hindi ko mapigilang kiligin ng mga oras na 'yon kahit alam kong labag sa loob niyang makasama ako. Basta ako, masaya akong kasama siya.
Hindi niya ako kinakausap kaya ako ang kumausap sa kanya. Tanging tango o iling lang ang sagot niya sa akin, hindi talaga siya interesadong makasama ako. Kaya tinanong ko siya tungkol kay Sharon para naman magsalita siya. Pero sinabi niya sa akin na wala raw akong karapatan na ipasok sa usapan si Sharon. Tumahimik na lang ako para hindi siya magalit. Pagkatapos namin kumain, sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko at gusto ko nang umuwi kahit na ang totoo ay gusto ko pa siyang makasama pero siya, halatang hindi siya natutuwa.
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!