CHAPTER 36

82 1 2
                                    

Mira's POV;

Napaunat ako matapos ko taposin mga kailangan ko emails at bookings.

Bumungad naman sakin ang tahimik na paligid sa labas at ang nag iisang taong naiwan.

Tchhh..Kahit kailan talaga lagi na lang akong nag adjust sa taong to!

Pagkatapos ko bumalik sa kwarto para magpalit.Agad Naman akong naglakad papunta sa pwesto ni calix..

Ang himbing agad ng tulog nito eh hindi pa naman ganun katagal nung pinaalis ko siya..

Naka nguso pa..parang Bata..

Sinipa ko naman hinihigaan niya..

Ang akala ko magigising na.Nangunot lang ang noo niya at pinaling sa kabilang deriksyon ang mukha.

Sinipa ko ulit ang hinihigaan niya ng malakas pero buong katawan niya naman ang pinaling niya sa kabila..

Aba!!!inuubos mo pasensya ko hah!

Imbes na sipain ulit ang higaan niya sinipa ko na siya MISMO!

"Arayyyy!!!ano ba!!!"

Napabalikwas naman siya agad habang hawak ang likoran..

"Kanina ka pa ginigising hah!"

Masama niya naman akong tiningnan..

Pinangtaasan ko lang siya ng kilay..

"Huwag mo dinadaan daan sa tingin mong yan hah!"

"Ano bang problema mo?!"

"Kanina ka pa ginigising ayaw mong magising jan!!"

"Bakit ba?!Eh sa gusto kong matulog na lang eh!Pati ba naman yun bawal!!"

Pinagkrus ko naman braso ko.

"So ayaw mo na sumunod sa kanila?"

"Ano bang sinasabi mong susunod?"

Nakita ko naman pagtataka niya sa sinabi ko.

Tchhh..slow din talaga..

Nanlaki ang mata niya nang mapansin suot ko

"Tchhh..Mas pabor sakin yan.Matulog ka na lang"

As expected..na realize niya din sinabi ko.

Bigla niya naman pinigilan ang pagalis ko.

"Te-teka lang naman..."

"what?!!"

"Sa-sabi mo susunod tayo sa kanila.."

"Hindi na..nagbago na ulit isip ko"

Humakbang naman ako papaalis.

Pero pinigilan niya naman braso ko.

"Si-sige na...Sumunod na tayo sa kanila...pwessss"

nangunot naman noo ko sa kanya..

Pambihira...bat ba ganto to.

"Tigilan mo kaka pa baby mo hah!Hindi nakakatuwa!!"

"Sige na kasi sumunod na tayo!!"

Napahawak ako sa noo..

Tatamaan to sakin pag ako hindi nakapag pigil..

"Bilisan mo pagpapalit bago pa maubos pasensya ko!!"

Ngumiti naman siya bago nagmadaling tumakbo papunta sa kwarto.

"Madapa ka sana.."

Ang laking tao pero parang bata kung umasta..

Tccchhh..Sa bagay nag iisang anak.Kaya spoiled..

"My Protector"Where stories live. Discover now