Mira's POV:
Matapos ang pag uusapan namin nila dad pumunta ako sa lugar....
Lugar kung saan ko natatagpuan ang katahimikan.
Yung tree house na mismong mismong hinahanap hanap ko sa tuwing ganto ang pakiramdam ko.
Pakiramdam na ayukong ayuko...
Sobrang bigat na parang gusto ko na lang hilingin sa hangin na dalhin na para mawala.
Nalulungkot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay calix dahil siya ang natanggap ng lahat.
Napaka kumplekado ng mundo niya.
Nang buhay niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit mas lamang sa ibang tao ang yaman kesa sa pamilya.
Pamilya ang anjan kahit anong mangyare.
Hindi kagaya ng yaman na nuubos.
Nalulungkot ako sa iisiping may bago nanaman ikaguguho ang mundo ni calix..
"Anak....."
Malungkot naman akong napalingon kay dad.
Sa lalim ng iniisip ko.Hindi ko na namalayang nakaakyat na pala si dad.
Niyakap niya ko.
"You ok?"
Huminga ako ng malalim.
"No..."
Mas humigpit ang yakap niya sakin.
"Masyado ka na bang nahihirapan?Gusto mo na bang ipasa sa iba ang tungkol kay calix?"
Umiling ako
"Hindi ako nahihirapan dad.Nalulungkot ako..Nalulungkot ako hindi lang para kay calix kundi sa buong pamilyang gusto gawin ni kuya fernan"
Naramdaman ko naman tumango si dad..
"Hmm...Ang bawat tao ay may iba ibang kwento.Iba ibang tadhana at iba iba klase ng pagkatao.Hindi lahat ng pamilya ay katulad ng atin."
"Pero bat hindi na lang nila piliin ang maging masayang pamilya kesa sa pinipili nilang mawala ang isa para lang sa yaman gusto nilang masarili."
"Dahil yun ang ginusto nila.Yun ang pinili nila.Lahat ng bagay na mangyayare sayo ay naka base sa magiging desisyon mo.At kung ano desisyong pinili mo ay yun ang magiging tadhan mo"
Kumalas naman ako sa yakap ni dad.
"Alam na ba ng mga high rank to?"
Tumango si dad.
"Base sa naging imbestigasyon.Nalaman nila ang pagkatao ni bethly.At hindi na rin siya tumanggi."
"How about you?Did you got angry for what kuya fernan kept from you?"
Umiling si dad ng nakangiti.
"I admire him more..."
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni dad.
"Dahil kahit na ganun nanatili siyang tapat satin."
Ngumiti ako..
"At minsan ka lang makakahanap ng ganun tao anak..Hindi ko lang naging taohan si fernan.Naging kaibigan ko siya at naging mabuting parte ng buhay niyo."
Inabot niya naman ang kamay ko at hinawakan.
"I want to repay what he did...Through calix.."
Tumango ako.
"I'm with you"
Mas ngumiti naman si dad sa sinabi ko.
We stayed there for a few minutes bago namin kinausap ulit si manang.
YOU ARE READING
"My Protector"
Short StoryCalix is a happy go lucky child. His living his life like what he wanted by Getting and doing everything what he desire By the help of his dad. But everything will change by the time he got home. He will knew about what happen to his dad and his dar...
