FIRST time kong pumunta sa building ng Criminoloy department. Nagpasama kasi ang classmate kong si Rowena. Pupuntahan daw niya 'yong pinsan niya para singilin sa utang nito. At dahil vacant time naman namin at may dalawang oras pa kaming sasayangin bago ang susunod na klase, sumama na rin ako.
Nasa 2nd floor ako ng four story building ng Crim, nakadungaw sa field habang hinihintay si Rowena roon. Narinig ko ang sigawan sa basketball court katapat ng building, sinuri ko ang paligid doon. Open space ang field kaya naman kitang-kita ang mga estudyanteng naroroon.
May naglalaro sa court, at mukhang may mga audience na nakapalibot. May nagtilian ng mag-three point shot ang isa sa mga players, kaya naman sinundan ko iyon ng tingin. Matangkad ito, mga five feet and nine inches siguro. Medium built ang katawan nito at malapad ang balikat. Medyo may muscles pang nakabakat sa pinaghalong kulay blue at red sa suot na sleeveless jersey.
Nag-dribble uli ito ng bola at nakipag-patintero roon sa humaharang sa kanya subalit mas mabilis at maliksi ito kaya naman nakapuslit ito sa pagbabantay no'ng kalaban kaya nai-shoot nito uli 'yong bola. Muling nagtilian ang ilan sa mga audience.
Hindi ko masyadong makita ang itsura nito, magalaw kasi ito kaya 'di ko masino ang itsura. Hindi naman ako mahilig sa larong basketball kaya tumalikod na ako at naghanap ng mauupuan para roon hintayin si Rowena. Ang tagal naman nitong dumating.
"Sorry, Miki!" mabilis na naglakad palapit sa'kin si Rowena. "'Yong gago ko kasing pinsan eh, pinagtaguan pa ako." simangot niya.
"Nasingil mo ba siya?" ngiti ko.
Ngumiti rin ito ng matamis, at saka inilabas ang five hundred pesos sa harapan ko. "Siyempre, ako pa! Sinapak ko nga eh." Sabay tawa niya. Natawa na rin ako.
"Tara! Since matagal pa naman ang next subject natin, snack na muna tayo." Hinila niya ako sa braso at saka kami naglakad papunta sa canteen.
Madadaanan namin 'yong basketball court papunta sa canteen. Tapos na yata 'yong laro dahil wala na'ng tao sa court na naglalaro. Nakita ko ang mga players na may parehong suot na kulay ng mga jerseys na nakaupo sa mahabang bangko na gawa sa kahoy sa harap ng canteen. Nagtatawanan ang mga ito.
Napansin ko rin na may mga babaeng naroon, nakasuot din ng jerseys, Hindi ko alam na nakikipaglaro pala ang mga lalaki ng basketball sa mga babae? Na-curious tuloy ako kung ano ang score ng mga babae laban do'n sa mga lalaki.
Siniko ako ni Rowena at tinanong kung ano ang gusto kong inumin at kainin. Sinabi ko naman at saka siya um-order habang ako ay naupo sa bakanteng pang-apatan na mesa. At dahil curious pa rin sa aking nasa isip, unaware na ako na tinititigan ko pala sila.
"Miss, sino type mo sa'min?" ngisi nang isa sa mga players. Hindi ito katangkaran, pero mukhang may pagka-pilyo.
Na-realized ko kung anong ginagawa ko kaya naman napahiya ako sa tanong nito. Hindi sumagot na iniiwas ko ang tingin.
"Hoy, Arcel! Gago ka talaga, pinag-blushed mo si Miss maganda." Sabat naman no'ng isa pa sa kanila.
Hindi ko alam kung sinu-sino na ang nagsasalita at nagtatawanan sa kanila, nakayuko kasi ako. Pakiramdam ko ay ang init-init ng mukha ko.
"Hoy kayong mga V.A. kayo, tigilan nga ninyo itong kaibigan ko, kung hindi ay ire-report ko kayo sa coach ninyo." Sabat ni Rowena na nakabalik na.
"V.A? ano 'yon?" tanong nang isa sa kanila.
"Ay tungek! Kayo 'yon pero 'di ninyo alam? Varsity Athletes, oh ano, gets na ninyo?" pagtataray ni Rowena.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...