VICKY-GABRIEL REACTING TO KALYE SERYE
Characters: Vicky, Gabriel
Note: Eto yung unang beses nagkita ang AlDub. Yung may plywood. Lol.
--
Kinikilig kilig si Vicky habang nanonood ng Eat Bulaga. Nanonood kasi siya ngayon ng AlDub--ang bagong love team na nabuo sa Eat Bulaga. Umalis si Gabriel para manguha ng chips.
"Babe! Dalian mo! Magkikita na sila!" sigaw ni Vicky.
Pagkarinig ni Gabriel 'non, mas lalo niya pang binagalan. Ayaw niya naman kasi talaga ng pinapanood ni Vicky. Masyado siyang nako-cornyhan sa mga ginagawa ng mga ito. Masyadong cliche ang flow ng istorya. Di niya alam kung bakit si Vicky sobrang fan 'non.
"Gabriel Arellano! Bilisan mo na! Gusto ko na kumain!" muling sigaw nito kaya bumalik na si Gabriel sa living room kung saan nakaupo si Vicky habang nakataas ang paa. Nasa bahay sila ngayon dahil walang pasok.
"Finally! Ang tagal mo ha!" sabi nito saka inabot ang chips at binalik agad ang mata sa TV.
"Wala man lang kiss?" reklamo ni Gabriel.
Di siya pinansin.
"Kahit thank you?"
Wala pa rin.
"Mas mahal mo pa talaga yang AlDub na yan kaysa sa akin?"
"Gwapo ni Alden babe!" kinikilig na sabi ni Vicky habang pinapanood na nagpe-perform si Alden.
"Sus, mas gwapo pa ko diyan." inis na bulong ni Gabriel.
"Huwag ka ngang mag-inarte diyan, Gabriel. Di mo bagay."
Nanahimik naman si Gabriel at tinuon na lang ang pansin sa phone niya. Pagbukas niya ng instagaram, puro tungkol sa AlDub. Pagpunta niya sa twitter, mas malala pa pala 'don. Napabuntong hininga na lang siya.
"Hindi naman magkikita yan. Bakit ba may nanonood pa niyan?"
Tinignan siya ng masama ni Vicky, "Magkikita na sila! Manahimik ka nga diyan!"
"Hindi yan magkikita."
"Sige, magdeal tayo. Kapag nagkita sila, magpopost ka sa instagram mo na nagpapabebe wave."
"Wait, ano yun?! Baka magmukha akong tanga ka kapag ginawa ko yun!"
"Ganito." nagpabebe wave si Vicky.
Tawang twa naman si Gabriel sa ginawa ni Vicky, "Ang corny talaga ng pinapanood mo. Grabe! Walang tatalo!"
Inirapan siya ni Vicky, "Oh ano ba, Deal?"
"Teka, ano namang mapapala ko kapag di sila nagkita?"
"I'll kiss you."
"Kiss lang?"
"Eh ano pang gusto mo?"
"Alam mo na yun." Ngumiti si Gabriel at tinaas-baba pa ang kilay.
"Shut up. Ayaw mo banp ng kiss? Sige huwag na--"
"Fine! Kiss na lang. Di naman talaga yan magkikita eh."
Nagpaikot-ikot lang ang AlDub. Akala mo'y nagtataguan. Si Vicky? Ayun, nagsisisigaw pa.
"Dalian mo naman kasi Alden! Isa pa 'tong si Maine!"
Napa-face palm na lang si Gabriel sa reaction ni Vicky. At the same time, kinakabahan siya dahil ayaw niyang masira ang image niya dahil sa ipopost niya picture if ever magkita ang AlDub.
Nagulat na lang si Gabriel ng biglang tumili si Vicky, "WAAAAAAH! OH MY GOD! NAGKITA NA ANG ALDUB! MAY FOREVER TALAGAAAAAAA!"
Napatayo pa ito habang nakataas ang dalawang kamay at sumayaw sayaw pa.
After ng Eat Bulaga, at medyo nakamove on na si Vicky sa pagkikita ng AlDub,
"Paano ba yan, babe?" sabi ni Vicky na nakangiti ng nakakaloko at hawak pa ang phone niya na nagvi-video na.
"I'm not going to that."
"Di mo gagawin? Sige. No se--"
"I'll do it, okay? Wag ganun. Alam mo talaga kung paano ako mapipilitan gawin ang isang bagay huh?" inis na sabi ni Gabriel saka kinuha ang phone niya.
"Yes naman. Ako pa. Alam ko na kahinaan mo." pang-aasar ni Vicky.
"Game." sabi ni Vicky at pinindot na ang button para magvideo na ang gagawin ni Gabriel.
"Wag mo na i-video." sabi ni Gabriel.
"Gawin mo na. Bahala ka. No se--"
"Eto na." sabi ni Gabriel at pumose na ng pabebe wave.
Hindi naman mapigil sa pagtawa si Vicky habang paulit-ulit na pinapanood yung video.
"I'll send this to Alex. Aasarin ka nun for sure."
"Ugh. Don't spread that scandal please."
Maya-maya, yumakap si Vicky kay Gabriel,
"Aldub you Babe kong pogi na hot na sexy pa!" sabi ni Vicky.
"Kahit ang corny talaga, AlDub you too, Babe." sagot niya.
*end*
BINABASA MO ANG
GaLor Anthology
RomanceA compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!