My Only Aktibista

119 6 2
                                    

MY ONLY AKTIBISTA (Real-life AU)

Characters: Gabby, Lorna
Setting: UPLB, 1980's

Nandito kami ngayon sa harap ng Hum Steps. Call time kasi ng protest at 5PM. Everything is set, nakahanda na ang mga placards, itim na damit at higit sa lahat ang pusong may ipinaglalaban.

 Everything is set, nakahanda na ang mga placards, itim na damit at higit sa lahat ang pusong may ipinaglalaban

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naman talaga ako aktibista noon. Mahal ko ang bansa pero hindi ako sumasama sa mga rally kahit na parating may protest dito sa loob ng university. Ang gusto ko lang ay mag-aral nang payapa at maglingkod sa bansa pagkagraduate. Kung ganoon, siguro nagtataka kayo kung bakit nandito ako 'di ba?

"Babe! Hawakan mo na yung placard mo, magi-start na!"

It's my girlfriend, Lorna. She isn' t just beautiful but also is a woman of courage and dignity. Isang Pilipinong mahal na mahal ang bansa at ang kapwa niya Pilipino. Kung hindi nila kayang magsalita kapag nadehado sila, she'll speak for them. Everytime she sees injustice, hindi siya papayag na manahimik na lang.

Kinuha ko na ang placard ko na may nakasulat na "DEFEND HUMAN RIGHTS, RESIST DICTATORSHIP".

We started to march around the campus, Lorna holding the megaphone.

"Iskolar ng bayan," she exclaimed.

"Ngayon ay lumalaban," we answered.

"Ngayon ay lumalaban," she said.

"Iskolar ng bayan!" we shouted.

"Pasismo biguin!"

"**** patalsikin!"

As we walk around the campus, holding placards and shouting the things we fight for at the top of our lungs, many students followed us and joined us. Mga estudyanteng namulat din sa katotohanan at kahit anong mangyari, hindi na kailanman pipikit o magbubulag-bulagan, patuloy na lalaban para sa bayan.

Aaminin ko, noong una, hindi ako pabor na sumasama si Lorna sa mga protest dahil natatakot ako para sa buhay niya. Maraming tao ang galit sa mga aktibista dahil namimisunderstand nila ang ginagawa ng mga ito, nakikita nilang mga taong puro reklamo lang sa gobyerno at walang ibang ginawa kung hindi mag-ingay lamang. Hindi ko rin sila masisi dahil ganyan din ang tingin ko sa mga aktibista dati hanggang sa namulat ako sa kawalan ng hustisya, hanggang sa nakita ko kung paano unti-unting tinatanggalan ng karapatan ang masa. Alam kong ganoon din si Lorna, gustong gusto niya maging boses ng mga walang boses kahit pa alam niyang maraming tao ang tutugis sa kanya. Ilang beses na siyang nalagay sa alanganin dahil sa pagsasalita niya para sa karapatan ng karamihan. At ang mga taong ipinaglalaban niya ay siya pang nagpahamak sa kanya. Pero hindi siya tumigil, kahit ilang beses ko na siyang pinakiusapan na itigil na namin 'to dahil kahit mahal ko ang bayan, mas mahal ko siya at hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin.

Huminto kami sa C-Park. Luminya kami hawak ang mga placards. Maraming estudyante na rin ang nakapalibot sa amin, handang makinig at makiisa sa ipinaglalaban namin.

GaLor AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon