Chapter Eighteen

498 9 1
                                    

"ANO ba? Emosyon Miki, dapat bakas sa mukha mo ang pagkabighani mo sa unang kita mo pa lang kay Ronan bilang si Joe. Iyan ang unang pagtatagpo ni Maria Makiling at ni Joe. Kaya ikaw bilang si Maria Makiling, ibigay mo ang emosyon na dapat maramdaman niya." sigaw ng director ng drama club namin na si Miss Salvador.

Pagkuwa'y kay Ronan naman ito bumaling. "At ikaw," medyo bumaba ang nakasigaw nitong tono, "Patigasin mo ang braso mo habang nakasuporta ang mga kamay mo sa likuran ni Maria. Look at her with passion, almost worshipping. Diwata nga kasi siya kaya kailangang naroon ang pagkagulat at pagkamangha na nakakita si Joe ng isang diwata."

"Yes, ma'am" Sabay tango pa ni Ronan.

"Miki," tawag uli ni Miss Salvador. "Maria will fall in love with Joe. I want to see that love in your eyes. Feel it. For sure may boyfriend ka naman para pagbasehan."

"Baka girlfriend," pasaring ni Ronan.

"What is that?" Nakakunot na noong baling ni Miss Salvador sa kanya.

"Wala ho, ma'am." Nakangiti niyang sagot.

"Anyway, this is the last rehearsal before the actual performance. Do this one more time and then we can practice the last scene." Pumalakpak ito ng dalawang beses hudyat nang pagpapatuloy naming mag-ensayo.



THE play was scheduled to be watched by every department. It was my first time doing stage play, it was fun. I liked it. Everything was good, until it was time for the Criminology department to watch.

I want Glen to be proud of me. I want her to boast me to her friends. Pero kabaligtaran ang nangyari.

Nasa huling eksena na kami, kung saan ay nakipagpambuno si Joe sa mga taong nais pumatay kay Maria Makiling. Pero nasaksak ng matulis na kahoy si Joe, at nasaksihan iyon ni Maria Makiling. She ran to him before his last breath stop. She was devastated. Cried. She was supposed to be the guardian of those poor people, but not this time. All she was left was hatred for them.

I was ready to scream, just waiting for Ronan to say his farewell. But I was taken aback when he suddenly grabbed my neck and claimed my lips. Wala iyon sa script. Bigla akong nalito. Natigilan. Hindi agad siya naitulak. Parang kidlat na sumagi sa isip ko na nasa audience si Glen at nanonood. But I could not push Ronan back, we were at the stage and at the crucial scene. I accepted the kiss...until he let me go.

Nagpatuloy ako sa pagtapos ng eksena. At bago sumara ang kurtina ng entablado, nakita ko si Glen sa kina-uupuan niya, larawan sa mga mata ang kirot sa nasaksihan.


"GAGO ka!" Malakas na sampal ang ibinigay ko kay Ronan.

Nagulat ang mga kasamahan namin sa likod ng entabalado. Natigilan sila sa mga ginagawa at sa amin natuon ang pansin.

"Bakit?" Napamaang siya. Sinapo ang pisnging nasaktan. Tsaka nanliit ang mga matang tumingin sa 'kin.

"You kissed me!" mahina, pero mariin kong bitaw, galit na galit.

"A..." Ngumisi siya, na para bang wala lang iyon. "Naisipan ko lang mag-adlib, para mas effective ang reaction ng audience.

"Adlib? Sa araw na ito? And you just have to choose it today to do it?"

"Bakit? May magagalit ba? A!" Kunwari ay nagulat pa siya. "Crim nga pala ang audience ngayon. Sorry, hindi ko naisip."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon