CHAPTER 53

66 3 2
                                        

Calix POV:

After ng nangyare kagabi ni hindi ako nakatulog ng maayus sa gabi..

Paalis na sana kami pero biglang tinawagan si Allen kaya kinailangan niyang iwan muna ako dito sa resort.

Hapon na pero wala pa rin si Allen.

Nakatulala lang ako sa may dagat.

Habang nakaupo sa may dalampasigan.

Kung pwede lang akong pumunta dun mag isa ginawa ko na pero hindi pwede dahil...

Mapapatay ako dahil sa higpit ng siguridad doon.

Ano na kaya ginagawa ng mira ko...

Apaka gago ko kasi...

Ang gago mo calix....

Sabay sabunot sa sarili..

"Baka naman maubos na yang buhok sa kaka ganyan mo.."

Agad naman akong lumingon sa nagsalita.

Seryuso naman nakatingin si Allen.

Tumayo ako agad.

Pero naupo siya..

"Hahantayin kita dito.Maligo ka...Kagabi pa yang damit mo!"

Agad naman akong napakamot ng tingnan ko pulong gamit ko kagabi pa.

Wala naman kasi akong dalang damit.

"Wala akong damit na dala.."

Pinanglakihan niya naman ako ng mata.

"Panong wala eh may mga damit na nakalagay sa lahat ng kwarto dito calix lalo na sa kwarto ko na tinulogan mo kagabi."

Kakamot kamot naman ako..

"Walanghiya..Ni hindi man lang sumagi sa isip mo magpalit!"

"Na wala na sa isip ko"

Napakamot naman sa sintido si Allen.

"Kakaiba ka talaga.Maligo ng maige at magbihis at magpabango.Mamaya niyan naiwan pa sayo pabango nung babae kagabi..Yung...Yung Kyla ba yun.Mas lalo ng di kayo magkaayus ng kapatid ko."

Nanlaki naman mata ko.

Oo nga..

"Bilisan mo at papagabi na.."

Agad naman akong pumunta sa kwarto at naglinis ng katawan.

Gulat ako ng makita napaka dami nga ng damit na andito sa kwarto ni Allen.

Pati mga pabango..iba iba..

Napapangiti naman akong namili ng damit at tiningnan ang sarili sa salamin..

Ngumiti ako..

Kabado..

Agad naman akong lumabas at agad na liningon ni Allen.

"Tchhh..Siguradohin mo lang yan damitan mong yan ikapapatawad ng kapatid ko hah"

Nagumit naman ako.

Agad naman kami sumakay sa yate.

Hindi naman ako mapalagay habang nakaupo ako.

Palinga linga ko sa paligid.

"Pumirme ka nga.!"

Asar na sita ni Allen sakin.

Napakamot naman ako sa batok.

"Kinakabahan kasi ako.."

"Dapat lang..Dahil ikamamatay mo pag hindi ka napatawad ng kapatid ko!"

Seryuso naman akong tumingin sa kanya.

"My Protector"Where stories live. Discover now