CHAPTER 24- Fast forward
Ito ang fast forward ng storya namin kung saan sa susunod na kabanata ng istoryang ito ay 4th year highschool na kami. ^_^ Naging masaya rin ang takbo ng buhay namin. katulad na lang nila Jani at Ralphy na palaging nag aasaran. Katulad rin nila Kim at Anton na palaging naghahabulan. Minsan nga nakikisali na rin kami sa kanila.
Sa loob ng tatlong taon, naging masaya kami na kasama at katuwang namin ang isa't isa. Alam ko na sa mag kakaibigan, imposible kung hindi kayo nagkakatampuhan. Kaya nga kami, palagi kaming nagkakatampuhan. Ang masaya lang dun eh nagbabati naman kami agad. Kaya nga mas naging close pa talaga kami.
Ano pa ba pwede kong idaldal dito? hmmmm. aha! Alam ko na. Kilala niyo ba si Lyka?? Oo siya nga yun. Yung type ni Kim na di namin bati? hahahaha! Magugulat kayo sa sasabihin ko. ... Pilitin niyo ko.
..ayokong sabihin..
konting pilit pa..
konti na lang...
hahaha. eto na po. sasabihin ko na sa inyong lahat. Edi .....
.
.
.
Binasted niya si Kim! Hahahaha! nanligaw kasi ang loko. Akala nga namin nung una eh trip trip niya lang asarin si Lyka babes niya. Di namin akalain na mag eemote siya nang sobra sa ginawang pag basted sa kanya. eto para mas maintindihan niyo....
*flashback*
"Gago! Wag kang masyadong mag senti dyan. para ka nang baliw sa pinag gagawa mo." sabi sa kanya ni Anton na parang inaasar pa.
"Manahimik ka dyan kung gusto mo pang makita ang katawan mo na buo!" -Kim
"Kasi naman pare, sana tinodo mo na. ikaw naman kasi yung may kasalan. Alam mo namang nanliligaw ka eh binibiro mo pa. Paano ka naman paniniwalaan nun?" nagpipigil ng tawa na sabi ni Anton.
"Ano ba sinabi sayo tol?" -Cliff
"Moi, wag mo nang paulitin. Baka mamaya magkaroon tayo ng istant friend na baliw" sabi ko kay Cliff. Kawawa naman kasi. Mukhang binagsakan na ng langit ang mukha, di pa maipinta.. tsk.. tsk..
"Kasi naman Papa Kim, I'm still here! Available ako anytime!" pag prisinta ni Ralph sa sarili niya. Naku! ibang klaseng bakla to.
"Waaah! mga bwisit talaga kayo! la kayong maitulong na matino sakin. nakakasakit kayo ng damdamin alam niyo yun?!" sabi niya na parang nagmamaktol. -_-
"ano nga ba kasi yung sinabi mo? d ka namin maintindihan. Bigla ka lang naman pumunta rito at nagdadabog na agad." saad ni Cliff na medyo naiinis na.
"pare kasi. Si Lyka babes ko TT^TT binasted ako." -Kim
"Pfft!! Hahaha. Yun lang nag kakaganyan ka na agad? Lakas ng tama mo pre ah." -Anton
>.>
tiningnan niya ng masama si Anton. Oops! Parang may mag uumpisa na naman ulit. "Inggit ka kasi ako nagkadamdamin na? Gayahin mo para malaman mo! Kainis!"
"Woah. Relax ka nga. Parang naging instant JM ka dyan sa kasungitan eh. Di bagay sayo." -Anton
tumingin naman si JM ng masama kay Anton. "maahimik ka kung ayaw mong maupakan." at tumahimik nga si Anton. And daldal kasi ng isang to.
"Kim, kanina ka pa namin tinatanong ha. Bakit ba basted yung panliligaw mo? sabihin mo kaya samin para maintindihan ka namin." ;Frances
"Haisht!" sabay gulo ng buhok niya "Okay, sasabihin ko na nga sa inyo. Kasi nga diba palagi kong inaasar si Lyka babes ko na umabot na nga kami sa guidance office." Opo, tama ang nabasa niyo sa sobrang kulit nitong si Kim eh nakaabot na sila sa guidance office. "sa sobrang pagpapansin ko sa kanya eh natamaan na pala ako. Yung nasanay na akong inaasar siya. At etong nakaraang araw diba mas iniinis ko siya?" tumango na lang kaming lahat. "Sa sobrang torpe ko, dun ko lang napapakita sa kanya na mahal ko siya."
"pagmamahal ba talaga yan? Ano ba yung nararamdaman no pag kasama mo siya, Oh pag nilalapitan mo siya?" -France
Hala! O.o Bigla ba namang ngumiti ang loko. "Pag nakikita ko siya? ^///^ parang siya lang yung napapansin ko. Nasasabik akong pumasok kasi alam kong makikita ko siya.. Gusto ko siyang inaasar dahil ayokong di niya ako kausapin. Tapos ito" sabay turo sa dibdib niya "ang lakas ng tibok nito pag nakikita ko siya"
"Ayun!" sigaw naming lahat
"Aray! sakit sa tenga ha" sabi niya. pano ba naman kasi, sumigaw kami. hahahaha!!!
"tol congrats! dalaga ka na!" -Anton
"Tange! binata kamo. hahahaha!" -Jani
"kaya nga vibes tayo Jani eh. Apir nga. haha" sabi niya sabay apir kay Jani. mga loko talaga..
"nagsasaya kayo diyan, basted naman ako." pag mamaktol ni Kim.
"binasted niya ako kasi raw baka asarin ko naman siya. At ang pinakamasakit, ayaw niya sakin. Gusto ka niya tol. " sabay turo kay Cliff
"sakin? eh d ko naman type yun." sabi ni Cliff. tama yan moi. Magagalit ako pag type mo yun.
O.o sinabi ko yun????,
"Oi wag kayo. nagseselos ang isa rito ho." nagulat naman ako ng bigla silang tumingin sakin. As in lahat sila.
"Ho...hoy! hindi ah.Bakit naman?" pag dedeny ko. eeeeeeh! >\\\< nakakahiya kaya. Mga kaibigan ko talaga!
"ikaw talaga moi. Masyadong defensive" sabi niya sabay kirot ng ilong ko.
"Ouch! Moi naman eh! masakit ah" sabi ko sabay tapik ng kamay niya. nakakainis lang eh, masakit kaya. -_-
"yan na naman tayo. Kaya nga parang nilalanggam na kami rito oh.. Sa halos tatlong taon, di pa kayo,,?? yung totoo?" -Jani
"Hindi/Ewan" sabay namin ni Cliff
>.> <.<
"Ayiee! so Cliff, may pag asa pala??" -France
Isang makahulugang ngiti lang ang binigay niya samin. waaaaaah! kinikilig ako. hihi! ^.^ landi rin eh. hahaha
*end of flashback*
at dun nagtatapos ang kwento ni Kim. joke! mabalik tayo. Bakasyon kasi namin ngayon at nandito sila lahat sa bahay. Fourth year na kami sa pasukan. Ang bilis lang talaga ng buhay at ng oras. Sa bagay, may fast forward ba na mabagal? San kaya yun para makabili ako. Masyadong slow kasi tong utak ko eh.
"HAHAHAHA! kakatawa ka talaga pre. Fourth year na tayo sa pasukan, di ka parin marunong magbukas ng chips??!" sabi ni Kim kay Anton.
"Anong pake mo? sige nga ikaw nga buksan mo?" pag hahamon ni Anton sa kanya.
bigla na lang umiba yung expression ni Kim..
"eh.. ayaw! tinatamad ako. Di naman ako kakain niyan eh" pag dadahilan niya.
"nag dahilan ka pa. hahahaha" tumawa rin kaming lahat. napakamot na lang tuloy ng ulo si Kim .
Nakakatuwang isipin pero eto kami ngayon. Parang walang pinag bago. Mga sira ulo pa rin tulad ng dati. Gusto niyong malaman sina JM at France? Ano ba nangyari sa kanila? Parang wala naman akong natatandaan. Masyadong masikreto kasi ang dalawang iyan sa isa't isa. Kung may alam kayo, sabihin niyo sakin. Wala talaga kasi akng alam ^_^
Ito ang fast forward ng kwento namin. Sa susunod na kabanata eh graduating students na kami. Excited ako masyado. See You!!!
----------
a/n
wala akong maisip eh. pero gagandahan ko pa. Promise ko kaya yun sa mga kaibigan ko. HI FRIENDS!! (KAWAY KAWAY) sembreak natin. ano gawa niyo dyan? Hihi!!^__^

BINABASA MO ANG
Sana Huwag Mo Akong Biguin
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na "SA HULI ANG PAGSISISI" ? Maiintindihan kaya ng karamihan ang isang taong wala iniisip kundi ang damdamin ng iba? Paano kapag nasa isang sitwasyon kayo na perpekto na ang lahat. Pamilya, Barkada, at nasa iyo na ang...