**Si LYN po 'yong nasa media, Miki's childhood friend.
TUMUNOG ang hawak kong phone. Si Inez! Tumayo ako at malakas na tinawag si Lyn. Naagaw ko rin ang atensiyon ng mga audience. Mabilis namang tumakbo palapit sa'kin si Lyn at saka ako inakbayan. Namula ang aking mukha kahit sanay na ako sa intimacy nito, nakakahiya lang kasi na may mga nakatingin sa ginawa niya.
"Asan?" kunot ang noo nito.
Nagtaka ako at saka tiningnan 'yong screen ng phone niya, wala na. "Kanina lang nag-ring eh."
"Sige, balik na'ko sa court. Tawagin mo na lang uli ako kapag nag-ring OK?" sabay kurot niya sa pisngi ko. Tinabig ko iyon.
"Ano ka ba, mapipilas na iyan sa kakukurot mo eh!"
Tumawa lang ito at saka tumakbo pabalik sa court. Patingin-tingin ako sa phone niya, baka kasi mag-ring uli eh. Nagsimula ang sigawan nang magsigalawan na ang mga players. It's amazing how this audience cheers for each dept. Nabibingi ako lalo na kay dark beauty na kung makatawag sa pangalan ni Glen eh wagas! Dumagdag pa si Weng kung makatawag kay Arcel.
"I love you, Glennnnnn!" may isang sumigaw, at nasa tabi ko pa! Oh gahd, mismong sa tabi ko, halos kasiko ko pa. Gahd!
Nahuli ko ang matalim na tingin ni dark beauty sa katabi ko-ay teka, bakit parang sa'kin yata nakatingin ito? Medyo kumubli ako sa katabi ko na parang sinsabing hindi ako 'yon. Grabe naman itong makatingin, ang talim, nanunugat talaga eh. Ayaw ko pa naman nang mga gano'n, wimpy kasi ako sa mga girls fight.
Bumalik ang tingin ko sa laro. Ahead ang Educ sa score, three points lang naman. Hawak ni Chato ang bola, she dribbled it and made a pass to Lyn. I jerked kasi na-excite rin naman akong makitang mag-shoot ang friend ko, but Jacobe stole the ball and now on her way to the other side of the court for a three point shot.
She shoots the ball but somebody blocked it. The audience cheered wildly, parang earthquake lang ang paggalaw ng mga bleachers. "Shoot, Gleeeen!" sigaw ni dark beauty.
Pumasok naman ang bola, three point shot pa kaya naman nag-tie ang score. Lalong nagsigawan ang side ng Crim. Nag-high-five sina Lyn, Chato, Mane at Glen.
"I love you, Glen! Ang galing mo!" sigaw uli ng katabi ko. Mabilis akong tumayo para sana umalis at iwan 'yong baliw kong katabi pero na-out of balance ako dahilan para mahablot ko ang hawak-hawak no'ng babae na poster para kapitan. Ngayon ay lumalabas na ako ang may-ari no'n pati ang isinisigaw nitong "I love you, Glen!" ay parang ako ang may gawa.
Nagsigawan ang audience, nanunukso. Pati 'yong mga players ay nakikantiyaw kay Glen. Yumuko naman si Glen at animo nahihiya. Gahd! What just happened? Am I in trouble now? Tumingin ako sa katabi ko, hinablot nito ang poster na hawak ko at saka ako sinimangutan. "That's mine!" galit pa nitong sabi.
"Oh hell, duh! Alangan namang sa'kin 'no!" galit ko ring sabi. Itinulak ko pa iyon sa dibdib nitong malaki.
Hiyang-hiya talaga ako. Gusto ko na lang magtago, o umalis. Tiningnan ko ang screen ng phone ni Lyn para tingnan kung tumawag uli si Inez pero wala. Kumukulo ang dugo ko sa mga nangyayari ngayon. Lyn owes me, big time!
"Kyaaaa!" sigaw ng katabi kong pahamak nang mag-resume ang game. Gusto ko itong itulak at ng malaglag sa upuan, kalandi kasi.
Si Lyn uli ang may hawak ng bola. She is dribbling it under her legs, napahanga naman ako. Kahit simple lang 'yon para rito, para sa'kin ay hindi. Hirap kaya akong gawin iyon nang minsang turuan niya ako.
May humarang sa kaniya to guard her, dalawa pa, hanggang sa naging tatlo. Lumapit din si Glen para maipasa ni Lyn 'yong bola rito. At ewan ko ba kung ano ang pumasok sa'kin sa ginawa ko. Hindi ko alam kung dahil sa 'tinding inis o pagkapahiya, I did what it made me the laughing stock for the entire week.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...