Mira's POV:
Alam ko kanina pa nakatingin si calix pero hinayaan ko lang siya.Mas inuna ko taposin ang kinakain ko kesa sa kanya.
May talent rin palang magluto ang isang to.
At malamang bilib na bilib nanaman sa sarili dahil sa ginawa niya.
Tiningnan ko naman siya ng masama habang ngiting ngiti naman siya sakin.
"Are you done?!"
Pigil naman ang ngiti niya.
"I'm the one who supposed to ask you that"
Inirapan ko naman siya at tumayo para asikasohin ang hugasin pero...
"Ako na..."
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay..
"Ako na..."
Pero ingaw niya lang sakin ang hawak ko.
"Tutal ako naman nagluto ako na rin mag huhugas"
"Ako..."
Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko.
"Ako na...Ayusin mo na lang yung ipapanuod mo sakin.."
Ngumiti siya sakin bago ako tinalikuran..
Napabuntong hininga ako at Ilang minuto nakatingin sa likuran niya..
Kayanin mo kaya...
Inayus ko naman ang laptop sa kwarto ni Allen..
Mas pinili ko dito dahil pakiramdam ko di niya kakayanin makauwe pa sa oras na mapanuod niya ang footage ni kuya fernan.
Hindi ko maiwasan isipin ang magiging reaction niya mamaya.
Dahil kung masakit sakin ang napanuod ko pano pa kaya sa kanya.
Nang matapos ko ayusin ang lahat lumabas ako ng kwarto.
Kitang kita ko naman si calix na nakatulala sa mesa.
Umiling iling ito habang yumuko at pumikit..
Sabay buntong hininga..
Bigla naman siyang napalingon sakin..
Pilit na ngumiti.
"Kanina ka pa?"
Kahit anong pilit niyang itago ang naramdaman niya.Kitang kita pa rin ang lungkot sa mga mata niya..
His has expressive eyes..
Napabuntong hininga ako..
"It's ready.."
Binuksan ko naman ang pinto ng kwarto..
Ramdam mo ang bigat ng hakbang niya palapit sakin..
Agad akong umuna sa loob..
Tinuro ko naman sa kanya kung san siya uupo..
Linagay ko ang USB flashdrive na bigay ng Sandoval.
Bawat bukas ko ng files pinapakiramdaman ko si calix.
Dahil once na ma open ko na ang pinaka folder makikita niya na agad ang itsyura ni kuya fernan..
Napapikit ako bago lumingon sa kanya..
At agad ko pinigil ang luha sa mata ko ng makita ko itsyura ni calix..
Tuloy tuloy ang luha habang tinitingnan niya ang naka flash sa screen ng laptop.
Napatingin ako sa ibang deriksyon.
"You can watched it whenever your ready"
Akma akong tatayo pero pinigilan niya ko..
YOU ARE READING
"My Protector"
Short StoryCalix is a happy go lucky child. His living his life like what he wanted by Getting and doing everything what he desire By the help of his dad. But everything will change by the time he got home. He will knew about what happen to his dad and his dar...
