CHAPTER 3- The Start
unknown: "Hello. Gising ka pa ba?
--Lub dub! Lub dub! Lub dub!Lub dub!--
Kahit hindi ko alam ang cellphone number niya, alam kong siya na to. Ang lalaking nakakuha ng atensyon ko, ang lalaking nakabangga ko kanina.
#__# ..Si Cliff!!!
Pero dapat hindi muna ako magpapabuko. Haha! Mautak kaya ako noh. :)
ako: "Sino po to?"
Dapat pakipot muna ako.
*Beep*
unknown: "Ah sorry, si Cliff pala ito Jerah. Pasensya na ha. Baka nakaistorbo ako ngayon, kakamustahin lang sana kita."
Istorbo? Hindi kaya! Mareplyan nga.. -_-
ako: "Hindi, okay lang at maayos naman ako" Oh my!! Kilig talaga akooo!! "Salamat sa pag-aalala" Waaahh!!! #_#
Sana wag na, sana hindi na matapos ang gabing ito!!
*Gulong sa kama, sa kaliwa, sa kanan*
Nagkwentuhan pa kami ng konti at natulog na rin pagkatapos. Hayy!! :) I'm sure na mahimbing talaga ang tulog ko nito.
Eeeeeee..Good night Cliff!! *0*
Ang pogi niya talaga! Kahit sa malayuan ay makikita ang kakisigan niya! Ano na lang kaya kung sa malapitan na? Oh my Gosh! Dito siya nakatingin. Siguro attractive ako at nakuha ko ang atensyon niya. Teka lang, baka may mali sa histura ko kaya niya ako tinitignan. Pero okay na'to, ang simple mas attractive. Keri lang to!! ' - ' Malapit na siya!! Kyaaaaaaaaaaahh!!!! *o*
"Yuck!! Pinsan okay ka lang? Gising na, I'm here!" sabay hampas ng kamay niya sa pwet ko.
"Aray naman! Kung makahampas parang siga ah. Bakit ba? Ang aga-aga ginigising mo na ag-----aaaaaaaaaahhhh! JOEVY!! Nandito ka? Na miss kitang sexy ka!! " sabay yakap sa kanya.
"Grabe! Ang higpit insan!" Binitiwan ko siya bigla.
"Sorry! Na miss lang kasi kita. Ang tagal mo kayang hindi nagpakita.. Kamusta ka na? Ano na ang balita sa'yo?"
Umupo siya sa tabi ko at yumuko. -_-
"Ako? Aba! Wala akong problema noh. Okay na Okay ako!' sabay tawa.
Kahit hindi niya sabihin ay makikita pa rin sa mukha niya na malungkot siya. Bakit kaya?
"Kilala kita, alam kong nagsisinungaling ka lang Joevy. Si tita naman ba?"
Modelo kasi si Joevy sa isang sikat na fashion dress. Hindi sang ayon ang mama niya sa pagmomodel niya kasi baka malibang siya at makakalimutan niya ang pag-aaral. Kaya ayun, palagi silang nagbabangayan. Hindi nga lang mapigilan si Joevy dahil spoiled. Lahat nakukuha niya.
"Grabe ka talaga pinsan, bilib na talaga ako sa'yo. Kahit problema ko, nahahalata mo. I Love You Jerah! Hayaan mo, sasabihin ko rin sa'yo kung hindi ko na kaya. " *chup*
"Okay na, okay na!" pagpapatigil ko sa kanya "Napupuno na ng laway ang pisngi ko sa kakahalik mo pinsan"
Tumigil nga siya sa paghahalik. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Maya-maya lang ay nagsalita siya muli.
"Matanong ko nga pala, ano ba yung pinagsasabi mo kanina habang tulog ka? May mga GWAPO! POGI! at MAKISIG ka pang sinasabi. Ikaw Jerah ha, sabihin mo nga, lumalovelife ka na ba ngayon?Ayeeee!!!!"
Aba! Ang babaeng ito kung makatanong parang inosente lang.
"Walang basagan ng trip. May napanaginipan lang ako kasama ang Prince charming ko.' Shet! Kinikilig ako!! #_#
BINABASA MO ANG
Sana Huwag Mo Akong Biguin
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na "SA HULI ANG PAGSISISI" ? Maiintindihan kaya ng karamihan ang isang taong wala iniisip kundi ang damdamin ng iba? Paano kapag nasa isang sitwasyon kayo na perpekto na ang lahat. Pamilya, Barkada, at nasa iyo na ang...