**ATTENTION: I DON'T PLAN TO EDIT MY WORKS SO BEAR WITH THE GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS.
**Salamat kay @rosemarietabliago , sa suporta.
MIKI, grew up in a conservative and traditional kind of family. Hindi naman relihiyoso ang pamilyang kinalakhan niya but her parents uphold the family's dignity in the ways of what they thought was right, since that was the teaching from even before.
Tahimik at pinalaki siyang tama, kaya nararapat lamang na bawat desisyon na gawin niya ay mga tama lamang, ayon sa pamilya niya, sa lipunan, at sa mga aral na naririnig niya sa simbahan.
Kaya naman nang makilala niya ang tinatawag na The Handsome Lesbians na miyembro ng varsity teams ng kanilang university, nakaramdam siya ng pagkailang sa mga ito. Lalo pa nang madiskubre niyang ang mismong childhood friend na madalas niyang makatabi sa mga sleep overs ay hindi niya katulad na babae.
Paano niya patutunguhan ang mga ito nang hindi niya kailangang ipakita ang pagkailang sa mga ito? Civil naman siyang tao kaya being polite is a given pero...paano kung sa harap mismo niya ay nakikita niya ang hindi tanggap ng kanyang paniniwala? Paano pa niyang patutunguhan ang childhood friend niya nang hindi niya nahahaluan ng malisya ang bawat pagdidikit ng kanilang mga balat? At paano kung...paano kung ang isa sa mga THL ay nagkakaro'n na ng puwang sa kanyang kamalayan? Paano na?
Ang mali ay mali. Ang tama ay panatalihing tama. Sa ganoon siya pinalaki kaya sa ganoon din dapat siya mamuhay.
Pero hindi pala lahat ng tama ay maganda. At hindi lahat ng mali ay masama. Ano ba ang paiiralin niya, ang puso o ang isip?
Inihahandog ko sa inyo ang isang kakaibang kuwento. Kakaiba dahil hindi ito tipikal na boy and girl relationship, sa halip ay mga magkaparehong kasarian na may magkakaibang pagkatao, paniniwala, pananaw, subalit iisang puso na tumibok para sa isa't isa.
A/N:
Ang basehan ko nito ay hindi para sa lahat kaya wala sana akong ma-offend kasi that is not my intention. I am writing this just for the sake of a friend's deepest feeling na minsan sa buhay niya ay totoong nagmahal siya sa isang katulad niyang...babae. At nais lang niya iyon ibahagi.
Half of this is based on a true story, pero dahil na rin sa kahilingan, kalahati nito ay totoo, at ang iba ay gawa-gawa lamang. Kaya sana ay walang manghusga sa damdaming hindi ninyo naranasan at hindi ninyo maintindihan kahit pa ang dinidikta ng inyong tamang katwiran ay mali ang mga iyon.
Tama o mali, hindi iyon ang layunin ko. Gusto ko lang ibahagi ang isang kuwentong naging totoo sa buhay ko.
Salamat,
Micx
BINABASA MO ANG
She Loves HER
Literatura FemininaMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...