Chapter Two

632 13 0
                                    

"KANINA pa kita hinahanap." Tawag ni Weng.

"Sorry, may pinuntahan din kasi ako eh." salubong ko sa kanya sa canteen. Sabay kaming sumakay ng tricy para magpahatid sa main.

"Big news!" pauna niya agad. Nilingon ko siya sa tabi ko, nasa loob kami ng tricy.

"Iyong girlfriend ni Glen, may sinugod." Tatawa-tawang sabi niya.

I looked at her dumbfounded. Hindi ko kasi alam ang iisipin ko eh. Kung mamamangha ba ako sa pagiging tsismosa niya sa pagiging up to date niya sa buhay ng iba, o sa nonchalant lang nitong pagsasabi niyon. She really is something. Kaya siguro friend ko siya kasi luka-luka siya, she's fun to be with, hindi ako mabo-bore.

"Hoy! Sabi ko---"

"I heard you. So?" tumingin ako sa labas ng bintana.

"Si Glen may kahalikang iba." Hagalpak nitong tawa. Tila tuwang-tuwa sa ikinukuwento.

I heaved a sigh. I kind of felt disappointed at hindi ko alam kung saan o kung bakit. Mali kasi...maling-mali.

"Hoy, ano bang iniisip mo?" siko niya sa'kin.

"How are you so nonchalant about all of it? Para bang natural lang 'yong mga nakikita mo at naririnig lalo pagdating sa tinatawag mong THL?" hindi ko na napigilang tanong.

Biglang sumeryoso ang mukha nito. "You know what, Miki...this is the new generation. People are what they see themselves as they are. Lahat ay may karapatang mabuhay. Lahat ay may karapatang maging masaya at maging kumportable kung ano o sino sila. Stop being uptight about it, you're not being funny."

"I am not!"

"You are too!"

"I'm just saying---"

"No, Miki you are not just saying." She interrupted me. "I saw the way you look at them. Alam kong conservative ang pamilya mo at may pinanghahawakan kang prinsipyo but please... please lang be at least open minded a little bit. You don't have to be friends with them pero irespeto mo naman ang pagkatao nila."

"I do respect them; it's their lifestyle that I can't stomach." I yelled back.

"And what exactly do you mean by that?" Rowena asked raising her brow.

"Gahd, Weng...tama bang ipangalandakan nila ang relasyon nila in public? Pati ikaw na taga-main eh alam ang buong detalye, hearing all those details is making me cringe."

"For your information, it's a secret. Kung ipinangangalandakan nila iyon eh di sana sinipa na sila rito sa university. I do know the details, almost pero hindi lahat, dahil may personal informant ako." she pursed her lips.

Akala ko ay hindi na uli ito magsasalita pero lumingon uli siya sa'kin. "And F.Y.I uli, my younger sister is also a lesby, okey? And I want you to know, may buhay sila, dugong nananalaytay sa katawan nila. May puso, utak, damdamin na nasasaktan sa mga taong judgemental na katulad mo." Nauna itong bumaba ng tricy pagkabayad nang makarating na kami sa main.

Hinabol ko siya sa mabilis na paglalakad niya. "Weng, wait!"

Bigla siyang huminto at humarap sa'kin. "And you know what? I love you as a friend pero minsan, you're such a bitch!" at saka uli ito tumalikod at iniwan akong nakatayo sa ibabang hagdan.

Natulala ako sa binitiwan niyang salita. Nasaktan. Nalito kung ganoon nga ba talaga ang labas ko. Was I really acting that way? Nakuyom ko ang palad.

Anong mali sa pananaw ko? Nasaan na ang freedom of speech and liberty? Kung ang THL naipapahayag nila ang saloobin nila, eh bakit ako hindi ba puwede? 'Nyeta, ako pa ang lumabas na masama ngayon.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon