CHAPTER 2- Meet and Greet

68 3 1
                                        

CHAPTER 2- Meet and Greet

"Jerahhh!!!" 

Ayan na naman si Jani, akala mo limang milya ang layo namin kung makasigaw sa pangalan ko. Eh nandito na nga siya sa harap ko. Tama, nandito siya ngayon sa harap ko. Lord, ang aga-aga :((

"Bakit nandito ka na, eh wala naman tayong pasok ah? Naku Jani, magpahinga muna tayo, kahit 5 seconds lang please? Hindi pa nga nababawasan eyebugs ko ho."

Wala na talaga, mga sakit talaga sa ulo ang kaibigang kong to.

"5-4-3-2-1, GISING NAAAAAAAAAAAAAA !!!!!!!! 5 seconds na yun ah." pag pupumilit ni Jani sa akin.

Arghh!!!! Kung hindi lang kita kaibigan, itinapon na kita. "At bakit, san tayo pupunta?"

"Malling! Nagpaalam na ako kay tita kaya wala ka nang rason na hindi sumama. Bilis, maligo ka na at nag hihintay na sina France at Ralph!!!" sabi niya habang tinutulak ako sa banyo.

Wala na, wala na talaga akong magagawa. Mga Kaibigan nga naman.

"Wow!!! Anong petsa na mga magagandang binibini at ngayon lang kayo nakarating?" salubong sa amin ni France ng makarating kami sa mall.

"Oo nga! Look at me ho, sira na ang beauty ko, Venus vains pa paa ko. I need a chair! I need a chair!" sigaw ni Ralph.

"Hoy bakla! tahimik nga, ang OA mo talaga kahit kailan. Gusto mo putulin na natin?" pananakot ni Jani sa kanya.

"Alam niyo bang mall ito? Hindi lang tayo ang nandito ha. At saka san ba talaga tayo? Di pa kaya ako nakakain noh." sabad ko sa kanila.

"Sige na nga mga Friends, titiisin ko na lang tong arthur arthritis ko. Go lang ng go mga dears!!" pahabol ni Ralph.

Hindi na siguro matatapos ang bangayan naming magkakaibigan. Atleast masaya kaming lahat. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa....

---BOOOGSHH! ----

"Aray!"- sigaw ko

"Miss! Sorry, Okay ka lang ba?" sabi ng lalaking nakabangga ko.

Deymmm!!! Ang Pogi! Ang Puti! At ang tangkad! I Dawn Zulueta mo ko!!!

"Miss, Okay lang po ba kayo? Sorry po, di ko kasi nakita na may tao pala sa likod ko" pahinging paumanhin ng lalaki.

Oh My Gulay! Ang cute niya lalo kapag lumalabas dimples niya!!

"Hala! na pipi na yata siya pogi, dalhin na natin sa hospital, Now na!!" singit ni Ralph.

"Ah hindi, okay lang, ayos lang ako. I'm alright!" sabi ko habang tumatayo.

"Talaga miss? Sorry ha, di ko rin kasi tinitignan dinadaanan ko eh. hehe" sabi niya habang kinakamot ang ulo.

"Ba't ang gwapo ng nilalang na ito?"

"Ano yun ulit miss?" :))

 natauhan ako sa huling sinabi ng lalaki. Shocks!! napalakas yata ang pagkasabi ko. Nakakahiya!! :/

"Ako na uulit pogi ha, sabi ng beautiful friend nam--------" tinakpan ko na agad ang bibig ni Jani bago pa ako mabuko.

"Ah wala. Sabi ko kung gusto mong kumain kasama namin?" ano ba itong pinagsasabi ko!!

"Uy! Si Jerah, kumekerenkeng. haahaa!" sabad naman ni France.

"Oh sure, sure :). By the way, ako nga pala si Clifford De Guzman, cliff na lang for short :)" at nakipag shake hands.

"Jerah, Jeraldyn Baltazar" with big smiley face pa yan ha. Promise!! Ang pogi-pogi kaya niya..

"Fafa handsome, later na tayo mag kamustahan ha, let's eat first para makakain na rin ang alaga ko dito ho." sabay turo ni Ralph ng kanyang tiyan. "Super hungry na talaga akech eh.."

"San ba talaga tayo friends? -_- Gutom na gutom na talaga ang lola niyo" Pagmamakaawa ni Ralph.

Nasa harap kami ng isang Pizza Restaurant ng huminto kami. "Dito na lang tayo, ang sarap ng pizza dito!" *_* singit ni Jani na mukhang gutom na talaga.

"Total kasalanan ko ang nangyari sa kaibigan ninyo, my treat. Okay lang ba sa inyo?" alok sa amin ni cliff. Siyempre, sa gutom kong mga kaibigan eh tatanggi pa ba sila? Kahit ako hindi rin noh. :)

"Well Mr. Pogi, taga san ka nga pala?" tanong ni France habang kumakain "kasi hindi ka familiar sakin, alam mo kasi lahat ng pogi sa city eh kilala ko yata noh." Naging madaldal na naman si France.

Tumingin siya saglit sa akin at sumagot "Bago pa lang ako dito, na assign kasi si dad sa company niya dito kaya pati kami ay lumipat na rin." tumingin siya ulit sa akin "Masaya nga ako at nakakilala ako ng mga katulad ninyo. Pasensya nga pala dahil sa aksidente pa ang  una nating pagkita." pagtatapos niya.

"Sus! wala yun pogi, maswerte nga si Jerah eh, gwapo mo kasi! Pahingi nga ng number mo pwede ----araay!!! Ang sakit Jerah ah, kung makakurot ka parang nanay lang ah. Galit lang?!" Pagtatampo ni Jani.

Naputol ang pagkukwentuhan namin dahil may biglang tumawag kay cliff. Maya-maya pa ay nagpaalam na siya sa amin dahil may aasikasuhin pa raw siya.

"Sige, sa susunod ulit. Salamat sa oras ninyong lahat. :) " Pagpapaalam niya tapos ay dumako ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, parang  bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano to kasi 14 pa lang ako, love ba to? Paghanga lang siguro to. Akala ko aalis na siya pero laking gulat ko ng huminto siya at hiningi cellphone number ko. 

"Pwede ko bang makuha cellphone number mo Jerah? Kung okay lang sana." -Cliff

Ay aba! Syempre pwedeng-pwede! "Ah, O-Oo! Eto oh."

Umalis na siya kaagad at kami naman ay nagpatuloy sa pamamasyal. Syempre nagkukwentuhan pa rin habang naglalakad.

"Magpasalamat ka sa amin girl kasi nakakita ka pa ng pogi! Nakabangga mo pa! Winner!!" -France

"Itong babaeng to, puro ka landi! Wag ka nga, katorse pa lang si Jerah." -Jani

"Basta ako friends, ang masasabi ko lang, ang GWAPO-GWAPO ni CLIFF!" -Ralph

Konting-konti na lang at pwede na maging microphone ang mga bunganga nila sa sobrang lakas. Hayy, kaibigan ko nga ba ang mga ito? Paano??

Natapos ang pamamasyal namin nung araw na yun. Sobrang nakakapagod at nakakaantok talaga. Pagkahiga na pagkahiga ko sa kama ay umidlip agad ako, pero wala pa limang segundo ay tumunog ang cellphone ko. May text message.

unknown: "Hello. Gising ka pa ba?"

-------------------

a/n

comment na lang po kung ano ang  reaction niyo. kakasimula ko pa lang po kasi . Hango po ito sa totoong kwento ng buhay pag-ibig ng isang taong kilala ko..

Salamat ulit :)

Sana Huwag Mo Akong BiguinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon