Chapter 23- May crush ako kay Sungit!
France’s POV
Hiiii!!! (kaway-kaway) ^_^ na miss niyo po ba ako? hihi! Nga pala, basahin niyo POV ko. Mas masaya to kompara sa mga POV nila. Hahahahaha!! Oops! Masyado na yata akong madaldal at napaparami na yung mga sinasabi ko. So eto na nga, side story ko naman ang pag-uusapan natin okay ba yun? Ang chapter na to nangyari noong weekend. Okay. Ganito kasi yun...
Grabe talaga kapag masipag kang bata noh? Inaabuso ka na kung minsan. Tss -_- Napapagod rin naman po pala akong magpabalik balik sa school. Hayy. So ano na gagawin ko rito? Mag-isa pa lang akong nandito at ..
“NASAAN NA BA KAYO??! AKO BA PINAGLOLOKO NIYO??!”
[Friend kumalma ka lang, papunta na po kami. Hihi] –Jani
“SA LAGAY NA TO, MAKAKALMA AKO??! MABUTI SANA NUNG SINABI NIYONG MALELATE KAYO! PERO SABI NIYO NANDITO NA KAYO! NANDITO NA!” -ako
[wahhhh! Jani, wag na tayong pumunta. Baka kainin tayo ni France niyan eh.] –Ralph
“Hoy Baklita! Naririnig kita! >.< Subukan mo lang, magiging lalaki ka habang buhay!” nakakaasar naman kasi ng dalawang to. Sabi nila nandito na sila at naghihintay kaya dalian ko raw agad. Naku! Nakaka bwiset!! SOBRAA!!
[Oh sige na France, see you later! Bye!]- Jani
Pag nakita ko yung dalawang yun, kakalbuhin ko talaga sila ng bonggang bongga. Masarap na kaya ang tulog ko, tapos ganito? Gigisingin nila ako at sasabihan na late na raw ako?? Eh ako naman tong si tanga, naniwala. So anong napala ko?? Edi NGANGA! >_<
“Tss. Ang ingay mo”
O___O
>_>
O//////O
Kyahhhhhhhh! Ay naku Lord! I love you so much! Si Crush ko po... Si crush.. >///<
O__O Teka nga muna. Bakit ganito ako kung maka react? France, BEHAVE! Wag mapagpahalata, nakakahiya. HIHIHI!!
Pero teka nga pala. Ba’t nandito ang isang to? Weekend naman ah.
“HOY!! JM! Ba’t nandito ka?”
-___-
ABA!!! Di ako kinausap?? Pahiya ako ha.
“HOY!! “
-_-
Nakakinis na ha.
“JM!!! HOY!”
-_-
AYOKO NA!!! SIRA NA TALAGA ANG ARAW KO! >_<
PAK!!*
“ARAY!” –JM
O.O
Uh-oh.... Looks that I’m in trouble right now.
“Ah....eh” Naku mag salita ka France.. GOSH!!
"Gusto mo bang kausapin kita o nagpapansin ka lang?" sabi niya na parang pinapatay at nililibing na ako sa kanyang mga tingin. Waaaah! -_- help me guys TT^TT
"So--sorry talaga. Ikaw naman kasi eh, hindi mo ko pinapakinggan. yan tuloy" sabi ko habang pababa ng pababa yung boses ko. Kung tignan kaya kayo ng masama ng isang to? sa tingin niyo, makakareact kayo?? tulooonggg!
"Ang tsinelas para sa paa, hindi para pang hagis sa ulo." -_- walang kaemosyong sabi niya. naku! parang nakonsensya ata ako ah.
"Sorry talaga JM. Ahmm. paano ba ako makakabawi sa ginawa ko?" -ako
Isip. . .
Isip. . .
Isip. .
^_^ AHA! alam ko na.
"Sorry na talaga. Nadala lang ako sa inis kasi pinag tripan ako nila Jani at Ralphy." sabi ko sabay upo sa isang bench na katabi niya.
"Tss. wag mo akong idamay sa galit mo. Di ako yung taong nakikisabay sa pagkabaliw mo." -JM
"Meron ka ba? Ba't ang sungit mo lagi?" nakakainis kasi tong lalaki na to. ni hindi magawang ngumiti sakin. "Ba't ba napakaseryoso mo ha?"
"Wala kang pakialam. Mag sungit ka rin kung naiinggit ka." -JM
Naku! >.< Lord, pigilan niyo ko. kung hindi, mababato ko na ang isang to.
"Ang sama talaga ng ugali mo! ang hirap mong kausapin!" nawawalan na ako ng pasensya sa isang to. -_-
"Edi wag mong kausapin. Ikaw lang naman yung talak ng talak diyan. Tss" -JM
Aba! >_<
"HOY JAN MARIO MENDEZ! NAPAKA WALANG MODO MO! SIRA NA NGA YUNG ARAW KO, SINIRA MO PA! ANG BAIT KO NAMAN SAYO HA?! BAKIT BA ANG INIT NG ULO MO?? DI KO TALAGA MAINTINDIHAN YANG UGALI MO!" nakasigaw kong sabi sa sa kanya. Eh sa naiinis na talaga ako eh, bakit ba?!
"Rinig kita, wag kang sumigaw" sabi niyang kalmado lang. Aba! may gana pa ang isang to na maging kalmado s kabila ng pag-uusap namin?! Di ko talaga siya makaya..
"EH SA GUSTO KONG SUMIGAW! GAYAHIN MO KUNG NAIINGGIT KA!" -ako
"sira ulo talaga -_-" sabi niya habang paalis na talaga. OPO!! nag wawallk out moment naman ulit! >.<
"NGAYON LALAYASAN MO NA LANG AKO BIGLA??! HOY TAONG GWAPO SANA PERO MUKHANG MERON SA KASUNGITAN, WAG KANG MASYADONG MAGALIT SA MUNDO! DI BAGAY SAYO, SAYANG YUNG PAGKAGWAPO MO!" di ko na talaga siya matiis.
>__< hindi pa rin siya tumitigil sa kakalakad. Bakit ba mahirap ispellingin ang isa to??
"PASALAMAT KA HINDI KO KAYANG MAGALIT SAYO! AT PASALAMAT KA KASI KASI KAHIT GANYAN KA SA KASUNGITAN EH CRUSH PA RIN KITA!"
bigla naman siyang huminto..
te--teka..
ano nga ulit sinabi ko???
O__O
"PASALAMAT KA HINDI KO KAYANG MAGALIT SAYO! AT PASALAMAT KA KASI KASI KAHIT GANYAN KA SA KASUNGITAN EH CRUSH PA RIN KITA!"
....."PASALAMAT KA HINDI KO KAYANG MAGALIT SAYO! AT PASALAMAT KA KASI KASI KAHIT GANYAN KA SA KASUNGITAN EH CRUSH PA RIN KITA!"
O//////////////////////////////O
Nakita ko siyang tumigil. Pero hindi niya ako nilingon. Waaaaaaahhh! nakakahiya talaga! bakit ba ang daldal ko??! >////<
"kyaaaaaaaaaah!! Grabe friend! di kita kinaya! Narinig mo yun Jani??!" alam niyo na kung sino sila. at sa kamalas malasan ng buhay ko, eh narinig pa nila. huhuhuh! double kill!
"Ano ba sa tingin mo bakla, bingi ako? syempre noh!" sabi naman ni Jani.
>////////////< hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit ko ba kasi nasabi yun?? Yan tuloy nakakahiya. Ahhhhhhhhh!
"Papa JM! narinig mo yun? Yiiiieee! kinikilig ako!" -Ralph
"Grabe ka friend ha. Yan pa talaga yung naabutan namin. hahahahaha!! " -Jani
"Ay -_- walang feedback galing sa kanya?" -Ralph
Kahit ako nanghihinayang. Di man lang kasi lumingon. Ayun, umalis na ng tuluyan.
teka.....
"KAYONG DALAWA! AKALA NIYO NAKALIMUTAN KO NA AGAD?? BAKIT NGAYON LANG KAYO DALAWA HA??!!"
"PATAY!" sabi nilang dalawa..
-----------------------------------
a/n
hoooray!!! Ganda POV ni France! nasasabik tuloy ako. hahahaha!!
BINABASA MO ANG
Sana Huwag Mo Akong Biguin
RomanceNaniniwala ba kayo sa kasabihan na "SA HULI ANG PAGSISISI" ? Maiintindihan kaya ng karamihan ang isang taong wala iniisip kundi ang damdamin ng iba? Paano kapag nasa isang sitwasyon kayo na perpekto na ang lahat. Pamilya, Barkada, at nasa iyo na ang...