CHAPTER 60

6 0 0
                                        

Calix POV.

"Hi love..."

Ang tamis ng ngiti niya habang patakbong lumapit sakin.

Yumakap siya sakin ng sobrang higpit na kala mo wala ng bukas.

I kissed her cheeks at hinawakan ang magkabila niyang pisnge.

"I missed you.."

Tumulo ang luha ko habang tinitingnan ang bawat angulo ng mukha niya.

"Tchhh...Iyakin ka talaga..."

Natawa naman ako.

"Kasalanan mo naman bakit ako umiiyak eh"

Agad naman nagbago ang expression ng mukha niya.

Nakangiti siya pero kitang kita sa mata niya ang kung anong lungkot na di ko maintindihan kung para saan.

"Hmmmp..Ikaw kumain ka ng madami ang payat payat mo na."

Ngumuso naman ako.

"Kasalanan mo din yun.Dahil sabi mo susunod ka agad samin pero ang tagal mo!Walang araw na di kita iniisip kaya nawawalan ako ng gana"

Lumalamlam ang mga mata niya.

Matagal siyang nakatitig sakin bago ngumiti.

"Alagaan mo naman ang sarili mo."

"Ayuko..Anjan ka naman na para alagaan ako eh"

"Calixto..."

Agad ko naalala yung tungkol sa kasal.

"Love...Sabi mo papakasal na tayo pag balik mo.Lets ask for Mr.Velarde for your leave.Para maasikaso na natin."

Dun nawala ang mga ngiti niya sa labi.

Kumislap ang mata niya sa nagbabadyang luha.

Bigla akong kinabahan.

"Love...May problema ba?"

At dun tumulo ang mga luha niya.

"Love ano?Bat ka umiiyak?May nasabi ba ko mali?"

Umiling naman siya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Can you promise me one thing?"

Kunot noo ko naman tinititigan siya.

Iniisip ko parang may mali.

Tumango ako kahit hindi ko maintindihan ang nangyayare.

"Promise me you will take care of yourself.live the life that we dreamed of.Even if...."

Nakatitig siya sakin ng matagal bago sinabi ang mga salitang....

"Even if I'm not by your side anymore..."

Bumagsak ang balikat ko at agad na bumitaw sa mga kamay niya.

Yung dibdib ko parang tambol sa bilis ng pagtibok.

Kinakapos ako ng hangin.

"I will not agree to that."

Agad naman siyang humakbang palapit sakin pero agad ko siyang pinigilan.

Iniharang ko kamay ko sa pagitan namin.

Lumuluha akong nakatingin sa kanya.

"You promise me your gonna be back for me ALMIRA."

Halos pumiyok ang boses ko pagkakasabi nun.

"You promise me..."

Nakayuko naman siya habang patuloy din sa pag iyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"My Protector"Where stories live. Discover now