Once Upon A Valentine (AU)

183 8 5
                                    

Happy Valentine's Day! Enjoy! Hihi. 😊 (High School Vicky on our multimedia.)

ONCE UPON A VALENTINE (ADOL AU)

Charaters: Vicky, Gabriel (ToRiel)

(AU means Alternate Universe po para sa mga di nakakaalam. 😉)

--

"Vicky girl! Huy ano? Valentine's day na. Sino ide-date mo?"

Haynakoo. Ito na naman ang usisera kong best friend. Kahit alam na ang sagot, itatanong pa. So gusto niya lang ba talaga ipamukha sa akin na tuwing Valentine's Day wala akong ka-date kung hindi ang picture ng ultimate crush at one and only love of my life na si Gabriel Arellano.

"Alex, alam mo na kung sino." nakangisi kong sabi habang tinataas-baba ang magaganda kong kilay.

" Seryoso, girl? Makikipag-date siya sa'yo? Bakla ka talagaaaaaa!" manghang mangha niyang sabi habang pinaghahahampas pa ako.

"Syempre joke lang. Asa pa ba ako ha?" tinignan ko siya nang masama, "Bwiset ka kasi. Tatanungin mo pa ako kung sino ang ka-date ko. Alam mo namang wala na akong ibang gusto i-date kung hindi ang nag-iisang Gabriel Arellano na kahit kailan di napansin ang maganda kong mukha!"

Tumawa naman ang loka loka. Hay nako.

"Suntukan na lang tayo Alex oh! Kaysa ginaganyan mo ko! Humanda ka talaga sa akin Alexandra! Gagawa ako ng paraan para magbreak kayo ni Alfred para next Valentine, wala ka nang kalandian. You want?" sabi ko saka ako tumayo mula sa arm chair ko.

"Girl, wag ka nang umasang maghihiwalay kami. Forever na kaya kami ni Alfred. Idadamay mo pa kami sa bitterness mo."

"For you information," nag-hand gesture pa ako, "Hindi ako bitter 'no." umupo na ako ulit.

"Sabi mo eh. Valentine's na bukas ha. Remind ko lang sa'yo. Halos lahat may ka-date. Kawawa ka naman. Ikaw, wala."

Napasimangot tuloy ako. Kailan ba kasi niya ako mapapansin? Masyado bang marami ang nagkakagusto sa kanya kaya walang pag-asa ang isnag magandang katulad ko?

"Alex, si Gabriel Arellano, boyfriend ko kasi 'yon. Kung alam niya lang, di niya lang alam!" medyo malakas kong sigaw.

Si Alex naman napatulala na akala mo ay may nakita siyang ibang perpektong nilalang bukod sa akin. Nanlaki ang mga mata niya habang medyo nakanganga pa.

"Hoy. Mukha kang shunga diyan. Naaano ka ba ha?" sabi ko at sinampal sampal siya hanggang sa dumugo na yung pisngi niya. Charot.

"Patay ka, girl. Si G." mahina niyang bulong.

Namutla naman ako n'on. Si Gabriel? N-nandito? Huhuhu. Baka narinig niya ang kagagahan ko. Vicky, huwag ka kasi masyadong iskandalosa. Iyan tuloy. Iyan. Turn off niyan sa'yo ang loves mo!!

Lumingon ang magandang si ako para makita kung nandyan nga ba talaga si Gabriel my loves so sweet. Malay ko ba. Baka ine-echos lang ako ni Alex.

Hindi niya pala ako ine-echos. Pwede na akong lamunin ng lupa ngayon. Please. Ngayon na.

"A-ano... Gabriel... M-may narinig ka ba?" kinakabahan kong tanong.

He just shrugged his shoulders at umupo na sa armchair niya. Pero tama ba yung nakita ko? Ngumiti siya sa akin within a split second! Jusko po. Kinikilig na naman ang malandi kong puso!

--

Pagkagising ko, parang ayaw ko nang bumangon. Gusto ko na lang kainin ako ng kama ko. Pero dahil maganda ako saka masipag pa at maganda ulit, papasok ako sa school kahit hiyang hiya talaga ako sa nangyari kahapon.

GaLor AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon