Chapter Four

463 16 0
                                    

**Unedited pa po siya so pardon muna sa mga mali. salamat sa pagbabasa.


Chapter Four

NAGSIMULA na ang construction sa main building kaya naman 'yong ibang mga klase ay sa Annex na muna magka-klase ngayong second semester at kabilang ang department namin sa Accountancy and Business Adminstration.

Sa totoo lang ay hindi ako kumportable pero wala naman akong magagawa, alangan naman kasing magklase kami sa maingay at magulong construction sa Main. Nakigamit kami ng rooms sa College of Education, at 'yong iba naman ay sa College of Crim at ilan pa kung paano kami hinati-hati.

Nagsisimula na ang aming klase pero hindi ako mapakali kasi naman napansin ko si Weng na patingin-tingin sa labas ng bintana roon sa field. Kung bakit ba naman natapat pa ang room namin sa practice field ng softball kung saan ay kabilang sina Arcel, Chato, Jacobe, Mane at Sara sa mga players.

Panay ang ngiti nito kay Arcel kasi naman, nagpapa-cute si Arcel kay Weng. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba sa kanila o maiinis. Parang mga walang delikadeza, halos harapan na kasing magharutan ang mga ito.

At bakit ang aga-aga yata eh naglalaro na ang mga ito? Ano ito, PE nila o practice na naman? Ilan bang sports kasali ang mga ito? Bakit ba kasi dito pa kami nagklase eh, nakakainis!

"Miss Estrada, stop flirting outside at sa akin ka mag-focus." Agaw ng prof namin sa English subject.

Napahindig ako sa tinuran nito kaya bigla akong tumayo at sinagot ito. "I am not flirting! And you'r e not supposed to say that word as a teacher. That's harassment!" nasabi ko tuloy sa sobrang hiya.

Medyo natinag naman ito at kumunot ang noo. Gusto kong kagatin ang dila sa sinabi ko. Kapag kasi ako nainis talaga hindi ko na naiisip ang mga lalabas sa bibig ko eh.

"Get out of my class." Galit na yatang sabi nito.

"But---" I protested. Bakit ako ang may kasalanan eh wala naman akong ginagawa?

"Out, now!" mahina subalit madiin ang pagkakasabi nito niyon.

"Ah, Sir, ako na po ang maglalabas sa kanya. Excuse na rin po kasi kailangan kong gumamit ng banyo." Tayo ni Weng at saka ako hinila sa braso para igiya sa may pintuan at lumabas.

Nasa hallway na kami lampas ng classroom nang hinablot ko ang aking braso at saka siya hinarap. "What did I do? Siya nga itong nagsabi ng hindi totoo eh. I was not flirting at all! sigaw ko sa mahinang tinig.

"Iyan!" turo niya sa bibig ko. "Iyan ang pahamak eh. Masyado kang madakdak. Masyado kang righteous eh ilugar mo naman at hindi iyong isinisigaw mo sa madla! You're making poeple feel shit of themselves. Kahit tama ka, isipin mo pa rin ang mararamdaman ng mga taong pinagsasabihan mo ng mga nasa isip mo."

"Kung alam nilang mali sila eh dapat umakto silang tama."

"Tama? Sa tingin mo iyang sinasabi mong tama ang tama, ha?" duro ng hintuturo niya sa balikat ko. "Tama bang manakit ka ng damdamin ng iba? Tama bang ipagduldulan mo ang alam mong tama sa mga taong ang gusto lang ay mamuhay ng normal? Ano ang tama, Miki...tell me kasi ang alam kong tama ay 'yong hindi nananakit ng kapwa."

Ibinuka ko ang bibig subalit walang lumabas na tinig doon. Ano nga ba ang tama? Tama nga ba ako? Bakit ba nagagalit sila sa'kin kapag sinasabi ko ang alam kong tama? Hindi ko napansin ang luhang tumulo sa aking mata. Lumapit si Weng sa'kin at niyakap niya ako. Lalo lang tuloy akong napaiyak.

She Loves HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon