THAT one night did not end with just one sleep over. Sa bawat tsansang dumating, sa kasera ako ni Glen tumatambay. At sa bawat pagtambay, hindi niya pinalalampas ang pagkakataong walang anumang mangyari. We literally pushed ourselves to the limit but never got tired of loving each other, sexually.
"NAGDA-diet ka, Miki?" Sita ng isa sa mga kaklase ko.
I was off-guard by her question. I didn't know how to answer. Napansin kong napangisi si Weng. Umiwas ako ng tingin.
"H-hindi." Walang gana kong sagot, nais alisin ang atensiyon sa akin.
"Ang laki ng ipinayat mo." Pahabol pa nito.
"Why don't you just mind your own business?" I bursted out. Napikon akong bigla dahil pakiramdam ko ay pinasasaringan niya ako. Wala siyang pakialam sa buhay ko. Tinalikuran ko siya't humarap sa pisara at doon itinuon ang atensiyon. Siya namang pagpasok ng professor namin.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Alam ko, masyado na akong nalunod sa relasyon ko kay Glen. Pero aaminin kong mayroon sa parte ng damdamin ko ang gustong umatras nang kaunti. Ang pagkukusa kong pumunta sa kanya ay naging obligasyon kinalaunan. Walang katapusang pagtatanong ang mamamagitan sa amin kapag may bakanteng oras akong pinalampas na hindi siya kasama.
I needed my space. I needed a break. But I couldn't bring that up. It was partly my fault, I pampered her, spoiled her to the point that I thought she thinks she owned me. Minsan ay tinatanong ko sa sarili kung tunay ko nga ba siyang mahal. At madalas ay lumalabo kapag dumadalaw ako sa tahanan ng Diyos.
I would kneel and plead to HIM to forgive me. That I was just loving her. But deep inside me I knew, I even comdemned myself for doing something I knew was wrong. Kaya hindi ko maiwasang minsan na manlamig kay Glen. Mag-uumpisa sa Linggo pagkatapos kong magsimba, hanggang Lunes at Martes. Sa Miyerkules ay nararamdaman ko na ang paghihinampo ni Glen, kaya lalambingin ko siya, na hahantong sa pagniniig, magpapatuloy hanggang katapusan ng linggo. At mauulit na naman pagdating ng Linggo.
"MAHAL ka ba talaga ni Miki, Glen?" tanong ni Cathy matapos inumin ang alak na nasa basong maliit. Nasa kasera nito si Glen, at doon ako dumiretso dahil napa-agang natapos ang last subect ko ng panggabing iyon. Glen was supposed to pick me up.
"Oo naman, bakit?"
Hindi ko man nakita, naramdaman ko sa tinig ni Gen ang may halong pag-aalinlangan. Nakatago ako sa malaking haligi ng kasera ni Cathy, hindi makalabas dahil alanganin na. Kaya pumirmi na lang ako roon at nakinig sa usapan nilang dalawa.
"Wala lang. Curious lang ako."
Cathy was Glen's bestfriend, aside from Chato. Hindi ito kabilang sa grupo niya dahil hindi naman ito athlete. I could feel immediately that she doesn't like me. And hearing what she said made me question myself as well. Mahal ko nga ba talaga si Glen?
"Hindi ba member siya ng school paper? Nasa drama club din siya. Tapos kaibigan pa siya ng Ms. Campus at malapit sa Dean ng department niya. Matalino siya, Glen. Maganda. Sosyal. Hindi ka ba natatakot na baka...pinaglalaruan ka lang niya?"
Hindi ko alam pero tila dinagukan ako sa mga sinabi ni Cathy. Ano nga ba ang ginagawa ko sa isang katulad ni Glen? Ano ang kaya kong ibigay at isuko para manatili sa piling niya? Kaya ko nga ba siyang iladlad sa mga kaibigan ko't kapamilya? Hindi...hindi ko pa kaya. Kaya nga hanggang't maari ay itinatago ko ang tungkol sa amin.
"Mahal niya ako. Mahal niya ako." Mga katagang binitiwan ni Glen na nanuot sa buo kong katauhan.
Nilisan ko ang kasera ni Cathy at bumalik ako sa school. Somehow, I have answered one question why I was pushing myself so hard to prove to her that I love her. Gusto kong patunayan na mali si Cathy. Gusto kong patunayan kay Glen na tama siya sa pagtitiwala sa damdamin ko. Gusto kong patunayan sa sarili kong hindi ako nagkamaling piliin siya. At sa bawat desisyong gawin ko, nais kong patunayan na tama iyon, kahit isinisigaw ng kalooban kong hindi...na hindi lamang ang nararamdaman ng puso ko ang dapat kong pairalin.
BINABASA MO ANG
She Loves HER
Literatura FemininaMIKI thought her life was just like any other girl's ordinary life, but that changed when she met this extra-ordinary boy, este, girl pala, ay hindi...ah basta...kung bakit ba naman kasi may guwapo palang babae, nakakainis lang. Read Miki's roller c...