Chapter 27- This Night
"Asan ka na?"
"Teka lang Moi, medyo ma traffic kasi rito." -Cliff
"Okay. Mag-ingat ka Moi.. Babay! LY!
"cge Moi. LY 2" -Cliff
Binaba ko na ang phone ko. Hay, matagal tagal naman pala kme naging mag bestfriend ni Moi. ~_~ Napaisip isip ako, pano kaya kung naging kami pa rin hanggang ngayon? Masaya rin ba kami? Ang daming pumapasok sa utak ko. Lagi na lang akong may regrets sa sarili ko. >_< Hayy buhay na to.
"Boo!!"
"Ay regrets!!!" napatakip ako bigla nang bibig.
"Anong regrets naman yung pinagsasabi mo?" sinara na niya ang pintuan ng kwarto ko. Oi walang malisya ha. Nandito nga siya sa kwarto ko at sanay na kme sa isa't isa.
"naku, wala yun. Nagulat lang talaga"
"Kasi naman, nakaupo ka pa diyan. mag fafive pm na moi, di ka pa mag bibihis?" - Cliff
"magbibihis"
"yun naman pala. Mag bihis ka na" -Cliff
Tiningnan ko siya ng ARE-YOU-SERIOUS-LOOK. O.o
"Oh. Bakit ganyan ka naman makatingin Moi?" -Cliff
"Seryoso ka Moi?" Grbe siya. totoo ba?
"Anong tingin yan?" tanong niya ulit.
"Magbibihis po ako. Wala kang planong lumabas ?" -Cliff
"Naku. Dalaga na talaga ang Moi ko" tumayo na siya at dumiretso sa pinto "Moi, 15 minutes. Within 15 minutes aalis na tayo. Bilisin mo na diyan" sabay close ng pinto.
Hayyy ^_^ Yan talaga ang nagugustuhan ko sa kanya eh. Masyadong gentleman. Bakit ba kasi umeksena pa dati si LITO NG ISIP ko. Yan tuloy nangyari. Hayyyyu
katatapos ko lang sa lahat ng ritual ko sa katawan ko ng nagpasya na akong bumaba ng bahay. At ayun! nakita ko rin yung mukha niya at di ako nagkamali. Parang naiinip siya sa kahihintay sakin. Hahahaha! ^.^
Napalingon siya sakin nung nakalapit na ako sa kanya. Humarap siya at ngumiti "Wow! Ang bango ah!" sabay pisil ng pisngi ko. Huhu! T.T mashakeet!! "Ba't ang tagal mo binibini?"
"Moi naman eh!" Lumayo ako agad sa kanya at hinimas yung pisngi ko. "Kakaasar ka na man eh!" masyado rin kasing namimihasa ang isang to. -_-
"Hay mga bata tong talaga. Halina nga kayo at baka tayo ay malate." well syempre sino pa ba yun? edi si mama. Teka di ko pa pala nasabi sa inyo kung san kami pupunta. Alam niyo na ba? Edi syempre hindi pa diba? Hmm. Pupunta lang naman po kami sa party ng mama nitong Moi ko. And to tell you, close na si tita at ang mama ko. As in Super! Naku! Talo pa nga kami sa super friends nila eh.
nakarating na kami sa party. Dito lang naman po sa ala Mansion nilang bahay. W-O-W! *O* Yun lang talaga ang masasabi ko. Nakakapunta na rin ako rito. At madalas pa. Grabe talaga si Moi, ang layo namin sa isat't isa. Isang mayaman at isang commoner lang. Pero ibahin niyo ang parents niya, sobrang bait! Ayiee. Kaya labs na labs ko yang si tita eh.
Nakita namin na nag eentertain si tita ng mga bisita ya. "Excuse lang po tita ha. Pupuntahan ko lang si mama. Moi."sabay tingin sakin. Nag nod naman ako na 'okay lang, go' .Lumapit na siya kay tita at bumulong . Napatingin naman si tita sa kinaroroonan namin at nag smile.
Ilang saglit lang lumapit na sila samin "Mercy! Mabuti at nakarating kayo." sabay yakap sa kaibigan.
"Happy birthday vicky." sabi naman ni mama. Close na kaya silang dalawa. Kada nga may family gathering eh nakikisali na kami kasi raw parang pamilya na raw kami. Promise, sobrang close nila talaga.
BINABASA MO ANG
Sana Huwag Mo Akong Biguin
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na "SA HULI ANG PAGSISISI" ? Maiintindihan kaya ng karamihan ang isang taong wala iniisip kundi ang damdamin ng iba? Paano kapag nasa isang sitwasyon kayo na perpekto na ang lahat. Pamilya, Barkada, at nasa iyo na ang...