Preggy Problems (AU)

299 15 8
                                    

Parang dapat mas nauna 'to kaysa yung Father Duties. Haha. But, whatever. :D

PREGGY PROBLEMS (ADOL AU)

Characters: Vicky, Gabriel

What if: Gabriel is with Vicky while she's pregnant.

--

One year din silang naghintay bago nila makuha ang matagal na nilang pinagdadasal na anak. Kaya n'ong malaman ni Vicky na buntis siya, kulang na lang i-post niya sa lahat ng accounts niya ang picture ng pregnancy test kit. Siyempre, isa pang super excited and proud and soon-to be-daddy na si Gabriel.

7 months na ngayon ang tiyan ni Vicky pero daig pa nito sa pagsusungit ang nag-lilihi.

At si Gabriel ang pinaka nagrereklamo sa buntis na Vicky. Let me tell you why.

"GABRIEEEEL!" sigaw ni Vicky na nakaupo sa sofa ngayon habang kumakain ng ice cream at nanonood pa ng TV.

Natataranta naman lumapit si Gabriel na naka-apron pa dahil nagluluto siya sa kusina.

"Ano yun, babe? May kailangan ka na naman ba?" he asked habang nagkakamot na ng ulo.

"Wala. Itong anak mo kasi! Makasipa wagas! Ang sakit kaya!" reklamo ni Vicky sabay subo ng ice cream.

"Ugh. Babalik na nga ako 'don baka masunog na yung niluluto ko." inis na sabi ni Gabriel saka padabog na naglakad pabalik ng kusina. Paalis na sana siya ng tawagin ulit siya ni Vicky.

"Naiinis ka ba sa'kin, Arellano?" tinaasan pa siya nito ng kilay. "Hoy, ha. Kasalanan mo kung bakit ganito ako ngayon. Huwag mo kong inaartihan. Tse!" umirap pa ito saka binalik ang tingin sa pinapanood niya.

Napa-face palm na lang si Gabriel.

Isang araw naman, bigla na lang ito nag-inarte na nangbababae daw si Gabriel.

"Siguro, may iba ka na ngayon. Kasi ang pangit pangit ko na. Ang laki laki na ng tiyan ko! Naghahanap ka na ng sexy." biglang sabi ni Vicky habang nakaupo ito sa kama at kumakain ng chocolates.

Natigil sa pagtatype si Gabriel at tumingin kay Vicky nang nakakunot ang noo.

"Waaah! Nakoo, Gabriel! Manloloko ka! Hindi mo na ko mahal! Lumayas ka na!" sigaw ni Vicky saka pinagbabato ang unan kay Gabriel.

"Sht, babe. Tama na nga yan. Masakit na ha." reklamo niya, "Paano ako makakapangbabae kung nakaleave ako sa opisina para alagaan ka at maging katulong mo dito magdamag?" inis na sabi ni Gabriel.

Natigil naman sa pagbato ng unan si Vicky at sandaling napaisip.

"Oo nga pala 'no? Hehehe. Sorry, babe. Peace na tayo. Mahal mo talaga ako." sabi nito saka nag-peace sign pa.

Napailing na lang si Gabriel saka bumalik na sa ginagawa niya.

One time naman habang naggro-grocery sila,

Nasa aisle sila ng mga car freshener. Kumuha si Vicky ng strawberry scent. Ibinalik naman iyon ni Gabriel at pinalitan ng lemon.

"Bakit mo pinalitan? Ayoko niyan!" pagrereklamo ni Vicky saka kinuha ulit ang strawberry at binalik ang kinuha ni Gabriel.

"Vicky, last time, sabi mo ayaw mo ng amoy niyan! Please, huwag ka na makulit." sabi ni Gabriel at kinuha ulit ang lemon scent at binalik ang strawberry.

"Gabriel! Gusto ko nga sabi yung isa! Can't you understand? Ikaw kaya magbuntis rito. Ang bigat bigat na nga, ini-stress mo pa ko."

Huminga ng malalim si Gabriel at kinuha ulit yung strawberry.

"Masakit sa ulo ang amoy niyan eh. Kulit talaga. Tapos magrereklamo kapag ayaw niya ang amoy. Akala mo naman siya yung nasa kotse parati." bulong ni Gabriel.

"Hoy! Huwag ka ngang bumulong diyan. Ipadinig mo sakin kung nagrereklamo ka." sabi ni Vicky saka umirap pa, "Itulak mo na nga yang cart."

Dahil mahal niya si Vicky, she'll do everything to make her happy.

*end*

Don't forget to vote and leave a comment mga bebes! :)

GaLor AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon