THIS will be my first time na maki-fiesta kasama si Weng at ang iba pang grupo. Usually ay sa pamilya ko ako sumasama.
Medyo matao sa bakuran nina Chato, at may nag-iinuman na ka-tanghaliang tapat pa lamang. Nakasuot ako ng baseball cap na hiniram ko sa kapatid kong lalaki at 'yong big frame shades ko. Patingin-tingin si Arcel sa 'kin habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Chato. Naiilang tuloy ako.
Tinapik ni Weng ang balikat nito. "Stop staring at her!" Saway niya rito.
"Bakit ba parang balot na balot sa mukha iyang kaibigan mo?" tanong nito kay Weng, at narinig ko iyon.
"Huwag mo na lang siyang pakialaman, okay? Shush ka na lang." Saway pa ulit niya. Pagkuwa'y lumingon siya sa 'kin.
"Kung mahihiya ka rin lang palang pumunta rito e di sana pala ay hindi na lang kita pinilit na sumama pa. Gusto mo na bang umuwi?" medyo yamot na sambit niya.
Natigilan ako. Na-guilty kasi tama naman ito. Nahihiya akong may makakilala sa 'kin dito. Hindi na lang ako umimik at patuloy na sumunod sa kanila.
"Uy! Dumating kayo!" Salubong ni Chato sa 'min at nakipag-fist bumped pa kay Arcel. Nag-hello naman si Weng dito. Pagkuwa'y tumigil sa 'kin na parang sinisino ako.
Kahit naiilang, inalis ko ang suot na cap at shades at saka matipid na ngumiti rito at mahinang nag-hi.
"Miki? Wow! You came! Pasok ka!" Sabay hila sa aking braso na tila excited sa aking pagdating.
"E kami? Hindi mo ba kami iwe-welcome ng katulad nang kay Miki?" reklamo ni Weng kay Chato.
Natawa si Chato, gano'n din si Arcel. Ginaya ni Arcel si Chato at ito naman ang humila sa braso ni Weng papasok sa bahay nina Chato.
Tinapik ito ni Weng at nagkunwang nagalit sa ginawi ng mga ito bago nagkusang pumasok sa loob. "Oh gosh, I'm starving!" At saka ito dumiretso sa kusina kung saan nakahain ang mga pagkain.
Mabilis akong sumunod kay Weng, tila takot mapag-isa kina Chato at Arcel.
"Gahd, Miki...relaks! Hindi ka nila kakainin." bulong ni Weng sa'kin. Napansin marahil niya ang aking pagka-atubili.
"H-hindi naman ah, gutom na rin kasi ako," pagkakaila ko at saka nagsandok ng pagkain sa hawak na plato.
"Rowena, Miki, sa taas tayo sa kuwarto ko pagkatapos ninyong kumuha ng pagkain. Naroon na kasi ang barkada." Agaw ni Chato na nasa gitna ng hagdan at tila kabababa lang. maluwang itong nakangiti.
"Okies!" Thumbs up ni Weng.
Ewan ko ba kung bakit ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Para kasing may ina-anticipate akong makita sa kuwarto nito. Isa sa barkada ni Chato. Parang nakikinita ko ang mga titig ng taong iyon, at ang ngiti nitong nagpapakabog sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
ChickLitMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...