CHAPTER 18- Let's Stop

18 1 0
                                    

CHAPTER 18- Let’s Stop

Hayy -__- Isang linggo na naman ang nakalipas at eto pa rin ako, NAGIISIP! BUHAY! LIFE! Ano ba naman? I don’t know how. I don’t know why. But I felt something strange. Arggghhh!! >.< Nasa dulo na ng dila at utak ko pero di ko malaman-laman!!

I admit, hindi na ako masyadong nasisiyahan sa relationship namin. Oo, it’s a deal but it’s not just something that i can break anytime i want. Like ko naman si Cliff kahit na anong mangyari. Pero pwede pa ba kaya ang higit dun? He’s charming, adorable, gwapo, mapagkumbaba at higit sa lahat, SINCERE. T.T Lahat ng gusto ko nasa kanya na. Pero pano naman ako? Bigla-biglaan naman to sakin. Basta na lang ba ako maninibago?

“HOY!”

“Ay butiking ipis!” gulatin ba naman ako bigla. -_____-

“Ako BUTIKI?” Tss” =____=

“Ikaw kaya ang nanggugulat. Che!”

“Lumilipad yung utak mo.”

Tinignan ko lang siya ng masama. Ano akala niya sa utak kong matalino, Flying Brain?? Hulaan niyo kung sino to. . .

. . .bastos to. . .

. . Nakakainis rin. .

Tama!. . . . “Hoy JM! Huwag kang magulo, nag-iisip ako.”

“Tss. Wag masyadong mag-isip, baka mabaliw ka.” Sabay upo sa tabi ko. Nandito pala kami sa park ng subdivision namin. Eto, nag-eemote ako, SANA-__-. Kaya lang mukhang hindi ko magagawa kasi kasama ko ang unngoy na to.

“ano bang nagpapagulo sa isip mo?” tiningnan ko naman, baka kasi ginugoodtime ako ng isang to. Pero hindi pala, mukhang seryoso pa nga ang mukha niya. Sige na nga, hindi ko muna itataboy ang isang to, wala akong kasama eh.

“Wala. . . .Kahit ako nga di ko rin alam eh.” Tama, hindi ko talaga alam.

*

S

I

L

E

N

C

E

*

“Relationship. Feelings. That’s your problem right?” –JM

O_________O

>____________>

“A---ano, pano mo nalaman?” My Goodness! Chismoso ata to eh.

“One time, nasa canteen ka nun. Recess time kaya di tayo magkakasama. Naalala mo last week, parang wala ka sa sarili. You even talk to yourself like a psycho.” Tumawa siya ng mahina habang nag si-swing masyado.

“Hindi ko alam kung matatawa ako o magtataka kasi ganyan ka naman lagi eh. Hahahahaha! ^O^” aba, tinawanan pa ako ng mokong.

“Eh ano ngayon sayo?? Tss “ =___=

“Gugulatin na kita nun. . . pero ako pala ang nagulat. Nagulat ako sa narinig ko Jerah.”

This time, napatingin na talaga ako sa kanya. Yung parang nasasabik sa susunod niyang sasabihin. Oh God! I’m nervous!

Hinarap niya ako. Tumayo siya at lumapit sakin. Nasa swing pa rin ako habang siya nakatayo lang sa harap ko.

“Sabi mo. . . .[bakit hindi ko kayang mag I LOVE YOU sa kanya? Kami naman diba? Bakit hindi ko masabi yun sa kanya? Gusto ko naman siya ah] . .yun, narinig ko lahat.” –JM

O_________O O-M-G!!! Narinig ni JM yun? LAGOT!

“Jerah, Love is different from like. Marami silang pinagkaiba. Maybe sometimes you like someone but you don’t love them. Never.” –JM

“NO!” Tumayo na rin ako “Gusto ko siya, pero. . “

“Pero hindi mo mahal diba?” –JM

“Ma----ma-----“

“Wag mong pilitin Jerah. Kung hindi mo kaya, edi sabihin mo. Hindi yung pinapaasa mo lang siya.” –JM

Aray! Tinamaan ako dun ah. Pero gusto ko naman si Cliff. Aalis na ako dito. Baka masigawan ko pa to eh. Nakakailang hakbang na ako ng magsalita ulit siya.

“Sana maintindihan mo. Hindi naman to sa ikasasama mo Jerah. Kung para sayo wala lang to, pwes pinapaalala ko lang, mahal ka ni cliff higit pa sa buhay niya. Pero kung ikaw hanggang dyan lang sa ‘GUSTO’ (diniinan pa talaga) masasaktan mo lang siya at hindi yun makakabuti sa kanya, sa inyo.” –JM

Bahala siya. Basta tumakbo na lang ako papunta sa bahay. Pumasok nako at umakyat na sa kwarto ko at nahiga. Bakit ba? Napaisip tuloy ako. Arggghhh! Anong gagawin ko?? Tama pa ba to? Okay pa ba ang lahat o tama talaga si JM? Masama na ba akong tao? Gusto ko siya, totoo yun. Pero sapat na ba yun para sa pagmamahal niya??

Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa cellphone ko. Nag so-scroll lang ako ng mga number sa phonebook ko. Wala ako sa sarili ngayon. Tama si JM, lumilipad nga ang utak ko ngayon. Iniisa-isa ko ang mga pangalan hanggang sa mapunta kay. . . . Cliff. .

Bakit Cliff? T___T Ano ba tong nararamdaman ko? Crush lang ba? Ipahiwatig mo naman oh. Naguguluhan ako. Hindi ko alam pero may tubig na pumatak sa Cellphone ko. At dun ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Umiiyak ba ako dahil nakokonsensya ako? O kasi mahal ko pala siya??

Hindi ko alam kung nawawala ba ko sa sarili ko o kusang lumilipad lang ang utak ko? Nagulat na lang ako kasi may na send na pala akong message sa kanya.

Nakasulat pa sa text na. . . .

To: Cliff

0917*******

LET’S STOP

Sana Huwag Mo Akong BiguinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon