Chapter Twelve

457 13 4
                                    

WARNING: The following chapters will be matured content. 

ATTENTION: Ang POV ni Glen ay gawa-gawa at kathang isip ko lamang. Kung anuman ang POV ni Miki patungkol sa kanya'y sarili lamang niyang pagsusuri. Hindi ko intensiyong manakit o lahatin ang mga bagay na nasusulat dito. Ito ay isang kuwento lamang na may kaunting katotohanan, subalit ang karamihan ay sariling opinyon. 

This story is not written to offend anyone. Please pardon me.

-Author



THINGS became easier between us after that one afternoon in Glen's boarding house. Hindi na namin kinailangan ng mga salita, mas nanaig ang kilos at tahimik na pagsang-ayon na kami na nga. OMG! KAMI NA, GOSH! Paulit-ulit na tili sa isang bahagi ng utak ko.

Pasilip-silip ako sa orasan sa screen ng aking cellphone, hindi alam kung inaabangan o pinipigilan ang pag-usad ng oras sa pagtatapos ng klase ko. Ibig kasing sabihin ay sa kasera ako ni Glen magpapalipas ng oras sa mga bakanteng oras na mayroon ako sa school.

Excited. Nervous. Overwhelmed. Lost in thoughts. Mga emosyong nagtatalo sa aking damdamin.

"Alright, class. Get ready for the group presentation for next week. Class dismissed." Tinig ng propesor namin.

"Anong presentation?" Kalbit ko kay Weng.

"Ay, timang. Hindi ka nakikinig 'no? Tara sa canteen, lamon tayo." Tumayo ito.

"Hoy, sino ka-grupo ko?" Sumunod ako sa pagbaba sa hagdan.

"Tayong lima nina..." pagbanggit niya pero hindi ko na narinig pa dahil nakita ko si Glen sa labas ng school exit gate, nakatayo't nag-aabang.

NO! No-no-no-no! Mabilis akong humakbang, halos laktawin ang mga baitang.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tawag ni Weng.

"Lumamon ka munang mag-isa! I will see you tomorrow!"

Hindi na ito sumagot pa. 


MABILIS akong lumabas ng gate at hinarap ito. "Anong ginagawa mo rito?!"

"Sinusundo ang girlfriend ko?" kumunot ang noo niya.

"Girlfriend? Sino?"

"Sino?" Glen's face got distorted. "Sino sa tingin mo?"

"Ah...ako nga pala." Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Tara na, bilis." Hinila ko siya sa braso.

Pinigil niya ako. "Nahihiya ka ba?" Nawala na ang ngiti nito sa labi.

Hindi naman ako maka-imik.

"Ikinahihiya mo ako?"

"Glen...hindi pa lang kasi ako sanay."

"So, nahihiya ka nga na makitang kasama ako."

"You don't understand."

"Hindi ako matalino, pero hindi rin ako bobo. Nahihiya kang kasama ako."

"Can we...can we not talk here? Doon na lang tayo sa kasera mo mag-usap."

"Huwag na. Kung nahihiya ka rin lang, huwag mo na akong puntahan pa. Saka mo na lang ako balikan kapag handa ka ng tanggapin ang relasyon mo sa akin." Tumalikod ito.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon