Chapter Seven

435 11 3
                                    

"MYLA, palagi bang nakabuntot ang Ava na iyon sa grupo?" tanong ni Weng nang makaupo na sa kama sa loob ng kuwarto ng ate ni Chato.

"Medyo. Basta kasama si Glen, naroon din siya."

"May gusto ba si Glen sa kanya? Bakit hinahayaan lang ni Glen sa sumama ang babaeng iyon?"

"Likas kasing gentleman si Glen. Hind marunong manakit ng damdamin ng mga babaeng lumalapit sa kanya. Mahiyain din kasi iyon. At saka sobrang bait bukod sa napakamatulungin." pahayag ni Myla.

"Ang kapal din naman kasi ng babaeng iyon. Feeling masyado kung makadikit kay Glen." Reklamo ni Weng.

"Mula nga ng mabalitaan ni Ava na wala na sina Ms. Bautista at si Glen, palagi ng nakabuntot si Ava sa kanya."

Natigilan sila sa usapan nang may kumatok sa pinto at mula roon ay ang pagbungad ni Arcel. "Weng, pakuha naman ng foods, please?" nag-puppy eyes pa ito.

"Asus! Cute ka na kahit hindi ka pa magpa-cute. Sige balik ka na sa kanila at dadalhin ko na lang doon 'yong foods." Sabay tayo ni Weng para lumabas ng kuwarto.

"Salamat, babes." Nagnakaw ng halik si Arcel sa pisngi nito. Mabilis naman itong tinapik ni Weng.

"Sorry Miki ha, babalik di si Weng agad." Hingi nito ng paumanhin sa 'kin. Umiling lang ako at nagsabing okey lang bago sumara uli ang pinto.

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Myla. Nahihiya pa rin ako pero pinilit ko ang sariling magsalita. "M-matagal na kayo ni Chato?"

Ngumiti ito bago sumagot. "Hindi pa. Pero matagal na kaming magkakilala. We started out as friends hanggang sa mahulog ang loob namin sa isa't isa."

"A-alam ba sa inyo na ano...na kayo na?" naiilang kong tanong.

Saglit itong hindi umimik. Huminga ito ng malalim bago sumagot. "They just found out. Siyempre hindi nila tanggap pero... I love Cha, at alam kong mahal din niya ako. Para saan ba at baka sakaling matanggap din nila."

Hindi na uli kami nag-imikan hanggang sa may kumatok uli sa pinto. Sumilip si Chato at ngumiti sa 'min. "Sorry Miki pero may gusto lang sana akong sabihin kay Myla, okey lang ba?" paalam nito.

Mabilis akong tumango. "Okey lang. Go ahead." Ngiti ko kay Myla at tumayo nga ito at saka lumabas ng silid. Naiwan akong mag-isa roon.


Ilang minuto pa ay may kumatok uli sa pinto. Tumingin lang ako roon, baka si Weng o Myla iyon pero hindi. My heart did a sommersault upon seeing her face. "Hi..." ngiti ni Glen.

Napalunok ako. Napahigpit ang kapit ko sa sheet ng kama, tila mauupusan ako ng hininga sa pagkakita sa kanya.

"Puwedeng pumasok?" tanong nito.

Hindi ako kumilos, o sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko.

"Hindi ba puwede?" tanong uli nito. Nasa door frame lang siya, naghihintay ng sagot.

"S-sige...p-pasok.." nauutal na naman ako. Bakit ba ang lampa-lampa kong makipag-usap?

Pumasok nga siya. Isinara niya ang pinto kaya naman nakita ko ang kabuuan ng likod niya. Hindi mo iisiping babae ito dahil sa postura. Dinaig pa nito ang ilang kalalakihan sa pagdadala sa sarili. Ang lapad ng kanyang mga balikat. Ang tikas niyang tumayo. Ang laking bulas niya para sa babae. Puting t-shirt ang suot nito na mya kuwelyo at butones sa itaas na bahagi, at itim na slacks. Kahit ano pa yata ang isuot nito, bagay lahat. Pwera siguro sa palda at bestida.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon