CHAPTER 1- Buhay Highschool
Yehey!!! Highschool na ako! first day, first class, at new classmates! sana nandun pa rin sila. Teka, bakit parang maraming baguhan yata ngayon? makapunta nga sa bulletin board.. Ako nga pala si Jeraldyn Marie Baltazar, mabait, sporty, at tsaka mapag mahal sa pamilya. Kayo na lang ang bahalang manghusga sa aking personality...
"Jerah!!! Waaa, na miss kita, wow! ang ganda-ganda mo na!" nagulat ako sa sigaw ni france, isa sa pinakamatalik kong kaibigan. "Iba ka na talaga, babaeng babae na kung manamit oh, bongga!!" pahabol niya.
"Ang babaeng ito, pinupuri pa ako, pero SALAMAT!! :)" sabi ko naman
"Haha! nakakaloka ka talaga. Nakita mo ba si Jani? San kaya nag susuot ang isang yon? nakakainis naman oh!! :/ " nakasimangot na tanong ni france sa akin.
Maya-maya ay dumating ang pinaka madaldal naming kabarkada, si Ralph, isang kaklaseng bakla na naging matalik naming kaibigan.
"Mga Friends!! I miss you all! Vina morales crying session na to mga ka pips!!" sabi ni ralphy bago kami hagkan sa mga pisngi isa-isa..
"Don't forget me mga beautiful single ladies, sorry na late aaaaaaahhhhkkkk!!!!" naputol ang sasabihin sana ni Jani dahil napatid siya..
BOOM!! "Aray! I think I'm gonna die :(, help niyo kaya ako kesa na titingnan niyo lang ang very pretty face ko." Humirit pa ang lola..
"Naku Jani, ba't kasi ngayon ka lang, aber?" pag uusisa ni France.
"Ikaw kaya mag alaga sa mga kapatid mo dahil hindi mo maaasahan mga magulang mo, makakaya mo maging early bird?" sarkastikong sagot ni Jani.
"Tama na nga yan, pumunta na nga tayo sa classroom para may upuan tayong makikita na magkakatabi. At please lang, kay aga-aga nag aaway kayo." nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa classroom na namin. nakakapagod, 3rd floor at last room pa kami.
"Oh, meron pa pala akong mga estudyante, bakit ngayon lang kayo mga iha, at iho?" tanong agad ng teacher pagkapasok namin.
"Excuse me handsome teacher, lahat po kami IHA, sa ayos kong ito, lalaki pa po ba ang tingin niyo sa akin? O-M-G!!" mangiyak-iyak na sabi ni Ralph.
"Okay, you may take your seats" umupo na kaming apat at nagsimula nang magpakilala sa isa't isa. Natapos ang unang araw nang pasukan ng walang gulo. Hay salamat!! Uwian na! Bukas magpapalate ako!!
a/n
Sorry po kung pangit man. promise, maganda na ang next chapter, SANA!!!
BINABASA MO ANG
Sana Huwag Mo Akong Biguin
DragosteNaniniwala ba kayo sa kasabihan na "SA HULI ANG PAGSISISI" ? Maiintindihan kaya ng karamihan ang isang taong wala iniisip kundi ang damdamin ng iba? Paano kapag nasa isang sitwasyon kayo na perpekto na ang lahat. Pamilya, Barkada, at nasa iyo na ang...