CHAPTER 15- Officially Mine

23 0 0
                                    

CHAPTER 15– Officially Mine

Hindi ko na pinatapos si France sa kung ano man yung sasabihin niya. All I need to do now is to find Cliff. Kailangan ko siyang mahanap kasi kung ano man yung nakita niya kanina at iniisip ngayon ay hindi totoo. Wala talagang kiss na nangyari sa amin. Si JM ikikiss ako?  Baka magunaw ang mundo kung mangyari man yun.  Bwisit kasi tong si JM! Ang lakas-lakas mang goodtime!! Asaaaarr!!!

Nasa may grounds na ako ngayon. Nasaan na kaya si Cliff? Baka may mahanap na iba yun! Hindi to pwede, ayoko talaga! As in over my exotic body! Nagmamasid ako sa paligid ng campus. Nandito lang ako sa side ng soccer field namin kasi may naglalaro sa gitna. Takot pa naman akong matamaan ng bola.

T____T

Bakit wala siya? Kanina ko pa siya hinahanap ha. Napadpad na nga ako rito sa may gym naming sa kakahanap sa mokong na yun. Kasi naman eh, kung makapag-isip toda max! -__- Sana pinakinggan niya muna ako. Hindi yung nag a-assume siya na nagkiss kami ni . . . . grrrr! Ayoko ko nang sabihin! Naiinis lang ako lalo eh. =_=

*dri bble*dribble*dribble*

Woah,may naglalaro pala sa loob. Tss, ang aga naman maglaro ah, recess time pa lang kaya. ?___? Nasan ka na ba Cliff? Ang hirap mong hanapin!

“Fuck! Shit!”  *BOOOOGGGSHHH!*

o.O

Ano yun? Parang galit naman ata sa mundo kung makamura yung naglalaro na yun. Matignan nga kung sino ang may sumpa sa mundo na yun??

Pumasok na ako sa gym namin.  Malaki-laki naman to kasi minsan nga hindi na mapapansin na may kasama or tao na pala sa loob kung hindi pagmamasdan ang paligid.

Pagpasok ko. . .

. .

. .

O___________________O

Yun pala. . . . Malamang galit talaga sa mundo yung nag babasketball. Si Cliif, siya yung nagmura?? Parang hindi kapanipaniwala. Paano ako magkakamali, eh siya lang naman yung tao rito. Paano ko kaya to makakausap, ang SCARY NIYA! PROMISE!!! TT^TT

Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya.

 T_____T Di man lang ako pinansin?? T.T Ouch!

Bahala siya. Kung ayaw niyang makipag-usap eh hihintayin ko pa rin siya hanggang sa matapos siya at mag-usap na kami ulit.

5 minutes. . ..

.

.

.

7 minutes. . .

.

.

.

10 minutes. . .

.

.

.

.

15 minutes. .         *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnngg!*

Waaaahhhh!! T___T time na agad??

Pero first bell pa lang diba? May 15 minutes pa kaming natitira. Ganyan kasi dito sa school namin, sosyalin noh? May first at second bell. Yung first bell ay warning na magsibalikan na sa room. At yung second bell naman ay signal na mag-uumpisa na ang klase.

^_^ Sa wakas! Natapos na rin siya sa paglalaro. Inaayos na niya ang kanyang gamit at mukhang babalik na siya sa classroom. Akmang aalis na siya ng tawagin ko.

Sana Huwag Mo Akong BiguinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon