Chapter Five

441 9 1
                                    

KINAKABAHAN pa rin ako sa pag-iisip kung tama ba ang gagawin ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINAKABAHAN pa rin ako sa pag-iisip kung tama ba ang gagawin ko. Pero alam ko sa sariling mali. Subalit hindi ko naman maitangging gusto kong sumama rito kahit minsan lang. Minsan lang naman e kaya ginawa ko iyon na rason para alisin ang aking kaba at pag-aalinlangan.

May humintong motor sa harap ko at narinig kong tumawag si Glen. Lumapit ako ro'n. Bumaba siya pagkatapos i-park ang bike. May inilabas ito mula sa loob ng upuan at inilapag iyon sa ibabaw ng upuan, tuwalya para pananggalang sa basang upuan. Tapos kinuha niya ang isang helmet para isuot sa ulo ko subalit pinigilan ko siya.

"Ayoko niyan. Kung sinu-sino na yata gumamit nito e." Reklamo ko. Napansin kong ngumiti siya.

"Akin iyan, ako lang ang gumagamit niyan." She said smilingly. "May pagka-selosa ka pala ..." bulong nito pagkatapos.

"What?" hindi ko kasi gaanong narinig iyong huli niyang sinabi.

"Wala. Sabi ko angkas ka na para makaalis na tayo."

Inalalayan niya ako sa pagsakay. Gusto ko ang paghawak niya sa kamay ko. Mainit kasi ang palad niya, magaspang at malaki. Naramdaman ko ang malamig niyang likod sa harapan ko. "Nilalamig ka?" Tumagilid ang aking mukha para tingnan siya.

Siya ring pagtagilid ng mukha niya, kung wala akong suot na helmet ay baka nagdikit na ang aming mga mukha. Mabilis ko iyong binawi at iniatras ang mukha. Muntik na tuloy akong mahulog sa ginawa ko buti at nahagip niya ang katawan ko.

"Huwag kang magalaw." Sabi niya na nakangiti. "O hawak ka sa baywang ko para hindi ka mahulog." Dugtong niya.

"Huwag na, dito na lang ako sa likod hahaw---" natigil ako sa pagsasalita dahil wala akong mahawakang kahit ano sa likuran. Walang hawakan doon. Kasi 'yong sa kapatid kong lalaki may hawakan sa likod ng motor nito.

"Hawak na." Ulit niya. Huminga muna ako ng malalim bago marahang idinantay ang mga kamay sa kanyang balikat.

"Higpitan mo," sabi niya.

"Okey na ito. Marunong akong umangkas ng motor kaya hindi ako mahuhulog 'no." simangot ko.

Mahina itong tumawa. "Sige, ikaw rin." At pinaadar niya ang motor.

Muntik na akong mahulog nang umusad iyon at nag-preno. Napayakap tuloy ang mga braso ko sa kanyang leeg. When I realized I was hugging her, mabilis akong kumilos para alisin iyon subalit hinawakan niya ang aking mga kamay at mahigpit na pinisil. Pagkuwa'y inilipat niya iyon sa kanyang baywang.

"Ganyan ang kapit Miki, para hindi ka mahulog. Kapit ka lang ha?" sabi nya sabay tapik sa mga kamay kong naroroon. At muling umusad ang motor.

Hindi ko na nga inalis ang mga kamay roon sa takot na mahulog. Buti naka-helmet ako kaya at least paano ay hindi ako makikilala ng mga nararaanan naming estudyante na nagsipag-hi kay Glen sa aming paglabas sa gate. Mga sampung minuto lang siguro ang tinakbo ng motor bago ito huminto sa isang boarding house.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon