MAY two hour vacant time bago ang susunod kong klase, kaya naman pinili kong tumamabay sa klase ni Lyn at hinihintay na matapos ang klase nito sa loob ng tatlumpong minuto.
Makulimlim ang ulap at umaambon, sa kasamaang palad, hindi ako nakapagdala ng jacket. Niyakap ko ang sarili para kahit paano ay mapawi ang ginaw na nararamdaman. Nasa ikalawang palapag ako kaya naman nakikita ko ang mga pumapasok sa criminology building. Kaya naman agad kong namukhaan si Glen, kasama sina Chato at June na papasok doon.
Dahil hindi pa rin alam kung paanong pakikiharapan si Glen, agad akong naghanap ng pagkukublihan, pero walang ibang lugar kung hindi ang isang bakanteng classroom, kaya doon ako pumasok.
And what do you know? The vacant room happens to be their room. Kaya ganoon na lang ang pamumula ng mukha ko nang makita nila akong nakatayo sa likod ng pinto. I was sure my face is flushing in red, but I still put up a brave front.
"Anong ginagawa mo rito?" Lumapit si Glen, nakangiti, iyong ngiting humahalina sa mga admirers nito.
"N-naghihintay?"
"Sinong hinihintay mo?"
"Si Lyn."
Lumingon ito sa labas ng classroom. "Doon ang klase niya." Sabay nguso sa direksiyon ng klase nito.
"Alam ko."
"Bakit na ka narito?"
Nagtatago sa iyo! Pero siyempre, hindi ko sinabi iyon.
"Baka hinihintay ka, Glen." Singit ni Chato na nakatayo sa may pintuan.
"Hindi 'no!" Mabilis kong agaw.
"Baka pinagtataguan ka." Tawa ni June.
"Hindi!" mas malakas kong sabi.
"Uy, may text message si class rep." Sumilip si Chato sa kinasasandigan kong pader sa likod ng pinto.
"Ano iyon?" Lumapit si June kay Chato para sumilip sa text message nito, samantalang si Glen ay nanatiling nakatingin sa akin.
"Aw, yeah! Wala si Sir. Self study raw tayo." Natutuwang sabi ni Chato.
"Yes!" Ganoon din si June.
"Talaga?" Ngiti ni Glen.
"Wala na tayong klase. Three o'clock pa lang, sa'n tayo Glen?" Tinanguan ni June sina Glen at Chato.
"Miki, may klase ka?" Sa halip ay tanong sa akin ni Glen.
Umiling ako.
"Anong oras ang susunod mong klase?"
"Five."
"Sama ka sa amin?"
"S-saan?" Bigla na namang kumabog ang puso ko.
"Sa boarding ko muna, saka na natin pag-usapan kung saan tayo pupunta pagkatapos."
"Kasi, si Lyn...alam niyang naghihintay ako."
"I-text mo siya, sabihin mo kinuha kita."
"Ha?"
"Sige na. Tara." Kinuha niya ang kamay ko na para bang natural lang iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...