CHAPTER 4- Let's Be Friends
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla ko na lang naramdaman na nakasandal na pala ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. Ang INIT ! Hindi ako makagalaw.
"Mabuti na lang at nahila kita agad"
Tumingin ako sa kanya, hindi ko nasisiguro pero may nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya. Totoo ba ito o baka namamalikmata lang ako?
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"
Nang rumehistro ang mga sinabi niya ay umiwas agad ako ng tingin at sabay na lumayo.
"Ah, eh, O-Oo, ayos lang ako at salamat rin pala." Bakit kaya ako nagpasalamat? Bahala na nga.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, maya-maya ay nakarating na rin kami sa park. Mabuti na lang at walang tao masyado, kasi minsan napupuno ang park at hindi na nakakapaglaro ang mga bata.
$__$ . . . .ayun!!
"Dun tayo umupo, mahingin kasi dun." Turo ko sa kanya malapit sa slide. May isang mahabang bench kasi dun at tamang-tama dahil wala pang tao.
=____=
"Nakakapagod rin pa lang maglakad noh? Pero nag enjoy ako, SOBRA!!"
*U*
Nag aalala ako baka napagod talaga siya. Naku! Nakakahiya pag ganun, kasi ako na nga ang pumili sa lugar eh napagod pa siya. JERAH! Sana nag-isip ka muna!!
Tumayo ako para bilhan siya nang tubig. May nakita kasi akong malapit na tindahan kanina, makabili nga.
"Saan ka naman pupunta? Hindi ka pa ba napapagod?" hinila niya ako pabalik sa upuan.
O---O
Oh Diyos ko po! Baka mamatay na ako sa kilig nito. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko, ang LAKAS-LAKAS!!!!!
"May masakit ba sa'yo? Namumula ka kasi." Punong puno ng pag-aalala na tanong niya.
Nataranta ako. . . . .O-------O
"Ako?! Wala, hindi ah! Siguro mainit lang, se-sensitive kasi ang skin ko. hehehe" :))
Sana hindi niya mahalata na palusot ko lang pala yun. Naku, pag nahuli tiyak nakakahiya!!
"Ah, matanong ko lang sana Cliff, bakit mo pala ako hinila kanina?"
n___n
Kinamot niya muna ang ulo niya habang sumasagot. ANG SEXY TIGNAN!!!!
"Parang wala ka kasi sa sarili mo kanina. Hindi mo ba nakita na malapit ka nang matamaan ng bola?"
Please Lord! Kahit ngayon lang, patahimikin mo muna ang puso ko.
-____-
Naging magaan ang loo ko sa kanya. Marami kaming napagkwentuhan lalo na sa mga gusto at ayaw namin. Nalaman ko na masayahing tao rin pala ito, ni hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya. MASARAP PAGMASDAN!!!!!!
Nagulat ako ng bigla niyang inilahad ang kamay niya sa harap ko.
O---O
"So, Let's Be Friends? Kung okay lang sa'yo" n____n
Aba!! Syempre Oo, tatanggi pa ba ako? "FRIENDS" at nag smile, BIG SMILE!!
"Uy pare! Ba't ka nandito?!" May biglang sumulpot. Isang binata rin, matangkad, maputi rin, maganda ang mata, at gwapo rin. Pero mas gwapo pa rin si Cliff !
"JM, pare! Dito ka nakatira?" Magkakilala ang dalawang ito? Ayos! gwapo naman kasi ni JM.
Akala ko mag-isa lang si JM, may mga kasama rin pala siya. At mga GWAPO rin!!!!
"Anton, Kim, pati kayo nandito rin?" Gulat na tanong ni Cliff..
"Ah, excuse me lang ha. Magkakilala kayo?" Naguguluhan kasi ako. Alam niyo yung feeling na nakakita ka agad ng apat na mga ala adonis na kagwapuhan??!! NAKAKAWINDANG!!!!
"Jerah, sila pala ang mga kaibigan ko. Mga ka-teammate ko rin sila"
Isang varsity player rin kasi si Cliff sa isang sikat na university dati. Ngayon, magtatransfer na siya ng school at nasisiguro ko na kasama rin ang mga ito. LOYAL FRIENDS!!!
"Hi, ako nga pala si Anton"
"Ako naman si Kim magandang binibini" Na flattered naman ako. :))
"Hoy! Kayong magpinsan, huwag nga kayong maging pasaway diyan!" Sita sa kanila ni JM.
Mukhang seryoso si JM, parang hindi ngumingiti. May problema kaya to?
"Itong si Kim, gaya-gaya talaga kahit kailan." -Anton
"Anong ako? Ikaw nga diyan eh. Tahimik ka nga, BAKLA!!!" - Kim
"Ako bakla? Eh ikaw nga diyan ang takot sa multo eh. Teka, ano yang nasa likod mo?" Sabay turo sa likuran ni Kim.
Parang matatawa talaga ako kasi kumaripas ng takbo si kim papunta sa likod ni Anton. Takot nga ang loko.
"Hindi ako takot noh, baka makapasok lang sa katawan ko." pagdedeny niya.
"Ang Sabihin mo, nababakla ka lang. HAHAHAHA! " parang hindi na matatapos ang bangayan ng magpinsan na ito.
Nakisali na rin ang mga loko sa pamamasyal namin ni Cliff. Nakakatawa silang pagmasdan kasi palagi silang nagbabangayan. Mag-aaway tapos magbabati rin at paminsan-minsan naman ay naghahabulan. Mga loko talaga.
"Hay! nakakapagod naman ng araw na 'to." Reklamo ni Kim. "Matanong ko lang pare, kamusta na pala yung baba------- Araaaaay! Ano ba naman Anton, minamalas ka ba at pati ako dinadamay mo? Argggh!"
"Kasi napakachismoso mo talaga! Tumahimik ka na lang diyan kung wala kang magawa sa buhay mo! " Sigaw ni Anton.
"Tumahimik na lang kayong dalawa. Naiingayan na si Jerah sa inyo." saad naman ni JM.
"Pare, parang caring ka yata kay Jerah ah. Yeeeee!!!----Aray! Ba't mo ginawa yun?" hinampas kasi ni JM si Kim.
"Nakakabingi kasi yung boses mo pare."
Wala na talagang katapusan ang mga asaran ng mga ito. Gumabi na at nagbabangayan pa rin silang dalawa, paminsan-minsan ay kasama na sina Cliff at Anton. Naghahabulan na naman ulit sila.
"Okay ka lang ba Jerah?" Tanong ni Cliff. Tumigil na kasi siya sa pagtatakbo.
"Oo, ayos lang ako. Nakakatuwa nga ng mga kaibigan mo eh, mga makukulit! Hahahaha!!!" sagot ko naman sa kanya.
"Salamat nga pala ha, naging masaya talaga ako ngayong araw. :)" Tumingin siya sa akin ng nakangiti.
Sana huwag ka nang tumingin sa iba. Hayy!!! *O*
"Masaya rin ako ngayong araw kasi lubos kitang nakilala. Salamat rin pala sa libre ha, nabusog talaga ako!! Hehehehe!" At nginitian ko rin siya :)"
Ganyan ako eh, palangiti, paki niyo ba?! *U*
"Huli ka! Naku pareng Cliff, hindi ko sinasadya!" Pahinging paumanhin agad ni Kim sa kanya. "Ayos lang ba ka----------"
O_____O - Anton
O_____O -JM
O_____O -Kim
Oh no! Parang tumigil bigla ang tibok ng PUSO KO sa nangyari!!!
Yung . . . .
Yung. . . . .
Yung. . . . .
YUNG LABI NAMIN NAGLAPAT!!!!!
------------------------------------------
a/n
Sorry po dahil natagalan ako sa pag update. Hindi kasi ako maka net kung minsan eh. Mag comment lang po kayo. SALAMAT!!
BINABASA MO ANG
Sana Huwag Mo Akong Biguin
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na "SA HULI ANG PAGSISISI" ? Maiintindihan kaya ng karamihan ang isang taong wala iniisip kundi ang damdamin ng iba? Paano kapag nasa isang sitwasyon kayo na perpekto na ang lahat. Pamilya, Barkada, at nasa iyo na ang...